Prologue

111 5 0
                                    

Isang gabing malumbay, habang ang kulog at kidlat ay nagpapaligsahan, kalangitaan ay tumatangis, tila sumasabay sa damdamin ng dalawang magkasintahang unti-unting binibiyak ng tadhana.

Sa malaking palasyo ng dukado, malaking kaguluhan ang naganap nang malaman nilang dinapuan ng malubhang sakit ang kanilang dukesa. Halos lahat ng kasambahay ay aligaga at dinadaga ang dibib sa maaaring mangyari.

Sa kabilang banda, sa loob ng malaking silid ng mag-asawang Eldevione, tanging mabibigat na paghinga at magkakasunod na hikbi ng duke ang nangingibabaw. Nakaluhod ang lalaki sa lapag habang mahigpit na hawak-hawak ang kaliwang kamay ng asawang nanghihinang nakaratay sa higaan.

Matinding sakit ang nararamdaman ng dukesa, hindi lang dahil sa sakit n'yang akala mo'y nilulunod s'ya sa bagong sabog na bulkan o sa impyernong naglalawa kundi dahil na rin sa nakikita niya sa kaniyang harapan. Unti-unting dinidurog ang puso niya nang makita ang asawang hinang-hina na sa kakaiyak, ang asawa niyang paulit-ulit nagmamakaawang 'wag nitong iwan.

Labis mang nahihirapan sa sitwasyon ay pinilit ng babaeng i-angat ang kanang kamay upang idampi sa basang-basang pisngi ng kaniyang asawa. Nanginginig niyang pinunasan ang mga luha nito sa pisngi at bahagyang ngumiti. "M-mahal, pa---iusap.... H-humanap ka ng i-ibang taong ma---alin... K-kalimutan mo na a-ako" utal-utal at kulang-kulang na sambit ng naghihingalong dukesa dahil sa kakulangan ng hininga at nanunuyong lalamunan.

Paulit-ulit na umiling ang lalaki at mas lalong napahagulgol sa narinig. Magsasalita na sana ito nang biglang bumagsak ang kanang kamay ng babae na kanina ay nakahawak sa pisngi niya. Natatakot mang i-angat ng lalaki ang ulo upang masilayan ang babae, ay nilakasan niya ang kaniyang loob upang gawin ito, at doon nakita niya ang asawang unti-unting pinipikit ang mata.

Kinagat ng lalaki ang kaniyang ibabang labi upang pigilan ang pag-iyak at pakalmahin ang sarili. Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita. "B-bakit, bakit kailangan mo akong p-paulit-ulit iwanan? M-mahal..." Marami pa siyang gustong sabihin ngunit dahil sa labis na nararamdaman at sa pagsakit ng kaniyang lalamunan ay tanging paghagulgol na lamang ang kaniyang nagawa.

"--ke, Duke?"

Ilang tawag galing sa mayordomo ng dukado ang dahilan upang magising sa reyalidad ang duke. Nang balingan ito ng duke ay magkahalong hingal at pag-aalala ang nakita nito sa mukha ng mayordomo.

Saglit lamang itong binalingan nang duke at agad ding pinaalis.

Nanatili sa kinatatayuan ang duke at pinagkatitigan ang walong asawa. Mga nakapilang walong larawan ng kaniyang mga naging asawa. Magakakaiba man ang mukha ng mga naging dukesa, ngunit may iisa silang pagkakatulad na siyang nagpaibig sa duke. Magkaibang kulay ng mata at espesyal na kulay ng buhok. Ang kaliwang mata ay tila isang karagatan na kapag tinamaan ng araw ay kumikinang habang ang kanang mata naman ay tila kagubatan na masagana sa kapunuan. Ang tuktok ng buhok nila ay may iilang hibla na may bahid ng puti.

Nilapitan ng lalaki ang larawan ng panghuling asawa at hinawakan ito habang hindi inaalis ang tingin sa mukha ng asawa. "Mahal, patawarin mo sana ako kung hindi ko magagawa ang huling habilin mo, ngunit ipapangako ko sa iyo na magiging masaya ako sa huling magiging asawa ko"

Nagtungo ang lalaki sa kaniyang opisina at naupo sa upuan nito. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya bago asikasuhin ang mga naiwang trabaho, ngunit hindi pa siya nakakatagal ay may umagaw sa kaniyang pansin. Ang maliit na boteng na may lamang tubig na may halong dugo. Agad niyang dinampot ang maliit na boteng nakapatong sa may gilid ng kaniyang lamesa upang masigurong tama ang kaniyang napansin. Hindi niya inalis ang tingin dito hanggang sa masiguro niyang ang nakahalong dugo sa tubig ay unti-unting namumuo at nagbuklod-buklod.

Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at agad tinawag ang mayordomo na kasalukuyang nasa labas ng kaniyang opisina. Pagkapasok na pagkapasok ng tagasunod ay agad nag salita ang duke. "Gawin na
ang dapat gawin, Fabian"

Immortal's 9th WifeWhere stories live. Discover now