Chapter 3

27 1 0
                                    

Novi's POV.

Malakas na katok ang gumising sa akin, at base sa katok niya ay si Havi 'to. Malamang, kami lang naman tao sa bahay edi siya lang kakatok.

Agad akong napabalikwas nang maalalang hindi nga lang pala kaming dalawa ni Havier ang tao ngayon dito dahil may ipinuslit ako kaninang madaling araw. Agad kong nilingon ang pasyente ko at nadismayang wala ito sa higaan.

Inikot ko ang aking tingin nagbabakasakaling naka-upo lang ito sa kung saan ngunit kahit anong tingin ko ay wala talaga. Tanging naiwang damit niya lang ang nandito. Pati na rin pera sa cabinet?

'kaniya ba 'to?' sa isip-isp ko.

Hindi naman ako mag-iiwan ng pera sa may cabinet dahil unang-una wala naman akong pera.

Walang'ya yan. Ginamit lang talaga ako, ni-hindi man lang nagpaalam na aalis. 'Tas ginawa pa akong bayaran, pero okay lang atlis may pera ako. Pang dagdag din 'to sa ipon ko. "Shoot ka sa banga ngayon" masayang sambit ko at hinulog ang papel na pera sa alkansya ko.

"P*ta, Sebel! Ano? Magpapatanggal ka ba agad sa trabaho mo? Aba, ala-una na ng tanghali" narinig kong sigaw ni Havier habang walang habas nitong kinakalampag ang pinto. Napatingin naman ako agad sa nakasabit kong relo at napasapo sa ulo nang makitang tinanghali na nga ako ng gising.

"Sebe--"

"Oo, eto na palabas na!" Pagputol ko sa sasabihin niya.

Agad akong tumayo at muntikan pang matumba dahil sa pagkahilo. Wari ko'y sumama rin ang pakiramdam ko gayong hindi nga pala ko nakapagpalit ng damit. Hindi ako nagbanlaw at piniling unahin yung taong tinakasan lang naman ako.

"Tsk! malas"

Pinagsawalang bahala ko na lang ang nararamdaman at pumunta na sa pintuan para pagbuksan si Havier. "Buti naman at naisipan mo pang luma--" natigil ito sa pagsasalita sa 'di malamang dahilan. Pinagkatitigan ako nito mula ulo hanggang paa. Nakaka-offend yung ginawa niya kaya tinaasan ko siya ng kilay. Sisinghalan ko na sana siya ng maunahan niya akong magsalita. "Sino ka?" Takang tanong nito.

Nangunot ang noo ko dahil sa katangahan niyang taglay. Masyadong seryoso ang itsura niya kaya hindi ko malaman kung pinagloloko lang ako ng kumag na ito o sadyang naumpog ang ulo niya at hindi ako nakilala.

"Kakasabi mo lang ng pangalan ko, dinugtungan mo pa nga ng mura kanina. Kaya anong pinagsasasabi mo r'yan?" Nanatiling nakataas ang kanang kilay ko habang sinasambit ko ang mga salita.

"Hindi ka si Sebel" saad nito at umiling-iling pa.

"Alam mo? alam kong tatanga-tanga ka pero sana naman wag mo akong idamay sa katangahan mo ano?" Sinimaan ko ito ng tingin at inikutan pa ng mata.

"Okay, sabihin nating si Sebel ka nga kasi malala tabas ng dila mo. Pero anong nangyari sayo?" Tanong nito habang hindi nawawala sa mukha ang pagtataka.

"Anong pinagsasasabi mo?" Ako naman ang nagtataka ngayon dahil mukhang hindi na nga siya nagbibiro.

"'yang buhok mo at 'yang mata mo anong nangyari?" Tanong nito at dinuro-duro pa ang buhok at mata ko.

"Bakit anong meron?" Sa ngayon ay gusto ko na rin malaman kung ano ba talagang meron sa akin dahil sigurado na talaga akong seryoso si Havi.

Hinanap ko ang bilog kong salamin na nakapatong sa aking cabinet at tinignan ang sarili. Ilang minuto akong napatitig sa salamin at para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa nakita. Para ngang ibang tao ang nakita ko.

Immortal's 9th WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon