CHAPTER 24

264 30 1
                                    

Faridha's POV

Sa apat na araw na lumipas hindi ko na siya kinausap pa. Inis na inis ako sa lahat ng pinagsasabi niya. Putangina! Ayos pa naman kami bago ako umalis para malaman ang tungkol sa portal tapos pagbalik ko gumanon bigla ang tabas ng bibig niya? Kingina!

Wala tuloy akong ginawa kundi magemote. Nasaktan ako. Oo! Porket nagpahalik whore na kaagad? Ehh sa kaniya nga lang ako nagpahalik. Punyeta talaga!

Hanggang ngayon at gigil pa rin ako. Gusto kong mang gigil sa isang bagay pero wala akong makita. Kawawa nga noong isang araw 'yung unan ko. Nabasa na pinagsusuntok ko pa.

Dala ang maleta, lumabas ako ng dorm. Nilibot ko ang buong kwarto. Bye for now, hindi ko alam kung ilang araw kami doon. Sinara ko ang pinto saka naglakad palabas. Pinagtitinginan ako ng lahat. Manonood sila habang lumilipad kami pataas.

Marami ng estudyante sa field. Ako na lang ang hinihintay... nakita ko na kasi si Tan.

Lumapit ako at hinanap ang maleta niyang dala. Pero ni isang gamit wala akong makita na dala niya.

"Your things?"

"E-Ehhh princess hindi yata ako makakasama."

Nawindang ako. "Ha?!"

"M-May sakit si mama. A-Ayaw kong umalis na may sakit siya. Ba-Baka lumala." anak naman ng teteng! Ba't ngayon pa? Ayos na ang usapan namin kahapon ah? Pero wala naman akong magagawa. Kapag pamilya na ang pinag-uusapan kailangang magsakripisyo kahit ikakaganda mo pa. Napabuntong hininga na lang ako ng malalim.

"Okay... so ako na lang pala?"

"Good luck princess, hihintayin ka namin." tumango ako. Biglang may pumasok sa utak ko na pang-aasar. "Masaya ka na niyan?"

"H-Ha?"

"Hindi ka na magseselos."

"P-Princess naman!"

Nahiya pa. Masaya akong nakilala at nakasama ko sila kahit sa ikli lang ng panahon.

"Princess it's time." nandito na pala ang susundo sa akin.

"Two minutes, please?" tumango naman ito at umatras ng kaunti.

"Dapat pagdating ko... marami na ulit. "

"Makakaasa ka prinsesa. Hindi ka namin bibiguin."

"Ikaw muna ang leader Tan."

"Yes princess. I'll do my best." I hugged them. Umiyak pa ang iba kesyo mamimiss daw nila ako. Marami pa akong binigay na paalala lalo na kay Tan. Nakaatang sa kaniya ang obligasyon na dapat sa akin. Alam ko naman kaya niya.

In my pheriperal view, nakita ko sila ate. Pero hindi man lang ako tumingin sa kanila. Kahit kasama pa nila ang magulang namin. I guessed they're happy.

Hinawakan ako ng lalaki sa balikat hanggang maramdaman kong unti-unti na kaming umaangat pataas. Nanatili sa baba ang tingin ko. Lalo na kila Anna na kumakaway ngayon. Sana safe sila palagi habang wala ako. Tuluyan silang nawala sa paningin ko at napalitan ng ulap. This is it!

Inaasahan kong ulap ang maaapakan ko pagdating ko. At puro ginto at kulay puti ang makikita ko. Ngunit matatawag ang lugat na ito na paraiso. Pinaka paraiso sa lahat ng paraiso. Awesome!

REINCARNATEDजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें