Chapter 10

18 1 0
                                    

Novi's POV.

Magkakasunod na hikbi ang bumulabog sa masarap kong tulog. 

Hindi ko sana ito papansinin dahil akala ko parte lang iyon ng panaginip ko. Pero naidilat ko na ang mata ko ngunit naririnig ko pa rin ang mga hikbi.

Hindi ko alam kung lilingon ba ako sa pinanggalingan ng hikbi o pipikit na lang ulit. Natatakot ako baka hindi na tao 'yung naiyak eh.

"W-why? Why did they lie to me" mahinang sambit sa gitna ng malalakas na hikbi.

Agad akong napabalikwas nang mabosesan ang tao na iyon.

Si Misty.

Hinanahap siya ng mata ko at natagpuang nakaupo sa tabi ng malaking salamin, sapat na upang makita ang buong katawan.

Nakaupo ito sa lapag habang ang kaliwang kamay niya ay yakap-yakap ang kaniyang mga tuhod. Ang kanang kamay niya ay nakatakip sa bibig, pinipigilang gumawa ng malakas na ingay ang sarili.

Nilapitan ko ito upang kumustahin.

Mukhang hindi niya ako napansin na umupo sa tabi niya gawa ng mariin na nakapilitnang mata niya habang patuloy umiiyak.

"Misty? May nangyari bang masama?" Nag-aalalang tanong ko rito.

Gulat itong napalingon sa akin ngunit mas nangibabaw ang gulat ko ng makita ko ang mukha niya. 

Nawala ang bahid ng puti sa kaniyang buhok at ang kulay ng mga mata niya ay napalitan ng kulay kape.

"M-misty"

"N-nagsinungaling sila sakin Novi. Kaya pala...kaya pala may kung ano-ano silang pinapainom sa'kin simula nung bata ako. Ang buong akala ko ay may sakit ako kaya kailangan ko uminom ng gamot" sarkastiko itong tumawa at marahas na pinunasan ang luhang walang tigil na naglalakbay sa kaniyang pisngi. "They do that to change my appearance, ginawa nila yon para maging ibang tao ako" pagtutuloy niya.

Hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin sa kaniya. Dahil hindi ko rin naman alam ang pakiramdam ng pagsinungalingan ng pamilya. May pamilya ba ako? Wala.

Ang tanging nagawa ko lang ay abutin ang ulo niya at marahan na isinandal sa dibdib ko. Niyakap ko siya nang mahigpit at bahagyang tinapik-tapik ang kaniyang likod.

Mali ba ang ginawa ko? Mas lalong napahagulgol si Misty eh.

Pero hinayaan ko na lang siyang umiyak. Baka kailangan niya lang ibuhos lahat ng sakit na nararamdman niya.

"All this time, hindi ko pala talaga kilala ang sarili ko. Buong buhay ko, sa kasinungalingan lang pala ako nabubuhay. A-ang sakit Novi. Ang sakit lang n-na ngayon ko lang nakilala ang sarili ko"

Kahit ilang araw pa lang kaming magkaibigan ni Misty, pati ako ay nasasaktan.

Mas hinigpitan ko ang yakap ko rito. "Huwag kang mag-alala Misty. Simula ngayon palagi lang akong nandito sa tabi mo. Tatanggapin kita kahit ano pang maging itsura mo" 

Saglit itong napangiti. Ang kaninang nakatagilid na Misty ay humarap sa akin at ibinalik ang yakap.

"Salamat Novi. Super duper salamat" 

Siguro ay okay na siya. Bumalik na siya sa madugo n'yang lenggwahe eh.

"You na lang ang hope ko, Novi" iniangat nito ang tingin sa akin.

Sinalubong ko ang tingin niya at nangunot ang noo.

"I'm really upset right now dahil hindi ko ma-t-tease yung 'princess' na 'yon" lukot ang mukha niyang sambit at umirap pa. Tinignan nito ang kabuuan ng mukha ko at hinawakan ang buhok ko. "Pero dahil pasok pa ang bestie ko, make sure na you will be the one na ma c-choose ng duke"

Immortal's 9th WifeWhere stories live. Discover now