Chapter 11

20 1 1
                                    

Novi's POV.

"Are you okay?"

Si duke.

Ba't nandito 'to? Ba't nasa likod ko to? At bakit hawak niya ako?

Shet, ang gwapo. Susko, tukso layuan mo ako.

"Hey! Are you okay?" Pag-uulit niya ng tanong at iniwagayway ang palad sa harap ko.

Napalunok ako ng ga-holen na laway dahil sa pagkabigla. Agad kong hinanap ang dila ko dahil hindi ako makapagsalita. Hindi ko mahanap ang mga salita para bang na bura lahat ng bokabularyo ko.

Agad akong napa-igtad nang biglang yumuko ang mga nasa likod ko. Hindi lang ata bukabularyo ang nabura sa'kin, pati ata utak ko nawala na. Duke nga pala itong nasa harap ko.

Agad akong yumuko at sumabay sa bati nila. "We greet the Duke of North" 

"I doesn't really like repeating myself but I will let this slide. Are you okay?" Sa puntong ito ay parang hindi lang pag-aalala ang matutunugan mo sa kaniya, parang may halo na ring inis.

'kung wala ka sa harap ko magiging okay ako' gusto ko sanang sabihin 'yan pero sinarili ko na lang baka maging katapusan ko na eh.

"O-opo" tanging sagot ko habang nananatili pa ring nakayuko at nasa sahig ang tingin.

Agad akong napasinghap, hindi lang ata ako dahil lahat ng kasama namin ngayon ay narinig kong suminghap nang biglang hawakan ng duke ang baba ko at hinarap sa kan'ya.

"Are my eyes on the floor? Who are you talking to down there? Look at me. Look at my eyes"

Muli kong narinig ang mga singhap ng taong nasa paligid namin. Sinong hindi? Eh bawal naman talagang tumingin sa mata ng duke.

Hindi lang ang mga singhap nila ang naririnig ko dahil pakiramdam ko ay binibingi na ako ng lakas ng tibok ng puso ko.

Magsasalita na sana muli ako nang biglang may tumabig sa akin. Sino pa bang walangya ang gagawa non kundi si Elora lang.

Hinawakan niya ang kamay ng duke at ngiting-ngiti itong kinausap. "Hi duke! You probably heard about me already but I'll still introduce myself. I'm Elo---" 

"Who are you to interrupt our conversation? Ah, yeah, you're that king's daughter, right? 'Di ka ba nila tinuruan na 'wag sumabat 'pag may nag-uusap?" Pagpuputol ng duke sa sinasabi ni Elora.

Gagi, desurb.

Napapahiyang napayuko lang si Elora habang si Duke Eldevione naman ay muling binaling ang tingin sa'kin.

"Make sure that next time we talk, you will look into my eyes" seryosong sambit nito at hinawakan ang kamay ko. Hinila niya ako papasok sa opisina niya. 

Tumigil ito sa harapan ni Miss Sulvira. "Let's start" 

Pagpasok namin ay tsaka ko lang malinaw na nakita ang loob nito. Malaki ang espasyo ng opisina niya. May malaking lamesa sa gitna na wari ko'y mesa ng duke.

Sa magkabilang gilid ay mayroon ding lamesa. Ang bawat lamesa ay may nakapatong na duguaang manok. Tingin ko naman ay buhay pa dahil nagalaw pa naman.

"Omyyy! Yuckiee! What are those duke?" maarteng turan ni Elora at tumakbo papalapit kay duke.

Yumakap ito sa kaliwang braso ng duke. Dahil nga nakahawak siya sa akin at nasa tabi niya ako ay kitang-kita ko kung paano mairita ang mukha niya. Salubong na salubong ang kilay nito at umiigting ang bagang.

Immortal's 9th WifeWhere stories live. Discover now