CHAPTER 8

357 29 7
                                    

Faridha's POV

"Kilala mo na ba ako headmaster?"  gusto kong maiyak ngunit hindi ko magawa. Para saan pa? Isang araw na nga akong nandito eh.

"Y-You're joking r-right?"

"Mukha bang nagbibiro ako?"

"Hahahaha! Our daughter is funny sometimes! Hahaha!" kahit reyna at nanay ko 'to... kaya ko 'tong sabunutan.

"Mmm yeah I'm joking..."

"T-That's not a good joke." ngumisi ako. Isang matunog na ngisi tila nang-aasar.

"I bet you believed me for at least fifteen seconds." tumaas ang dalawa kong kilay. I tapped my both hands on the table. "Hindi niyo naman talaga siguro ako kailangan 'no?" tumayo ako. Tumunog pa ang upuan dahil sa pag-atras nito. Yumuko ako kunwari tanda na gumagalang pa rin ako sa kanila. "First minister... close your mind okay? I can read your thoughts."

First minister huh? So isa ka pala sa dapat kong manmanan. No'ng sinabi ko ang mga 'yon kanina nabasa ko ang mga iniisip niya. He's very scared... Why?

Naiiling akong lumabas ng library. Wala man lang akong nagawa. Mga istorbo.

Grabe naman makatingin 'tong mga 'to. Sa hallway kasi ako dumaan. Ayaw kong mainitan. Papuntang dorm naman ang dulo nito. Medyo mas mapapalayo nga lang ako.

"She has power now."

"Yeah... hindi na natin siya mabubully."

"But how come she's alive?!"

I halt. How come I'm alive?! Masama kong tiningnan ang apat na babae sa unahan ko. Mga nakasandal sila sa pader. Oo nga pala... oras na ng break time. Hindi bumubukas ang bibig nila. They're using mind link.

"Oh yeah, I'm very much alive, bitches!"

Bigla silang tumuwid sa pagkakatayo. Nanlalaking mata silang tumingin sa akin. Tatlong hakbang ang ginawa ko para makalapit sa kanila.

"Huwag niyo ulit ipapakita sa akin ang mga mukha niyo. Baka sapian ako... bangkay na kayo bukas." inirapan ko pa sila. Nagtuloy-tuloy ako sa dorm. Lahat ng madadaanan ko ay pinagmamasdan ako.

Ang pangit talaga ng binigay sa aking kwarto. Pati pintuan pang horror ang tunog.

To my surprise... three girls with a face like me are sitting on my bed. Faridha Kyle is here... it is possible that these other two are also my sisters.

"Hi sis!!" umirap ako at tumuloy sa kusina. Binuksan ko ang maliit at mababang ref. Inisang lagok ko lang ang isang bottled water. "Dedma?" pagkatapos ay humarap ako sa kanila. Nakaupo sila habang nakatayo naman ako sa harap nila.

"I can't believe I will see your faces today."

"Why? Para ka lang namang tumitingin sa salamin ah?"

"Tss!"

Kinuha ko ang upuan sa study table. Umupo ako doon.

"Hi! To formally introduce myself... I'm Forsha Alcantara."

"I'm Felise Alcantara." mga nakangiti ito sa akin. Gusto kong mairap segu-segundo!!

"Stop smiling."

"Oh? You're not fond of smiles?"

"Shut up sis! Galit lang 'yan dahil may naiwan akong panty rito bago ako namatay!" sabi na eh... alam kong naririnig nila bawat masasamang words na sinasabi ko sa kanila.

"Yuck! Ang bastos mo kasi!"

"Shut up Forsha!"

"Shut up! Bakit ba kayo nandito?!"

Gulat silang tumingin sa akin. Nakahawak pa sa puso niya si Forsha.

"God! Mamamatay yata ako!"

"Dati ka ng patay. FYI."

Ngumuso ito sa akin.

"Nasa library kami kanina." ano namang ginawa nila do'n? Kumunot ang noo ko. "You did great sis! Halos batukan kita ng sinabi mo 'yon!!"

"'Di mo magagawa 'yon."

"I know. Basta nandito lang kami. But you're the most powerful among us kaya baka hindi mo na kailangan ng tulong."

"Killing the demon earlier... alam kong mas madaming nakaabang sa akin ngayon."

"Paano mo nga pala 'yon napatay?" curious na tanong ni Forsha.

"Saying the name... Satan." nahulog sa pagkakahiga si Kyle.

"H-How the fuck?! Paanong alam mo 'yun?!" akala ko na nga walang alam ang mga tao dito? Ba't alam ata ng isang 'to?

"Paano mo rin nalaman? Hindi naman tinuturo dito 'di ba?"

"W-Well I-I just know."

"Really? Okay." sagot ko bilang pagsang-ayon. "Can you leave now? I have important things to do."

"Bawal ba kami?"

"Bawal, kaya magsilayas kayo." nakasimangot silang umalis. Kung iba lang makakakita sa kanila, ewan ko na lang.

Umayos ako ng upo sa harap ng study table ko. Bakit ayaw nilang ituro ang tungkol sa mga demon? Kung hindi nila tinuturo, posible rin kayang hindi rin alam ng mga estudyante ang tungkol sa anghel?

And one more thing... bakit nakalabas ang succubus na iyon? Sinabi niya ng dahil ito sa tulong ni Satanas pero may iba talaga eh!

Hinilot ko ang ulo. Sumasakit ito sa dami ng tanong.

Kumusta na kaya sila mama at papa? I hope they're okay. Tangina kasing buhay 'to!!

Alam niyo bang linggo lang ang isang araw na break namin? Gago! Parang college lang!

Free! Free your mind self! Hindi ka pwedeng mamatay sa stress. Marami ka pangarap!

Hindi mo pa nga nararanasan ang sarap ng makaabot sa langit. Alam niyo na 'yon! Ngunit natigilan din sa sariling iniisip... kaluluwa ko oo hindi pa nakakaranas. Eh itong katawan? Baka hindi na virgin!!!

Inis akong tumayo habang sinasabunutan ang sarili. Padabog akong nahiga. Binibigyan ko lang ng sakit sa ulo ang sarili ko.


Nasan ang mga tao rito? Wala sa canteen, wala kahit saan! Nakita ko din kanina na ayos na ang nasirang bubong. Umaga na ngayon. Hindi kagaya kahapon nag palate ako ngayon. Pero wala naman akong naabutan sa classroom.

"Ehem. Miss Alcantara, sumabay ho kayo sa 'kin." sino naman 'tong unano? Tangina! Hanggang tuhod ko lang siya. Hindi naman siya duwende! Ang duwende kasi alam ko matulis ang tenga at may suot na matulis na cap. Pero ito wala!!

Pinigilan kong huwag matawa. Baka kasi kulamin ako.

Anong nilalang kaya 'to? He's flying kaya naman hindi ko kailangang bilisan ang paglalakad. Huminto kami sa harap ng mataas at napakalaking double door. Kulay ginto ito pati na ang hawakan. Totoo kayang gold 'to? Kapag nalaman ko kung pa'no lumabas sa mundong 'to siguradong yayaman ako sa mundo namin.

"Every Tuesday ay dito po lahat kumakain. Function Hall po ang tawag dito." ang weird lang. May kausap akong ganito. May dragon din kaya rito? "Pumasok na po kayo." iniwan ako nito. Kung andito na ang lahat... nakakahiya naman kung papasok ako? Makukuha ko ang attention nila!

Pero hindi no'n mapipigilan ang gutom ko. Kaya kong pigilan ang hiya ko para sa pagkain!

REINCARNATEDNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ