CHAPTER 27

301 20 1
                                    

Faridha's POV

"Ang daldal mo 'no?"

"Maingay ba ako prinsesa?"

"Oo, manang-mana ka sa tatay mo." iniisturbo ako ngayon ng batang makulit na 'to.

Nagtampo yata ang bata. Iniwan akong mag-isa dito.

Binitawan ko ang kanina ko pa tinatapos. Hapon na at nandito ako ngayon sa dulo ng ground. Nakaupo ako sa malapad at malaking bato. Tatlong metro ang taas nito. Meron naman siyang hagdan sa gilid kaya nakapunta dito ang bata.

Alam niyo bang ninang ako ng batang 'yon? Lily ang pangalan niya.

Ang dahilan niya kung bakit siya nandito ay sinabi raw kasi ng tatay niya na kailangang makuha niya sa akin ang regalo na sasapat sa limang taon na wala ako? Oh 'di ba? Ang kapal talaga ng mukha ni Tan. Bata pa talaga ang inutusan. Ginagawang buraot ang anak.

Gumagawa ako ng humanoid na gawa sa karton. Ito ang magsisilbing target kapag nagsimula na ang training na hinihiling ko kay papa. Fifty pa nga lang ang nagagawa ko.... pero aabutin na ako ng gabi. Gamit ang marker gumawa ako ng isang humanoid na parang tao. Ginupit saka tin-race ko na lang sa iba  para hindi na ako mahirapang mag-drawing.

Hindi naman kasi pwedeng ilabas ang mga humanoid na nasa loob ng training room.

Maraming trace saka gugupitin kapag unti na lang gagawa ulit. Paulit-ulit lang hanggang makarami.

Nakakangalay nga lang at masakit sa kamay, lalo pa't makapal ang karton at malaki ang gunting.

I'm appreciating the beautiful sunset when someone sat beside me. I didn't bother to look kaya hindi ko alam kung sino na ang katabi ko.

Kahit iba na ang mundong kinabibilangan ko ngayon... hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ko sa sunset. Walang kapantay.

"H-Hey..." ate Farah? Bumaling ako sa kaniya ng maramdaman ko ang paghawak niya sa kaliwang balikat ko.

Akala ko isa lang ang naupo sa tabi ko. Lahat pala sila.. ang pamilya ko. May kailangan ba sila?

"C-Can we talk?" malumanay ang pagkakasabi niya. Hindi pa man nagsisimula ang pag-uusap namin nagiging emosyonal kaagad ako. Alam ko na kasi ang patutunguhan ng pag-uusap na 'to.

Dahan-dahan akong tumango.

"A long time ago, a girl named Farah was beyond happy when she heard the news about having another sibling. Hindi niya iniwan ang nanay niya. Palagi siyang nasa tabi nito at walang balak umalis." nakatingin lang ako sa sunset habang nagku-kuwento siya. "Lahat sila masaya lalo na ng malaman nilang lima ito. I've always dream of having a sister. Playing with her, taking care of her and sleeping with her." ano bang pinupunto niya?

"Du-Dumating ang araw na nanganak si mommy. I thought apat na lalaki at isang babae ang lalabas pero kabaliktaran ang nangyari. Having more than two girls in the family was a cursed Faridha."

"Kingina!! Paniniwala niyo 'yan."

"No! Please... hear me out." may namumuo ng luha sa gilid ng mata ko. "Our... our family can't keep you three. We wanted to keep the three of you!! Takot lang kami na baka ubusin nila ang buong angkan natin kapag nanatili kayong buhay!!"

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now