CHAPTER 9

333 31 2
                                    

Faridha's POV

Malamig ang door knob ng hawakan ko ito. Kasinglamig ito ng kamay ko. Binuksan ko ito ng dahan-dahan. Nang medyo kasya na ang ulo ko ay sumilip ako. Nice! They're busy!

Nakapila ang mga estudyante habang kumakain naman ang mga professor kasama ang headmaster.

Pagkapasok ko ay yumuko ako ng kaunti. Sa itsura ko ngayon ay para akong may tinataguan habang dala-dala ang ninakaw. Pasimple akong naglakad sa pila ng mga estudyante. Ako ang pinakahuli.

Sa mismong kuhanan ng pagkain nagbibigay ng plato. Arte naman nila! Akala mo naman iuuwi 'yong plato eh. Mabilis naubos ang nakapila kaya naman tuwang-tuwa ako ng makita ko ang mga pagkaing nakahain. Kami 'yong kukuha. Parang eat all you can. Buffet! Shit!

Buti na lang malalim at malaki ang plato. Mabigat nga lang. Kanin at hindi ko mawaring ulam ang kinuha ko. Nagbase lang ako sa kulay ng ulam. Mukhang masarap naman kaya ilang klase rin ang kinuha ko.

Nakakainis nga lang. Sakto lang yata ang upuan sa bilang ng mga estudyante. Wala akong nahanap na mesa na walang nakaupo.

Kaya no choice... before I eat, tiningnan ko muna sila. Sarap na sarap ang mga ito. Sunod-sunod ang subo nila. Pwede bang umulit?

Hindi ko alam pero tinuon ko ang pansin sa pagkaing kinuha ko. Kanina lang puti ang usok nito ah? Little by little it becomes black smoke? May masamang mangyayari. Kahit tumutunog na ang tiyan ay tiniis kong huwag sumubo. Ano naman kung sarap na sarap sila?

After one minute of observing tumama nga hinala ko. They stopped eating. Their forks and spoons are hanging mid air.

Nakakatawa nga eh, merong nakanganga, nakapikit, nangungulangot, at may umiinom pa ng tubig.

Six meters from me a black smoke appears. Naging tao ito... shit beh ang gwapo! Dahil sa kagwapuhan niya tila natuod din ako. Kaya no'ng nilibot niya ang paningin sa loob hindi niya ako nahalata. Hello! Hindi po ako kumain!

Nagsimula itong maglakad. Para siyang bampira! Sobrang puti, mapulang labi, maskulado! Oo! Ang laki ng katawan niya. Nahiya sa suot niyang black polo long sleeve. Namumutok bes!!

Tanging mata ko lang ang gumagalaw. Ganito kaya ang itsura ng mga artista sa personal? Pero hindi eh! Perfect ang isang 'to!

"Kuya?! What are you doing here?!"

"To annoy you." pwedeng isabak 'to sa broadcasting. Ang lalim ng boses.

"What if someone sees you?!"

"Look around. They're frozen." really? Sino kaya 'tong lalaki? Hindi sila demon... sila ang mga tao na may kakayahang gumamit ng black magic. At least they are less harmful than demons.

"Kahit na!"

"I put some spells on their food just like the last time. Don't worry."

Tangina! Natabig ko ba naman 'yong kutsara sa plato ko!! 'Yong kutsara na talaga namang malakas ang tunog kapag nahulog dahil sa laki nito.

Awkward akong ngumiti sa dalawa. The man's eyes... para akong lulunukin ng buhay!! Nagkulay pula ito! Legit!!

"Ooopss! Wala akong narinig okay?" napatayo ako sa sobrang gulat. Naitaas ko rin ang dalawang kamay. Bigla na lang kasi siyang sumulpot sa unahan ko! Nasa kabila na siyang mesa kaagad.

Teleport? Wooh! Lupet!

"Who are you?!" his deep voice surrounded the whole area.

"Who are you too?!" balik na sigaw ko. Wala naman akong ginawa pero mas lalong pumula ang mata niya. Hindi lang... buong mukha niya.

"Kuya, you need to leave now!!" ano ba 'yan! Tinititigan ko pa eh! Nawala na lang bigla ang lalaki. "You are his mate." nanlalaking mata akong tumingin sa babae. Mate?! The fuck!

"Ehh?"

"Nagkulay pula ang buong mukha ni kuya. Mangyayari lang 'yon kapag nakita niya na ang mate niya!!"

Wala akong pake! Ano naman kung mate? Uminahon siya ng biglang umingay at gumalaw na ang mga nakapaligid sa amin. Nagtataka naman silang tumingin sa aming dalawa.

Kagat labi akong umupo. Wala ng spell ang pagkain... kumain na rin ako. Alangan namang lalabas ako ditong gutom!

"Guyss! After raw ng pagkain pupunta lahat sa field!" napuno ng bulong ang paligid. Kesyo ano daw gagawin sa field. Ang iba naman ay kung anu-ano na ang hula.

After kumain ng lahat ay sa field naman ang sunod na pupuntahan. Sumunod na lang ako sa kanila. Ayaw kong magpaunahan baka ako na naman ang maging topic gaya kahapon.

Mas malawak palang tingnan ang field kapag nasa baba ka. No'ng una kasi na sa taas ako eh. Magandang tingnan ang kulay berdeng mga damo sa field. Mahihiya lang umapak dito kasi baka masira.

Sa mga upuan naman kami umupo. Para itong soccer field. Nakapalibot ang napakaraming upuan habang pataas ito ng pataas.

"Good morning everyone!" nagpalakpakan naman ang lahat. Maliban sa akin. "This is a very short announcement. Pwede na ulit kayong magrecruit ng bagong myembro. Only one per group. Thank you!" kung bulong ang namayani kanina sa Hall, ngayon naman ingay. Dahil sa excitement.

Samantalang ako... nah! I prefer to be alone!! Ayaw kong isabak sa mga misyon! Marami na akong assikasuhin ayaw ko ng dagdagan pa.

Kaniya-kaniya silang meeting. Hindi ko mabilang kung ilang bilog ang nakita ko sa field. Meron ding katulad ko na naiwan sa upuan. Medyo marami naman kami at ang iba sa kanila ay nilapitan na ng ilang grupo.

Naisipan kong umalis na. Ngunit gusto ko ring batukan ang sarili. Ba't kasi dito pa ako sa pinakamataas umupo? Tuloy ako rin ang nahihirapan at natatagalan pa!

Isang hakbang na lang tuluyan na akong makakaalis. Pero may humarang na braso sa dadaanan ko. Naiangat ko ang ulo.

"Join our team." gan'to ba mag recruit dito? Pautos? Tinaasan ko ng kilay ang lalaki sa harap ko. Nasa likod niya ang mga kapatid ko at ang mga taong palagi nilang kasama.

"Leave me alone."

"This is your dream right? To join our team."

"I said leave me alone."

"Huwag ka ng papilit."

"Tabi" masama ko siyang tiningnan bago tinabig.

"P-Princess y-you can join o-our team."

"Shut up poor girl! Hindi siya sasama sa mga mahihinang tulad niyo!!"

"Shut up rich girl! Princess sa amin ka na lang and you will reach heaven! Haha!" nag-init ang buo kong ulo. I stomped my feet and boom! Nagliliyab na sa apoy ang dalawa. Nataranta naman ang kagrupo nila. Mabilis itong nagsikilos at pinatay ang apoy.

Matalim ko silang tiningnan. "Leave me alone." I'm off limits! Nagmartsa ako papasok ng classroom. Oras na ng klase. Sa dati akong upuan naupo. Sa gilid ng bintana. Napahilot ako sa leeg. Araw-araw na lang akong stress. Pangalawang araw pa lang! Baka kinabukasan kulay puti na ang buhok ko.

Hindi sinasadyang napatingin ako sa labas. Doon ko nakita ang isang nilalang na nakatingin sa akin gamit ang pula niyang mata. He's that guy earlier.

Bakit naman ganiyan siya makatingin? Binigyan pa 'ko nito ng isang ngisi. Napaiwas ako ng tingin at kinilabutan bigla. May nakakatawa ba sa 'kin?

The hell?

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now