Chapter 29

12 0 0
                                    

3rd Person's POV.




"Nak, bilisan mo nga r'yan! Tsaka 'wag mo 'kong simangutan, hilahin ko yang nguso mo" masungit na banta ni Novianna kay Synric.

Gusto na lang maiyak ni Synric sa nangyayari sa kaniya. Hindi na siya mapakali sa dami ng paper bag na pinahawak sa kaniya ni Novianna. Sa daming binili ni Novianna ay halos matakpan na ang mukha ni Synric.

Kasalukuyan silang nasa mall ngayon upang bumili ng regalo para sa nalalapit na birthday ni Alzen. Sa kabila ng patong-patong na trabaho ni Synric ay pinilit niyang makasama kay Novianna para makabili rin ng regalo kay Alzen.

"Napakarami naman kasi nito, ma! Isang buong baranggay ba paggagamitan mo nito?" Asar na tanong ni Synric habang hindi pa rin magkandaugaga sa mga hawak na paper bag dahil isa-isa na itong nahuhulog.

"Sabi mo gusto mong magregalo sa papa mo 'di ba? Ngayong tinutulungan kang pumili umaangal ka naman diyan" sagot ni Novianna at pinanlakihan ng mata si Synric.

"Yun na nga ang usapan mama, regalo kay papa. Eh bakit naman nauwi sa shopping spree mo 'to?"

"Sinong may sabing akin 'yan? Sa papa mo lahat yan" walang emosyong saad ni Novianna. Muli itong naglibot ng tingin umaasang may mahahanap pa siyang ipanreregalo sa asawa.

Nalaglag naman ang panga ni Synric dahil sa narinig niya. Hindi ito makapaniwalang tinignan ang mga dalang bag. Sinilip niya ito isa-isa dahil akala niya ay namalikmata siya sa mga pinagkukuha ng nanay niya.

Pero hindi, nandoon pa rin yung mga makukulay na hair accessories. Yung nga cute na onesie at ternong pantulog. Dagdag mo pa ang sandamakmak na skin care products at isang box ng lipgloss.

"M-mama, baka mali yung nakuha natin?" Binalingan ni Novianna si Synric at nagtataka itong tinignan. 'Di kalaunan ay naintindihan niya rin ang inaakto ng anak.

"Ay 'di mo pa nga pala alam na medyo maarte ang tatay mo sa katawan. T'saka for your information, mahlig sa mga cute na bagay ang papa mo" simpleng sagot ni Novianna na para bang normal na lang sa kaniya iyon. "Favorite niya rin pala yung flowers and pink" pahabol na saad ni Novianna

Si Synric naman ay nanatiling tulala; hindi pa rin makapaniwalansa narinig.

"Tara nak kain muna tayo. Nagugutom na ako eh" aya ni Novianna sa anak at nilingon ito ngunit walang s'yang Synric na nakita sa likuran niya. Nakita niya sa Synric sa 'di kalayuan, kung saan huli silang nag-usap. Nakatulala pa rin ito sa kawalan.

Pinagtitinginan na si Synric ng mga tao ngunit wala itong paki dahil iniisip niya pa rin ang sinabi ni Novianna.

Wala namang nagawa si Novianna kundi balikan ang anak at gisingin ito sa reyalidad. "Hoy! Ano bang nangyayari sayo?" Sinubukan ni Novianna na agawin ang atensyon ni Synric. Nagfinger snap pa ito sa harap ng mukha ng anak para lang mapansin siya.

Nang mabalik sa reyalidad si Synric ay nilingon nito si Novianna. Halata pa rin sa mukha ni Synric ang pagkabigla "seryoso ka ba, ma?"

"Oo nga. Yaan mo masasanay ka rin. Tara na at nagugutom na talaga ako" sabi ni Novianna at hinigit na sa unang restaurant na nakita nila.

Pagpasok nila sa noble's restaurant ay agad nilibot ni Novianna ang tingin upang maghanap ng vacant table. Natigil ang mata niya sa isang pares na mata na ngayon ay nakatingin na rin sa kaniya.

"Misty!" Masayang bati ni Novianna sa kabigan at nilapitan ito.

"Omg, Novi! It's been a while since nagkita us!" Pabalik na bati ni Misty at sinalubing ang yakap ni Novianna.

Immortal's 9th WifeWhere stories live. Discover now