CHAPTER 23

267 28 3
                                    

Faridha's POV

Iniwan kong mag-isa sila Anna sa training room. I cast some spells to prevent someone from ruining our day. Kaya walang makakapasok sa room na iyon.

I was walking in the hallway when I met his eyes. He's with his sister. What are you doing here?

But something's wrong in his eyes. Cold and distant? Hindi man lang niya ako tiningnan ng diretso.

Two days ago ang sigla pa ng mata niya tuwing nakatingin sa akin ah? Anyare? Nilagpasan nila ako at saktong tumama ang braso niya sa balikat ko. Malakas iyon kaya medyo napaatras ako. Fuck!

Naguguluhan kong sinundan ng tingin ang dalawa na ngayon ay papalayo na. Is he okay?

I shake all my thoughts. Nagka amnesia siguro. Papunta ako ngayon canteen. Hindi ako nagumagahan kaya kailangan kong kumain.

Diretso lang ang ginawa ko at hindi nag-abalang tingnan ang mga matang nakatingin sa akin.

"Ate... coke nga tapos ayan." ano bang pangalan niyan? Alam niyo bang ang nandito pa lang sa mundong 'to ay mga soft drinks? Mga panulak lang ang parehas pero ang itutulak walang kaparehas.

Buti na lang hindi babaeng masungit ang nabilhan ko. Halos lahat kasi sila kapag bibili ako mga nakataas ang kilay. Akala mo ang dami kong utang at hindi ako nagbabayad. Ano ba talagang ginawa ng mga kapatid ko no'ng last life nila? Halos lahat masungit!

Naghanap ako ng pwesto. Kagaya ng dati sa tabi ako ng bintana. Fresh dahil sa preskong hangin na pumapasok.

Sumusubo ako ng pumasok ang magkapatid. Pinagkaguluhan sila lalo na si Luci. Mas lalong lumabas ang kalandian ni Masqui. Pinaupo niya ito sa tabi niya at yumapos. Hindi niya man lang ba itutulak ang babaeng 'yan? Sarap niyang tadyakan ah!

Nakasimangot akong yumuko para sumubo ulit. Malanding lalaki! Napuno ng bulungan sa loob. Kesyo sino raw ang kasama ni Calla na gwapo at matipuno. Pagbuhol-buholin ko kayo diyan eh!

"Everyone!! Meet Lucifer! My future husband. Kapatid siya ni Calla." bida-bida! Future husband? Talagan lang ha? Sarap tapikin ni mosquito. "He's off limits!" eh sa 'yo na! Saksak mo sa baga mo!

Bakit naging ganito yata ako? Ano ba?! Kung hindi ka niya pansinin eh gawin mo rin. Tama! Walang pansinan pala ah? Champion yata ako diyan.

Boring talaga buhay niya. Nagawa pang pumasok dito. Bilang estudyante... inisang lagok ko ang soft drink. Nakakauhaw kasi ang kalandian sa unahan.

The bell rang before I headed to my classroom. It means I'm late. Kahit ako na lang ang pumasok sa mga kamember ko. Huwag na sila. Mas sawa sila kaysa sa akin. Bata pa lang kasi sila pare-pareho lang daw ang itinuturo.

I didn't bother to knock. Diretso kong inikot ang knob at pumasok. Swerte ko lang dahil walang guro sa loob.

Maglalakad na sana ako ng may mabilis na bagay na papunta sa akin. Matulis, kumikinang at nakatutok sa mismong mukha ko.

Mabilis akong umilag sabay salo dito. Nasa pagitan na ito ng middle finger ko at ring finger. What a beautiful dagger. May nakaukit pa.... her name. And some initials.

Mabilis ko itong ibinalik sa may-ari. Inaasahan ko nang hindi niya ito masasalo. Sugat ang inabot ng pisngi niya. Isang mahabang sugat kaya tumutulo ngayon ang masagana niyang dugo.

Nakatusok na ngayon ang dagger sa dingding sa likod. May kaunting dugo pa ito sa talim. Karma nga naman.

"Piliin mo ang kakalabanin mo ha?" pinapalibutan na siya ngayon at kapwa nag-aalala sa kaniya. Ang iba naman ay pinupunasan ang pisngi niya.

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now