Chapter 15

20 1 1
                                    

TW: slight intimate scene

Novi's POV.

Mabilis lan natapos ang seremonyas ng kasal dahil nagmamadali itong asawa ko. Sinamaan ba naman ng tingin yung pari edi ayon para kaming nasa kanto at kasali yung pari sa rap battle.

Muntikan na nga ako magcheer halos maubusan na kasi ng hininga eh.

Wala gaanong tao sa kasal namin. Ang mga pamilyar na mukha lang na naroon ay si Syn, Miss Sulvira at Butler Fabian.

Bukod sa mga kasama sa bahay ay puro kasapi lang daw sa grupo ni Alzen ang naroon.

Kung hindi ako nag kakamali ay un'mortalis ang tawag sa grupo nila.

Agad akong napalingon sa taong lumabas galing ng banyo. Si Alzen. Bagong ligo ito at tanging pangbahay na short lamang ang suot-suot. Punas-punas niya ang kaniyang buhok na basang-basa, sa sobrang basa ay dumadaloy na ang tubig pababa sa hubad niyang katawan.

Diyos ko pong mahabagin. Gabing-gabi may nagtitinda pa rin ng pandesal.

Dahil sa kahalayan ko ay biglaan akong nakaramdam ng init. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya upang mapigilan ko ito.

"Mahal? Bakit 'di ka pa natutulog?" Takang tanong nito at sinimulan ng lumapit sa pwesto ko. "Ah, gusto mo ba ulit humiwalay ng kwarto sa'kin?" Halata ang pagkadismaya sa tono nito ngunit binigyan niya pa rin ako ng ngiti, balak atang iparating na ayos lang sa kaniya. "Pinahanda ko na yung kwarto mo. May mga gamit ka rin do'n" dagdag pa nito 

"Ah, hindi, hinihintay lang kita" biglaang sagot ko.

Dapat talaga magpapakipot pa ako pero walang kontrol ang bunganga ko at bigla na lang bumuka.

Si Alzen naman ay akala mo nanalo sa loto dahil biglang umaliwalas ang mukha niya at patalon-talon na lumapit sa'kin. Parang kuneho, ang cute.

"Tara mahal, tulog na tayo. Aalis tayo bukas" masayang sambit nito at patalong humiga sa tabi ko.

Bahagya ko itong hinampas sa dibdib niya at hinila siya pa-upo.

'Di ako nananantsing pero ang tigas ng dibdib.

"Umupo ka muna at magpatuyo ng buhok. Basang-basa pa eh oh" akala mo bata itong katabi ko dahil nang hahaba ang nguso. Nagmukha tuloy akong nang-aapi ng bata.

"Matutuyo rin naman 'yan mamaya eh. Inaantok na ako mahal" akmang hihiga na ulit ito nang hilhin ko siya palapit sa akin upang pigilan siyang humiga.

Kinuha ko ang hawak-hawak niyang tuwalya at ako na ang nagpunas sa itim na itim niyang mahabang buhok. 

Hindi na siya umangal sa ginawa ko, sa halip ay mas lumapit pa ito sa akin. Muling pinalibot ang maskulado niyang bisig sa aking baywang at prenteng ipinatong ang ulo sa aking balikat.

Pahirap naman sa buhay 'tong taong 'to. Pinunasan na nga ginawa pa akong sandalan. Pa-baby girl ang duke.

Hindi ko maiwasang mapalunok nang paulit-ulit dahil sa balat naming magkadampi. Parang may mahinang kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko na sinabayan ng pagwawala ng kung ano sa tyan ko.

Talo na ako, nilamon na ako ng kilig.

Buti na lang talaga ay may naalala ako sa sinabi niya kanina. Ginawa ko iyong dahilan para mabaling sa iba ang antensyon ko. "Sabi mo kanina aalis tayo? Saan tayo pupunta?"

Immortal's 9th WifeWhere stories live. Discover now