CHAPTER 10

337 28 2
                                    

Faridha's POV

Sa pangatlong araw ko ngayon sa mundong 'to hindi pa ako nakakaranas ng formal lesson. Palaging walang pasok o kaya naman may biglaang meeting.

Sa araw naman na 'to... walang pasok dahil darating daw ang ibang hari at reyna kasama ang mga anak nito. Galing sa ibang kingdom. Hindi ko nga alam na may ibang kingdom pala. Kailangan ko na talaga ng mga impormasyon tungkol sa mundong 'to kaso nga lang palagi namang may hadlang.

Sa function hall daw ang venue. Eh ang dami kayang mesa at upuan do'n. Wala pang stage. Nabalitaan ko pa na dapat formal dress ang suotin. Paano naman akong wala? Uniform lang ang available ko dito at 'yong hospital gown na suot ko noon!!

Nakasimangot akong nakaupo sa kama habang nakatingin sa pinto. May dadating kayang blessing?

Sinapak ko ang sarili. Wala talaga akong maisusuot kong nakatunganga na lang ako. Actually meron namang mga damit sa cabinet kaso nga lang mga pang pokpok. Tanging uniform lang ang matino. Ewan ko ba do'n sa tatlo kong kapatid! Makikita ko mamaya ang lalaking kinababaliwan nila. Kapag hindi 'yon gwapo... tatawanan ko sila.

Dala ang credit card na nakuha ko sa cabinet, lumabas ako para mamili naman ng mga damit! Sa dalawang araw na 'yon uniform lang suot ko hanggang pagtulog! Oo! Hindi ako nagpapalit dahil wala namang pamalit! Panty at bra lang ang napapalitan ko.

Masama pa eh hindi ko alam kung saan bibili. Buti na lang may dalawang madaldal akong nakasabay. Nagpapasama ang isa dahil bibili daw ito ng gown. Sinundan ko sila hanggang makarating kami sa market. Malaki at masyadong maingay! Sabagay saan ka ba nakakita ng palengke na tahimik?

Una kong nakita ang mga panindang prutas at gulay. Magkakadikit na stalls at nasa iisang linya lang. Mamaya bibili ako niyan. Marami pa akong nadaanan. Punyeta naman! Nasa dulo ba naman 'yong mga damit at accessories.

Maraming gown ang naka display pero hindi ako interesado. Hihindi ako susuot ng gown mamaya!

Pumasok ako sa isang store. Tumunog pa ang maliit na bell sa taas nito. Matandang babae ang bumungad sa akin. Nakasuot ito ng malaking salamin habang may tinatahi. Ayos tahi! Matagal masira. Tumikhim ako ng isang beses ngunit wala itong narinig. Tumikhim ako ng tumikhim. Siguro nag-angat ito ng ulo sa pang-anim kong tikhim.

Buti naman! Feeling ko sa pang-pitong tikhim ko may sasabay na.

"Anong kailangan mo ineng?"

"B-Bibili po." tumango ito habang tumatayo. Medyo creepy siya! Sinamahan ako nitong mamili. Kumuha ako ng sampung jeans, long sleeve na iba-iba ang kulay, sando at damit. Buti na lang maraming pera ang card. At dahil nga magic world eto... hindi ako mahihirapang magbitbit kahit marami pa akong bilhin.

May pouch dito na kahit ilan ang ilagay mo ay kakasya pa rin. Parang tiyan ni doraemon. Nagpasalamat ako sa matanda. Yumuko pa ako para mas dama. Sa katabi niyang store ay pumasok din ako. Mga sneakers naman ang binili ko. Wala rin akong plano na mag suot ng heels. Pa'no kong magkagulo? Ayaw ko namang magpaa.

Napagpasyahan ko ring bumili ng pagkain. Isang gallon na lang na tubig at isang buong manok ang laman ng ref ko. Naglalakad-lakad ako ng makakita ako ng gatas. Ahh! I miss my mama's milk. 'Yong hindi siya nagsasawa na ipagtimpla ako sa umaga, hapon at gabi. Oo! Paborito ko talaga ang gatas. Paborito ko nga 'di naman ako marunong magtimpla kaya hindi na ako bibili. Sayang lang... 'yong mga timpla na binili ko. Para iinom na lang ako.

Pagkabalik ko sa tindahan ng prutas at gulay at medyo nabawasan na ang namimili. Kanina kasi pagdaan ko siksikan.

"Ate, sampung orange, isang kilong grapes, limang apple at sampu ring mangga." dami 'no? Ganiyan ako kagutom.

"O-Opo." gulat ka te? Hindi lang naman ikaw pati na rin 'yong nga nakarinig.

Naglalakad na ako pabalik. Masaya ako kasi ngayong araw lang na 'to ako gumastos ng napakalaki. Buti na lang mayaman kadugo ko! Unli money!!

"A-Aray!" ano ba naman 'yan! May bumangga sa akin. Nagalaw buong katawan ko. Buti nga 'di ako natumba! Masama kong tiningnan ang nakabangga sa akin. My world stopped. He's that guy!! The one with red eyes!

Hindi ako makapagsalita. May kakaiba akong nararamdaman. Init! Umiinit ang katawan ko. A-Anong nangyayari?

"You felt it right?"

"H-Ha?" para akong tanga na nakanganga sa kaniya.

"You're really my mate. Nice to meet you, my mate." ha? 'Yon lang 'yon? Hindi man lang nanghingi ng sorry! Tinakbuhan ako! Walang hiya ang gago!
Wala sa sarili akong nagpatuloy. Anong naramdaman ko ang tinutukoy niya? Iyong init ba ng katawan ko? Eh? Baka nabigla lang ako! Nabigla lang ako! Walang ibig sabihin iyon!

Hanggang sa pagbihis ko ay iniisip ko pa rin ang nangyari kanina. Sa libro sa mundo ng tao, kapag nakita mo ang isang mate mo ay may mararamdaman ka talaga. Alam mong nabasa mo 'yon self huwag ka ng tumanggi. That heat... kailangan niyong maging isa para tuluyan kayong maging mag mate.

Fuck! Iniisip ko pa lang na gagawa kami ng milagro kinikilabutan na 'ko. At sino naman kasing nagsabi na gagawa kami? Ano naman kung siya ang mate ko? Walang mangyayari kung hindi kami magkikita. Kaso nga lang sulpot siya ng sulpot!

Bumaling ako sa salamin na nasa harap ko. Tangina! Para namang manliligaw ako sa suot ko! Kulang na lang bouquet.

Naka white polo long sleeve ako, jeans, at white rubber shoes. Naka tuck in pain kaya nagmumukha akong lalaki. Hahaha!

Hindi na ako nagtali ng buhok. Mas magmumukha akong lalaki kung magtatali pa 'ko. Kung naging lalaki talaga siguro ako... marami akong papaiyakin na babae!

Pero 'yong suot ko naman long sleeve eh 'yung sa pambabae naman.

Paglabas ko ng dorm at wala na akong nakitang tao. Luh? Ang excited naman nila. Umiiling akong naglakad. Bukas lang ang pinto ng function hall. Mula sa pwesto ko at makikita ang mga estudyanteng nakaharang papasok. Nakisiksik ako para makapasok. Iisa lang ang maririnig mo sa loob. Puro papuri sa isa't-isa kahit alam kong may nagpaplastikan naman.

"Please take your seat everyone. Let's welcome the kings, queens, princes and princesses. Around of applause please." hindi na ako napansin ng mga kasabay ko sa table. Okay na 'yon. Para hindi nila okrayin suot ko.

"Zach Guerero, prince of fire kingdom."

"Ang gwapo niya talaga!"

"True! Bagay na bagay sila ni Calla!"

"Sana lang huwag ulit gumawa ng gulo si Forsha!"

"Gustong-gusto niya pa naman sila Prince Zach!"

Muntik na akong masamid. Putangina! Siya?! Gago!! Hahah mukhang fuckboy mga ate! 'Yung taste niyo! Fuckboy! Hahahaha!

Isa-isang tinawag ang mga Royal. Mula sa fire, water, ice, earth, air at sa kingdom namin. Marami pang mga kingdom kaso hindi ko na natandaan.

"Let's welcome the leaders of our kingdom." pamilya ko na yata. Oo nga. Unang tinawag ang king, sumunod ang queen hanggang sa mga kapatid ko. Akala mo ang gandang pamilya madami namang tinatagong baho!

"Forsha Alcantara." wiw... wiw... maririnig mo ang ganiyan sa sobrang tahimik. "Forsha Alcantara?" nilibot ng lahat ang paningin hanggang tumigil sa 'kin. What? "Please come on stage." hindi ako ang tinawag niyo. Maling-mali kayo.

Pinagkrus ko ang braso sa kanya sumandal sa magarbong upuan.

"I already told you right? I'm not Forsha Alcantara." ngumisi ako sa sobrang katahimikan.

Mga peste! Mga walang alam. Tss.

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now