CHAPTER 33

238 19 3
                                    

Faridha's POV

"Mag-iingat ka prinsesa."

"Huwag kayong mag-alala mahal na hari."

"I told you to just call me tito."

Nahihiya akong tumango. Lumabas ako ng kaharian para baybayin ang lugar kung saan palaging nawawala ang mga bata.

Narating ko ang bayan na sinasabi nila. Tahimik at wala kang makitang bata na naglalaro sa labas kahit maliwanag pa naman.

Kakaiba kung tumingin ang mga nakatira dito. Hinanap ko ang bahay ng namamahala dito. Two storey house ang naabutan ko. Sa kaniya na ata 'to.

Kumatok ako ng tatlong beses. Medyo matagal pa akong naghintay bago bumukas ang pinto.

Lumabas ang babaeng medyo may edad na. White strands of her hair were showing.

"A-Ahh good afternoon po."

"Anong kailangan mo ineng?"

"Kayo po ba ang namamahala sa bayang 'to?"

Medyo napaisip pa ito kung sasagutin ba ako. Dahan-dahan naman itong tumango.

"Ako po ang tutulong sa inyo tungkol sa mga nawawalang bata."

"T-Talaga?! Pasok ka." medyo nagulat pa ito. Nilakihan niya ang bukas ng pinto. Pumasok naman ako at bumungad sa akin ang malawak na sala. In fairness malinis...

Naupo ako sa sofa na kulay brown.

"Ako nga pala si Clara. Pwede mo akong tawagin sa lola Clara."

"I'm princess Faridha Alcantara."

Nagulat ako ng mataranta siya. Tumayo siya at biglang yumuko. Hinawakan ko naman siya at sinabing ayos lang.

"B-Bakit prinsesa?"

"Huh?"

"Ang ibig kong sabihin ay, bakit prinsesa ang pinadala ng kaharian namin?"

Ano bang sasabihin ko? Na ako naman talaga dahil bida-bida ako? Ehhh sabi ng hari nila ay marami na siyang pinadalang tutulong pero lahat sila nabigo.

"Huwag niyo na pong isipin 'yan."

Fuck! Apaka bida-bida ko naman kasi. Wala tuloy akong maisagot.

"Marami na kasing pinadala ang hari pero lahat sila nabigo." so totoo nga.

"Ilang bata na ho ba ang nawawala?" iniba ko bigla ang topic.

"Thirty five na iha." fuck! Marami na pala. Kumusta kaya ang pamilya nila. Tumayo siya saka ako sinabihang sumunod sa kaniya. Lumabas kami ng bahay at naglakad papasok ng isang iskinita. Anong gagawin namin dito?

Nagulat ako ng maingay na lugar ang naabutan namin. Nandito ang mga bata. Hindi kaya, iniipon nila ang mga bata para bantayan?

Pumalakpak ang ginang. Napatingin sa amin ang ibang nagbabantay.

"Nandito na ang tutulong sa atin."

Kaniya-kaniyang react ang mga tao. Ngunit may hindi ako nagustuhan.

"Na naman?! Babae pa talaga? Papalpak lang 'yan!"

"Oo nga! 'Yung mga lalaki nga hindi nagtagumpay 'yan pa kaya?!"

I smirked. Ang baba naman ng tingin nila sa mga babae. Kahit ang ilang babae ay sumang-ayon sa kanila. Mga punyeta!!

"Huwag kayong magsalita ng ganiyan! Pwede kayong maparusahan!"

REINCARNATEDWhere stories live. Discover now