CHAPTER 35

249 20 3
                                    

Faridha's POV

I gasped. Nakikita ko siya... pareho kaming gulat at hindi makapagsalita.

"W-What w-what the hell?"

"F-Faridha..."

Umatras ako ng akma niya akong hahawakan.

"All this time, ikaw ang kasama ko?" Ganoon na ba siya kadisgusto sa akin at nagawa niyang itago ang pagkatao sa akin? "The f-fuck!" Naiinis ko siyang sinampal. Ramdam kong malakas iyon dahil uminit ang palad ko.

"P-Please," tinaasan ko siya ng kilay. "Let, let me explain."

"Explain? Gago ka ba?! Ha?!" Wala akong pakialam kung nag eeskandalo ako dito. Sobrang bigat na ng nararamdaman ko. "Tangina! Ang sama ng loob ko sa 'yo!!" May nabubuo ng luha sa gilid ng mga mata ko. "A-Ang lakas ng loob mong pumunta dito." Suminghap ako at doon tuluyang tumulo ang luha ko. Hindi ako makapaniwala. Narinig niya ba ang pinagsasabi ko kagabi kaya nakatingin siya sa akin ng gano'n?

"I'm sorry..."

Umiling ako. 'Yan na naman ang maririnig ko mula sa bibig niya. Ayaw ko ng tanungin siya ng mga bakit na alam ko naman na ang sagot. Oo! I prayed that I want to see him again pero ngayong nasa harap ko na siya mahirap pala?

"Bakit ka nagtatago sa akin?" Hindi siya makatingin sa akin. "Bakit, huh? Sabihin mo nga sa akin?" Lumapit ako saka tinulak ang dibdib niya. Gusto kong magwala.

"I-I'm afraid,"

"Afraid of what?!"

"You... you already knew the truth."

"The truth? That you're married?"

He nodded. "You love her?" Wala akong natanggap na response. "Do you love her?"

"I don't. Those three years I'm away, pinawalangbisa ko ang kasal namin." Nangimbal ako sa narinig. Wala na sila?

"Then... bakit hindi mo sinabing aalis ka?"

"P-Para hindi ka m-masaktan."

"Hindi ako masaktan? Alam mo bang mas nasaktan ako?" Gumagaralgal na naman ang boses ko. "H-Hindi ko alam kung babalik ka pa..." Nanghihina ako sa mga oras na 'to. "Ang daming nabuo sa utak ko Lucifer!! Na... n-na mahal mo siya! Na ayaw mo sa akin!!" Sagana ang luhang binubuhos ko sa ngayon.

"H-Hindi ko alam..."

"Kung nagpaalam ka sana matatanggap ko pa eh! Kung sinabi mo sana lahat sa akin... iintindihin naman kita eh. Alam mo kung bakit? Mahal kita." I finally said it. Nanginginig ang labi ko kaya tinakpan ko iyon ng kamay. "Mahal k-kita." Tinusok-tusok ko ang dibdib niya kung nasaan ang puso. Mas lalo akong naiyak ng makita ko siyang umiiyak. Umaalog ang balikat niya at namumula ang ilong.
"Pinagdasal ko na s-sana magkita tayo... pero masakit palang makita ang taong nag-iwan sa 'yo ng walang paalam?" Sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko pati na rin ang pagsinghap ko.

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now