Chapter 12

20 1 1
                                    

Novi's POV.

"Our room"

Para akong nabingi sa sinabi niya. Ano kamo? Saan daw? Namin ba raw? Kwarto namin?

Bakit?

Para bang naubos ang baterya ko at wala sa sariling napatigil sa paglalakad. Dahil nga hawak-hawak niya ako ay nadamay siya sa pagtigil ko. Tumingin ito sa akin at tinaasan ako ng kilay.

"Why? Want me to carry you?" 

Pero para akong biglang na full charge dahil sa narinig ko. Awtomatikong humakbang ang paa ko kaya naman ako na ang nangunguna ngayon at siya na ang kinakaladkad ko.

Natawa ito dahil sa inasal ko.

Sexy ng tawa, parang may kasamang pang-aakit.

Binagalan ko ang paglalakad ko at sumabay sa kaniya nang may maalala. "Kwarto po? Natin? Bakit po?" Sunod-sunod kong tanong.

Tinuro nito ang kanang kamay ko na may sugat. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang sakit nito nang maalala kong may sugat nga pala ako. Gawa na rin siguro na nawala na ang epekto ng pangpamanhid.

"Gagamutin natin sugat mo. Why? May iba ka pa bang iniisip na gagawin don?" Ngising sambit niya.

Bumagsak ang panga ko dahil sa sinabi niya ngunit agad ko ring isinara at itinungo ang ulo ko dahil sa kahihiyan. Tatago ko lang saglit yung makapal kong mukha.

Malay ko ba naman kasi kung anong gagawin don. Tsaka kung gagamutin lang ang sugat bakit don pa? Wala ba silang clinic dito? Laki-laki ng bahay nila.

Nanatiling nakatungo ang ulo ko. Kaya naman hindi ko napansin na tumigil na pala ang duke. Tumama tuloy ulo ko sa likod niya. Gagi ga-bakal ang hulma. Kala ko madudurog na bungo ko.

Tinignan ko ito at nakita siyang binubuksan ang isang higanteng gintong pintuan. Yayamanin talaga.

Nang mabuksan niya na ang pinto ay muli niya akong hinila at pina-upo sa kama.

Lambot, kala mo lalamunin ako ng kama niya sa sobrang lambot. Hiyang-hiya yung kama kong maingay na nga akala mo pa gawa sa hollow blocks.

Natigil ang pag-iisip ko nang biglang lumubog ang tabi ko. Umupo pala sa tabi ko ang duke.

Kinuha niya ang kamay kong may sugat at akmang gagamutin na ito nang agad ko itong hinila sa kaniya. Halata maman ang gulat sa kaniyang mata kaya naman agad akong nagpaliwanag. "A-ano po, ako na lang po. Kaya ko naman po eh" pangngatwiran ko rito at kukunin na sana ang bulak na hawak niya ngunit nilayo niya ito sa'kin.

Tinignan ko ito at lukot na lukot ang mukha nito. "Can you please stop with your 'po'. I'll be your husband soon, Novianna. So please, talk to me comfortably" pakikiusap nito sa akin. Ang kaninang nakabusangot niyang mukha ay lumambot na akala mo ay nagsusumamo.

Hindi ako nakasagot dito agad dahil hindi ko rin naman alam kung anong tama kong gawin. "Treat me just like how you treat Synric, please?" Nagsusumamo pa rin ang mukha niya ngunit hindi nakatakas sa akin ang panandaliang pandidilim ng mukha nang mabanggit ang pangalan ng baron.

Parehas ba ng dukeng sinasabi nila itong dukeng nasa harap ko? Akala ko nakakatakot eh bakit parang batang inggitero 'tong nasa harap ko?

Nasan na yung dukeng pumapatay? Yung cold daw at pangingilabutan ka 'pag nakita mo. Bakit itong nasa harap ko eh parang batang nanghihingi ng kendi.

Immortal's 9th WifeWhere stories live. Discover now