Chapter 25

10 0 0
                                    

3rd Person's POV.

Namamasa na ang noo at kamay ni Alzen ngunit sapilitan niya pa ring tinatapos ang mga naiwang gawain. Kahit busy sa trabaho ay hindi niya maiwasang maisip ang asawa.

Pinangako niyang ngayong araw niya susunduin si Novianna ngunit hindi siya makaalis ng dukado dahil sa dami ng gawain. Ilang beses na rin niyang binalak tumakas ngunit bistado siya palagi ni Sulvira.

'yari ako sa misis ko. Baka hinihintay na ako' sa isip-isip ni Alzen.

'hinihintay nga ba? O nage-enjoy na kasama ang iba?' singit ng kung anong boses sa utak niya. Nagseselos man dahil sa isipin ay pinagsawalang bahala niya na lang ito dahil masyado na siyang nabo-bobo sa pagmamahal kay Novianna.

Biglang nabuhayan ang lantutay na si Alzen nang biglang lumabas si Sulvira ng opisina niya. Binitawan niya ang ballpen na hawak at agad na binuksan ang bintana na nasa likod niya. I-aakyat palang niya ang isang paa ay may bigla ng humawak sa kwelyo niya sa likod.

Nilingon niya ito at nakita si Sulvira na umiiling at tinuturo ang mga papel na trabaho ni Alzen. "Pakitapos po muna, Duke Eldevione"

"Tatapusin ko rin naman pagbalik ko, Sulvira. Kailangan ko lang talagang sunduin ang asawa ko" halos magmakaawang sambit ni Alzen. Ngunit wala siyang nagawa nang muli siyang inilingan ni Sulvira bilang pagtutol sa sinasabi niya.

Kung tutuusin ay maaari niyang hindi sundin si Sulvira dahil siya naman ang amo pero hindi pa rin mawala ang respeto niya sa matanda dahil si Sulvira na ang nagpalaki rito. Isa ring imortal si Sulvira at ito ang pinagbilinan ng nanay niya sa kaniya.

'miss na kita mahal ko' halos maiiyak ng sambit ni Alzen sa kaniyang utak.

Nang may maalala ay nilingon ni Alzen si Sulvira na nakamasid pa rin sa kaniya. "Sulvira, yung partner sa ball, can I change her?"

"Hindi na po, duke. Bukas na po kasi iyon gaganapin at kung si Duchess Eldevione naman ang ipapalit mo ay hindi pa rin p'wede dahil balita ko ay magkapartner na sila ni Baron Aze" magalang na tugon ni Sulvira.

Para naman pinagsakluban ng langit at lupa si Alzen dahil sa narinig at mas lalo itong nawala sa hulog.

Walang ganang kinuha ni Alzen ang ballpen at muling itinuloy ang trabaho.

-----ROYAL BALL DAY-----

Aligaga ang lahat ng kasambahay ng Baron's mansion dahil sa dadaluhan na royal ball ng kanilang amo. Habang si Novianna naman ay nakatunganga lang sa loob ng kaniyang kwarto.

"Mama, tara na baka ma-late na tayo" pagpupumilit ni Synric sa kaniyang ina sa panglimang pagkakataon.

Walang gana siyang tinignan ng ina at inirapan ito. "Iyang tatay mo talaga wala ng ginawang matino sa buhay. Sinabi niya ba talaga sayong susunduin niya ako kahapon?" Asar na tanong niya sa anak.

Halos mapaiyak na si Synric dahil sa paulit-ulit na tanong ng ina at halos sumpain niya na rin ang ama dahil siya ang napagbununtungan ni Novianna. "Oo nga po ma, baka busy lang ang asawa mo"

Immortal's 9th WifeWo Geschichten leben. Entdecke jetzt