CHAPTER 20

264 26 3
                                    

Faridha's POV

Nakatulala lang ako matapos nilang sabihin ang lahat. Janus, the god of gates, doors and transitions. Lola Mina and him had a relationship. May anak silang babae which is nanay ni Tan.

Nagkamali raw noon si Janus kaya nabuksan ang portal. Earth to the magic kingdom. Ten years old si Mara ng hindi na magpakita sa kanila si Janus. Pero nag-iwan daw ito ng liham.

Sa loob ng liham na iyon ay ang mga nangyari ngayong araw.

Mahal kong Mina,

Darating ang araw na maiintindihan mo rin kung bakit nawala ako ng walang paalam. Pasensya na mahal ko. Alam mong mamamatay ka kapag sinabi mo sa isang tao kung saan matatagpuan ang portal. Pero... nakasulat na sa libro ang lahat mahal. Ang taong pupunta sa 'yo para itanong kung na saan ang portal ay isang prinsesa. Kailangan mong sabihin sa kaniya ang lahat kahit kapalit pa ang buhay mo. Nakatakda na ang buong buhay mo. Pero 'wag kang mag-alala, hindi niya pababayaan ang pamilya natin.

Palagi mo ring sasabihin sa anak natin na huwag siyang magtampo. Mahal na mahal ko siya. Hindi ko kayang iwan ang pagiging Diyos ko. Gusto ko man ngunit kayo ang magiging kapalit.

Huwag kang mabahala... kapag dumating ang takdang oras makikita at mayayakap mo ako ulit. Susunduin kita at magsasama na tayo. Mahal kita...

Hanggang sa muli.

Nagmamahal,
Janus

Basa ko sa buong letter. Nangininig kong binalik ang liham kay ate Mara.

"B-Bakit hindi mo ka-kaagad sinabi sa akin T-Tan?"

"N-Napag-usapan na namin."

"S-Sana hindi na ako magpumilit na pumunta rito."

"H-Huwag mong sisihin ang sarili mo iha. Nakatakda na ang lahat. Wala tayong magagawa."

"Pero..."

"S-Saka kagustuhan din iyon ni mama. Gusto niya ng makita si papa."

Tanggap nila ang mga nangyayari.

"So you have the blood of God, huh?"

Pinuno ng tukso ang buong bahay. Tinukso nila si Tan at kunwari pa silang lumuluhod at gumagalang. Tuloy parang walang nangyari. Napalibutan pa ng kasiyahan ang buong bahay.

"Kaya pala makinis 'to eh!!"

"Tumigil na nga kayo!! One-fourth na lang ang dugong Diyos sa katawan ko!"

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now