CHAPTER 31

254 22 4
                                    

Faridha's POV

Several months have passed so smoothly.

Luci is always by my side. Hindi niya ako iniwan, nanligaw siya at pinakita niya kila papa na karapat-dapat siya. Nahulog ang loob ng lahat sa kaniya. Kasama na ako do'n.

Today is my birthday. October 10... sinabi ko sa kaniya na puntahan niya ako sa lugar kung saan na discover naming dalawa. Isang talon na napakaganda lalo na sa gabi.

I waved my hand to my family and friends. Four PM na. Alas-singko ang binigay kong oras kay Luci sa pagkikita namin.

Four ang alis ko kasi maglalakad ako. Feeling ko mas espesyal ang paglalakad. Exercise na din.

It's my birthday and will be the best birthday for me. This day will be forever special.

Isang talon ang ginawa ko para marating ang itaas. Woah! Napakaganda talaga!

Naupo ako sa batong malaki na nakausli. Tiningnan ko ang oras sa cellphone, fifteen minutes na lang. Marami na akong nadalang technology dito sa magic world. Maliban na lang sa sasakyan. Mahirap gawin 'no! Syempre 'yong maliliit muna.

I tried duplicating cars using my power pero hindi gumana. Ewan ko kung bakit. Gusto ko pa namang magpasikat.

Inis kong tinapik ang lamok na kanina pa dapo nang dapo sa akin. Peste! Sa kakadaldal ko lagpas na palang alas-singko.

Nasaan na ba 'yon? Ngayon lang siya na late sa usapan namin ah? Luminga-linga ako baka sakaling pinagtitripan niya lang ako. Pero wala naman akong nakita. Ngumuso ako, baka libong lamok na kumagat sa akin wala pa din siya.

Tumayo ako baka sakaling makita ko siyang papunta dito. Pero wala pa din. Where are you Luci?

Ganito pala ang feeling kapag may inaantay. Ang bilis lumipas ng oras.

Alas-otso na ngunit wala pa rin siya. Tatlong oras na siyang late! Meron na ding buwan ngunit hindi niya napapaganda ang mood ko.

Habang lumilipas pa ang oras ay mas lalo akong nalulungkot. I can't believe it. Hindi niya ako sinipot. Fuck him!

Masakit pala?

Paisa-isang tumulo ang luha ko matapos 'kong tumayo. Its fucking eight am. Umaga na! Putangina!!

Matamlay akong bumaba. Why? Bakit hindi niya ako sinipot?

"Sa biyernes puntahan mo 'ko sa talon ah?"

"Bakit? Anong gagawin natin do'n?"

"Basta!"

"Surprise?"

"Secret... punta ka?"

"Oo naman! Ikaw pa."

"Sinabi mo 'yan ah?"

"Promise?"

"Promise."

That's the first promise he gave. Pero putangina bakit hindi niya tinupad? Ang ganda ng usapan namin ah?

Unti-unti akong himikbi. Nanghihinang napaupo ako sa lupa.

"A-Ang sakit..."

Tumataas-baba na ang balikat ko sa kakaiyak. Parang may paisa-isang pumapasok na karayom sa dibdib ko. Na habang tumatagal ay mas dumadami kaya mas sumasakit.

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now