CHAPTER 18

283 24 0
                                    

Faridha's POV

Alam niyo bang nakakahiya? Sa dalawang araw na meeting namin palagi akong late! Oo! Ako pa naman nagsasabi ng 8 AM sharp!! Unang araw ten na ako nakarating. Ngayong naman nine. Kahit may progress late pa din!!

Nakamasid lang ako sa kanila habang tinatapos nila ang paggawa ng baril. Kahapon ay wala kaming natapos na isa baka ngayon meron na. Medyo complicated kasi dahil wala silang alam sa modern technology. Mabuti na lang talaga may powers sila. Napadali kahit papaano.

"Princess, I think this is done." tinaas ni Anna ang hawak nito. Mukhang ayos na nga. Tumayo ako saka ito kinuha sa kamay niya. "Tan... pwedeng gumawa ka ng puno?" medyo nagulat si Tan. Pero dahan-dahan itong tumango at binaba muna ang ginagawa. Lumayo siya sa aamin. Pwedeng magkalat dahil training room naman ito.

Sinipat ko ng maigi ang gawa ni Anna. Malinis at mukhang gagana nga.

"Tapos na po." nabaling ang tingin ko sa likod. Meron na ngang puno do'n. Wala nga lang ugat. Nakasandal lang ito sa pader. "Bakit po puno? Marami namang dummies dito?"

"Mas matigas ang katawan ng puno kaysa sa tao." ang dummies kasi rito ay kasing tibay lang ng katawan ng tao. I positioned myself. Tinutok ko ang baril habang nilalagay ang tumb sa parteng taas ng hawakan. Nagreact ang screen saka lumabas doon ang pulang energy. Kapag napuno iyon ay puputok ang baril. "Boom!!" nayanig ang loob at may alikabok pang kumalat. Umubo-ubo sila. Samantalang ako naman ay sinisipat kung nakatayo pa rin ba ang puno.

Napangiti ako ng nakitang wasak ang puno. Nagkalat ang pira-pirasong parte nito.

"Ayos!!"

"Nice Anna!!"

"Wooohooo!!"

Pinagmasdan ko sila. Tumatalon habang tumatawa.

"Bibilisan ko na!! Gusto ko rin!!" nagkaroon sila ng motivation.

"Anna... eto na." binalik ko sa kaniya ang ginawa niya.

"P-Pero..."

"Kunin mo na. Hindi rito natatapos ang lahat. Marami tayong gagawin." kailangang marami talaga ang magawa namin bago ang digmaan. Para kahit papaano eh may maibigay kaming proteksyon sa mamamayan na mahina ang kapangyarihan.

"Princess malakas ba talaga ang lumalabas diyan?"

"The program. It makes your power five times stronger."

"Y-You mean itong tinatype namin."

"Yes Joe."

Before our meeting yesterday... noong gabing 'yun ay dinuplicate ko ang laptop. Gumawa ako ng kasingrami nila. Para mas mapadali ang paggawa. Una kong tinuro sa kanila ang paggamit ng laptop. Mabuti nga mga fast learner sila. Nag-isip na din ako ng program na mas makakapalakas pa ng power na kukunin ng baril. Kaya napuyat ako.

Bumaling ako kay Anna ng gumagawa ulit. Bumili na rin ako kagabi ng materials na gagamitin sa paggawa ng baril. Katulad ng steel, copper, tin at titanium. Hindi na ako bumili ng gun powder kasi hindi naman kailangan. Kaya late din ako ngayon.

Una nilang ginagawa ang sa loob ng baril kung saan ilalagay ang program. Pinakita ko sa kanila ang itsura ng baril kaya gumawa sila ng hulmahan. Mas madali kasi.

"Saan po natin ilalagay ang mga 'to kapag naparami na?"

"I have a pouch... don't worry." planado na ang lahat.

"After po nitong lahat may plano po na ulit kayo?" tanong ni Tan sa akin. Well wala akong alinlangan sa pagsasabi ko ng mga plano sa kanila. Lahat sila mapagkakatiwalaan. Wala akong makitang masamang budhi na pumapalibot sa kanila.

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now