Chapter 6

18 1 0
                                    

Novi's POV.

"Be ready everyone papasok na tayo" sabi nung butler at tumalikod. Sinundan ito ng mga taong malapit sa kaniya kaya naman lumingon ako sa likod ko upang ayain na ring sumunod si Misty.

At si Misty mukhang pareho kami ng kasiyahan. Pagkalingon ko kasi ay ngising-ngisi ito habang nakatingin sa direksyon kung nasaan ang prinsesa.

"Yabang" sabay naming sambit na ikinatawa naming dalawa. Halos mawalan kami ng hangin dahil sa tuloy-tuloy na pagtawa naming dalawa, may hampasan pa sa braso na nagaganap dahil sa sobrang tuwa.

Kanina ay masakit ang tiyan ko dahil sinikmuraan ako ngayon masakit na siya dahil sa kakatawa. Pilit kong pinigilan ang pagtawa at pinunasan ang nangilid na luha. "Tara na, baka magalit na sila" aya ko kay Misty at hinila na ang kanay nito.

Hindi ko man aminin sa sarili ay halata ko na ang pagiging malapit ko kay Misty. Kahit ilang oras pa lang kaming magkasama ay nakuha na nito ang loob ko marahil ay magkaparehas kami ng ugali.

Nakakatuwa lang na bago ako mamatay sa susunod na araw ay may naging kaibigan pa ako.  

'Pero susko po, ba-bye na po ba talaga ito? Sure na po? Wala ng bawian?' parang tangang sambit ko sa sarili. May parte sa akin na gusto pa ulit mabuhay dahil parang may magandang mangyayari sa buhay ko hindi ko lang sure kung ano. Pero nandito pa rin ang pakiramdam na gusto ko nang mawala dahil hindi naman agad mawawala ang pagod at paghihirap ko.

Dahil sa isipin ay hindi ko na napansin na nasa loob na pala kami ng palasyo ng dukado. Mas halata ang kalakihan nito ngayong pumasok na kami. Parang hindi na kailangan ng ilaw ang mansyon na ito dahil sa kaliwa't kanang bagay na ginto na nagkikinangan. 

"Good morning participants, I am Sulvira, the head maid of this dukedom" masungit na pagpapakilala ng isang matandang babae sa amin na tingin ko ay kasing edaran lang ni Butler Fabian.

"Siguro naman ay alam niyo na ang dahilan at magiging kaganapan bago kayo pumunta rito?"  

"Pero kahit gano'n, ay sasabihin ko pa rin ang maaring mangyari sa mga susunod na araw" saglit itong tumigil at tumikhim. Inikot nito ang kaniyang tingin na hindi ko alam kung sinusuri lang ba kami o hinuhusgahan na.

"Base na rin sa pangalan ng event na duchess selection, ang matitira sa pagsubok ang siyang magiging susunod na dukesa. Ang pagsubok na ito ay may dalawang hakbang. Sa una ay susubukin kung totoo nga ba ang ipinapakita n'yong itsura ngayon. Kung ang buhok n'yo pa ay totoo at ang mga mata n'yo ay tunay na magkaiba ang kulay" tumigil itong saglit at pinagkatitigan kami isa-isa. Ang iba ay umiwas ng tingin at mukhang may tinatago nga.

"Ang pangalawa ay hindi pwedeng isa-publiko dahil masyadong confidential ang information na iyon. Sunod na dapat niyong malaman ay ang rules sa duchess selection

1. Treat every participant fairly and unbiasedly.

2. Don't make any ruckus.

3. No status should be use against the other.

4. Don't go to any restricted area.

We only have four rules, hopefully masunod niyo. Makatatlo kayong suway, disqualified!" tuloy-tuloy nitong saad at tinaasan pa kami ng kilay.

Tanda-tanda na nananaray pa. Matandang dalaga siguro 'to, 'di nakaramdam ng pagmamahal. 

"The last piece of information that you need to know is about your room. Although, hindi naman magtatagal yung iba we will still provide you some room para hindi kayo nakakalat. You will temporarily stay in the dukedom until you are rejected. Please fall in line para magrupo kayo at malaman kung sino ang magkakasama sa iisang kwarto" pagkasabi nito ng head maid ay agad hinanap ng mata ko si Misty na agad lumapit sa akin.

Immortal's 9th WifeWhere stories live. Discover now