CHAPTER 2

429 23 1
                                    

Faridha's POV

Hindi ako pwedeng magkamali... kamukhang kamukha ko talaga siya. Alam ko ang bawat sulok ng mukha ko.

Kahit ang nunal niya sa kanang kilay ay parehas ng akin.

Nakalutang ito palapit sa akin. Ganito ba ang itsura ng multo? Pero 'di ko magawang matakot. Why do I feel like we're connected?

"Hi? You're Faridha right?" kung anong kinagaspang ng boses ko siya namang kabaliktaran ng kaniya. Sobrang lambing nito tila hinehele ako.

Para akong tanga na tumango. Nakanganga pa 'ko eh.

Ngumiti ito sa akin. "Ako naman si Faridha Kyle Alcantara." ahhh so nagkamali lang ng tawag sa akin ang nurse kanina. Siya pala 'yung tinutukoy. Narinig ko ang mumunting tawa niya. Gago! Pwede bang ligawan ko na 'to?

"I can read your mind." posible ba 'yun? Ay! Akala ko perfect na si ate. "Ikaw ay ako. Ako ay ikaw." huh? Okay lang ba talaga si ate?

"Ano bang pinagsasabi mo?"

"Your soul transferred to my body." ha? Doon lang biglang bumalik sa akin ang mga nangyari kanina. 'Yung sampal at ang tinawag sa akin ng nurse.

Ramdam kong nagtayuan ang balahibo ko sa braso. Tumingin ako sa gilid na sana hindi ko na lang ginawa.

Oo! Ako 'yung nasa salamin pero kailan pa ako pumuti ng gan'to? Kulay black ang buhok ko! Hindi blonde! Tumayo pa ako para mas mapalapit sa salamin.

Ako nga 'to pero...

"Reincarnated... that's the word." gusto kong lumuha ngunit 'di ko magawa sa dami pa ng tanong sa utak ko. Nanghihina akong napaupo sa hinihigaan ko kanina. Malungkot niya rin akong tiningnan. "Pang-apat ka na sa katawang 'yan." what?! "Lahat kami nabigo... kaya patawarin mo ang mga ate." mga ate? Fuck! Ang gulo!!

"Ang babaeng sumampal sa 'yo kanina... nanay natin 'yun. May batas sa mundong 'to na dalawa lang dapat ang maging anak na babae. At kahit ilan naman ang lalaki." ang hina nitong mag kwento dahil umiiyak siya. "May anak ng lima sila mama noon. Apat na lalaki at isang babae. Nagplano sila na magbuntis ulit si mama. Ang sabi sa resulta noon lima ang pinagbubuntis ni mama." lima? Ang sharpshooter naman. "Isang babae at apat na lalaki. Pero nagkamali sila... namali sila bunso." mukhang alam ko na.

"Nanganak si mama at nagalit ang lahat sa resulta. Isang lalaki at apat na babae." mas lalong bumuhos ang luha niya. "Tinira nila ang dalawang panganay. Iyang katawan mo ngayon at yung lalaki. Habang... habang i-iyong tatlo pinatay nila." tuluyan na siyang humikbi. Habang ako naman ay naguguluhan pa rin. "Ang sakit 'no? Pinatay nila tayo? P-Pero buti na lang mabait siya... binigyan niya tayo ng pagkakataon. Ako at iyong isa pang pinatay naghintay ng pagkakataon na mabuhay ulit gamit 'yang katawan na 'yan."

"Ha? Bakit? 'Asan 'yung totoong may-ari nito?"

"She's dead. At 'yun ang dahilan kung bakit nagamit namin ang katawan niya. Nangyari rin sa 'min ang reincarnation." naubusan na yata siya ng luha pero sumisinok-sinok pa rin siya.

"Kung ako ang bunso... bakit napunta ako sa ibang katawan?"

"Pinadala ka niya sa ibang mundo. Inaasahan niya raw kasi na matatapos namin ang misyon kaya bingyan ka niya ng magandang buhay.  Pero nagkamali siya. Nabigo kaming dalawa kaya ikaw ang sasalo ng lahat ng ito."

"A-Anong nangyari sa katawang iniwanan k-ko?"

"Coma. Nakasalalay na sa 'yo ang lahat. Matapos mo ang misyong 'to magigising siya."

Tangina talaga!! Ang dami naman yatang binigay sa 'king problema.

Kapag nakita ko ang babaeng 'yun. Ibabalik ko sa kaniya ang sampal. Siraulo!

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now