Chapter 30

9 0 0
                                    

Novi's POV.




Parang may kung anong lamok ang na-stuck sa kamay ko na siya ring dahilan para magising ako.

Tinignan ko ang pinanggagalingan ng kirot at natagpuan ito sa likod ng magkabila kong kamay. May nakatusok sa aking hose na hunuhigop ng dugo ko.

'Ito ba yung sinasabi nilang bloodsucker?' Sa isip-isip ko nang mapagtanto ang mga nangyayari.

Hindi ko alam kung ilang oras o araw akong tulog at mas lalong hindi ko alam kung nasaan ako. Nahihilo man ay pinilit kong umupo upang ma-inspeksyon nang maigi ang paligid ko.

Inikot ko ang aking mata at base sa ayos ng kwarto na ito ay isa itong abandunadong clinic. Halos hindi na mapagkakamalang puti ang pader dahil sa sobrang dumi nito. Kapag titingala rin ay siguradong mapupuwing ka dahil sa dami ng agiw na makikita mo.

Agad akong napabaling sa katabi kong higaan nang may narinig akong pag-ungol na akala mo ay hirap na hirap na.

May harang na kurtina ang katabi kong higaan kaya naman kailangan ko pang hawiin upang tuluyan kong makita ang nasa kabila.

'Pero bubuksan ko nga ba?' Nagdadalawang isip kong tanong sa sarili.

Nakakaramdam man ng takot ay mas nanaig ang kuryosidad sa sistema ko kaya naman hinawakan ko ang kurtina at dahan-dahan itong hinawi. 'Di ko pa nahahawi nang buo ang kurtina ay agad ko itong nabitawan dahil sa nahagip ng mata ko.

Pinanlalamigan ang kamay ko at nararamdmaan ko na rin ang pamumuo ng malamig na pawis sa mukha ko. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang bibig upang hindi makagawa ng ingay gawa ng biglaang pagbigat at pagbilis ng mga hininga ko.

Alam kong hindi guni-guni ang nakita ko. Malinaw na malinaw sa paningin ko ang taong nakita ko sa loob ng cubicle na 'yon. Nang masilip ko ito ay nanatili itong nakahiga ngunit ang nakalubog niyang mata ay nakatingin sa akin. Nakaawang ang bunganga niya; halatang hirap na hirap ng huminga.

Kagaya ko ay may nakatusok rin sa kamay nito na sumisipsip ng dugo. Halatang ubos na ubos na ang dugo nito dahil sa putlang-putlang kulay ng balat niya. Nagbabakbak na rin ang labi nito at lubog na ang pisngi dahil sa labis na katuyuan.

"Are you envious of her? Don't worry you'll end up like that too" Halos mapatalon ako sa gulat nang may taong magsalita sa likod ko.

Nang makita ko ito ay halos lumuwa ang mata ko dahil kakilala ko ang taong ito. "K-kasmire"

"Hi Duchess!" Masiglang bati ni Kasmire at kumaway pa. Akala mo kung sinong inosenteng tao.

"A-anong kailangan mo? B-bakit mo ginagawa 'to?" Piilit kong tanong sa kabila nang panginginig ng labi ko.

"Lemme see your background information" hindi nito inintindi ang tanong ko at ini-scan ang hawak na papel.

Inayos nito ang salamin at pinanliitan ng mata ang hawak-hawak na papel. "So, you're that young girl na kinaawan ng duchess at ni-rescue. You have been rescued when the former duke gone wild at nilagas ang human cat race. Totoo rin pala ang mga nababasa kong libro about sa human cat; healing blood huh?" para itong studyanteng nagre-report sa harap ko. Hindi ko nga alam kung ako pa ba ang kausap o ang sarili niya lang. "Too bad, that dumb duke killed your race nang hindi man lang napapakinabangan. Tsk, tsk!" Naiiling na dagdag nito na siyang nagpakulo ng dugo ko.

Immortal's 9th WifeWhere stories live. Discover now