CHAPTER 4

398 23 0
                                    

Faridha's POV

Shuta?! Dorm pa ba 'to? Sobrang kalat!!

"Kung naririnig man ako ng tatlo kong kapatid... gusto ko lang sabihin. May time kayo para lumandi pero maglinis wala?! Nakakatulog kayo rito?!" mga peste!! Feeling ko kapag tumagal pa ako ng isang minuto rito mangangati na 'ko. Geezz! Meron pang mga sapot ng gagamba!

Sa mga nadaanan kong dorm hindi naman ganito ang itsura ah? Ba't puro kahoy gawa 'to? Pati sa titirahan ng anak niya pinagkakaitan pa? Ay talagang makakasapak ako bukas!

Imbes na magpahinga ako dahil sa dami ng impormasyong pumasok sa ulo ko hindi! Mukhang maglilinis muna ako.

Kadiri! Meron pang panty sa baba ng kama!

"Grabe naman! Ang balasubas naman ng Kyle na 'yun!" bulong ko pa. Wala akong paki kung maririnig nila. "Mukhang hindi na rin yata ako makakakain." halos maiyak ako habang naglilinis. Dala na rin siguro ng pagod at inis.

Kung araw-araw gan'to gagawin ko... tatanda kaagad ako!

Inabot siguro ako ng dalawang oras maglinis. Pawis at pagod ang makikita mo sa 'kin ngayon.

Pagkatapos magpahinga ng ilang minuto tumayo ako para makaligo. Kinuha ko ang tuwalya sa isang gilid at pumunta sa kabinet. Ehh? Bakit nandito 'to?! Ano?! Nareincarnate din?!

Nasa loob lang naman ng kabinet ang bag ko na ginagamit ko sa pag-aaral. Parang nawala lahat ng pagod ko!

Mabilis ko itong kinuha saka nilapag sa kama. Binuksan ko ito... shit! Libro, cellphone, laptop, ballpen at kung anu-ano pa! Kompleto! Walang nabawas sa loob! Nice!

Magagamit ko ang lahat ng 'to dito! Kanina... nakita ko ang isang estudyante na keypad lang ang gamit. Naisip ko ring hindi pa masyadong upgraded dito ang technology. May mga magic nga... luging-lugi naman sa technology!

Masaya akong naligo at kumanta-kanta pa. Bukas na bukas sisimulan ko na ang mission ko. Kung sino mang pumatay sa mga ate ko... humanda ka o kayo.

Farah's POV

Hi I'm Farah Alcantara. Ang panganay na babae sa pamilyang Alcantara. We're having a meeting right now about my sister Faridha. Ibang-iba siya kanina! Nagawa niya pang gumawa ng shield ng atakihin ko siya kanina!

"Farah! Are you listening?!" nagulat ako sa sigaw ni mommy.

"Y-Yes mom."

"What's happening to your sister?!"

"I-I don't know mom. Nagulat din ako kanina!"

"Ngayon niya lang ako sinagot ng ganito. Samantalang ang lambing niya palagi!"

"Sobra na ang pagrerebelde niya mom."

"What? Ginawa na natin ang lahat tumino lang siya!"

"Sh*t up! All of you! Sundan niyo siya! Manmanan!" utos sa amin ni daddy. Umalis kaagad sila ni mommy matapos niyang sabihin iyon. Pinagmasdan ko ang mga kapatid kong lalaki. Kahit sila ay malalim din ang iniisip.

Kinuyom ko ang kamao. Humanda ka bukas Faridha!!

Faridha's POV

Maaga akong gumising para ako ang mauna sa canteen. Well... bago ako matulog kagabi ay binasa ko muna ang libro na nakita ko sa kwarto. Tungkol iyon sa mga rules and regulations ng paaralang 'to. Nakasiksik din sa librong 'yun ang schedule ko. Napangiwi pa nga ako ng mabasa ko ang mga subjects.

Paano ba naman ang weird ng mga pangalan. Pati ang mga pangalan ng instructor eh gano'n din.

Naupo ako sa gilid ng bintana. Ang ganda kasi ng view sa labas. Napakalawak na kagubatan at sa dulo no'n eh may talon. Parang ang sarap ngang maligo eh. Asul na asul ang tubig.

Pwe! Peste! Isang subo ko pa lang nailuwa ko lang din ang pagkain. Ang alat! Tangina! Isang menu nga lang inorder ko ang alat pa.

Masama kong tiningnan ang mga babae na nagserve sa akin. Tumatawa sila habang nakatingin sa akin. Tingnan mo nga naman pati mga serbidora galit sa akin? Ano bang pinagagagawa nila ate sa katawang 'to?!

Ako talaga ginagalit nila?!

"Masunog sana damit nila." bulong ko. This time ako naman ang tumatawa ng mahina. Kung mahinang magic lang ang kayang ilabas nila ate sa katawang 'to... pwes ibahin nila ako!!

"Pffft! Hahaha!" tawa ko habang nakaturo pa sa mga babaeng ngayon ay gumugulong-gulong para mapatay ang apoy sa damit nila. Lumabas naman ang mga nagluluto para tulungan ang mga babae. Deserve!!

Tumayo na lang ako habang tumatawa pa. Palayo na ako ng tiningnan ko ulit ang mga babae. Masama ang tingin nila sa akin. Oh? Ano kayo ngayon?

Binigyan ko pa sila ng nakakainis na ngiti.

Dumiretso ako sa classroom at wala pang mga tao. Umupo ako sa upuan sa gilid lang ng bintana. Maaga pa naman talaga. Meron pa akong two hours para matulog. Sakto kulang tulog ko kagabi.

Ginawa kong unan ang dalawa kong kamay. Matutulog muna ako.

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now