Chapter 26

12 0 0
                                    

3rd Person's POV.

"Mama!" 

Parang nabingi si Alzen sa narinig. Tumigil ang mundo nito na sinabayan ng pagtigil ng kaniyang buong sistema.

Sinundan niya ng tingin si Synric na humahangos papunta sa kaniyang asawa.

Hindi alam ni Alzen kung paano niya iintindihin ang sitwasyon. Maraming mga tanong na tumatakbo sa kaniyang iisipan. ''Mama?' bakit mama? Tawagan ba nila? O baka...'

Hindi na natuloy ni Alzen ang isipin nang mabaling ang kaniyang atensyon kay Synric. Tinanggal nito ang eye patch at tumalon sa lawa upang sisirin si Novianna na tuluyan na ngang lumubog at naubusan ng hangin.

Sumugod na si Alzen sa kinaroroonan nila Novianna at hinawi ang kumpol-kumpol na tao.

"Move! Stay away from here!" Malakas na sigaw ni Alzen dahilan para mapaurong ang mga taong nakaharahang.

Agad namang nanghina ang tuhod ni Zavira nang makita niya sa Alzen. Nilapitan niya si Alzen at agad na inagaw ang pansin nito nang makita niyang papunta rin ito kay Novianna.

"Al-- Duke Eldevione, nadulas po si duchess" nag-aalalang sambit ni Zavira, halatang aligaga at hindi alam ang gagawin.

Hinawakan niya ang braso ni Alzen at mas idinikit ang sarili.

"Don't fucking lie to me, I saw everything Countess. At 'wag mo 'kong hawakan" nang gigigil na sambit ni Alzen at marahas na inalis ang pagkakakapit ni Zavira dahilan upang mapaupo ito sa sahig. Ngunit walang pakialam si Alzen, tanging galit lang ang nararamdaman niya kay Zavira.

Nawala ang atensyon niya kay Zavira nang magsimulang lumakas ang bulong-bulungan. 

Tumungin si Alzen sa kaniyang harapan at napatulala siya sa taong lumalapit sa kaniya habang karga-karga ang walang malay na si Novianna.

Dahil sa pagkakalublob sa tubig ay nagulo ang pagkakaayos ng buhok ni Synric dahilan upang malantad ang kulay puti nitong buhok katulad kay Novianna. 

Nawala ang tingin ni Alzen sa buhok ni Synric at nalipat ito sa mata. Natanggal ang takip nito sa kaniyang kaliwang mata kaya naman kitang-kita na ang sikreto ni Synric sa likod ng kaniyang eye patch.

'He... he has the unique golden eye that only the heir of an Eldevione can have' 'di makapaniwalang turan ni Alzen sa kaniyang isip. Ilang beses na napalunok si Alzen dahil sa mga nakikita niya.

Nabalik sa ulirat si Alzen nang tuluyan ng makalapit sila Synric sa kaniya.

"P-papa..." Parang may humaplos na kung ano sa puso ni Alzen nang marinig ang salita na iyon.

Unti-unti niya ng napagdugtong-dugtong ang lahat. Nasagot niya na rin ang mga tanong na bumubulabog sa kaniya tuwing gabi. 

'bakit hindi ko kayang magalit kay Synric?'

'bakit hindi ako kayang piliin ni Novianna?'

'bakit ayaw niya akong isama sa after life?'

'Kaya pala... 'cause we have a son. Synric is our child' tanging sagot ni Alzen sa mga tanong niya sa isipan.

"Papa! Yung mama ko!" Muling pagtawag sa kaniya ni Synric. Halatang hindi ito mapakali sa pag-aalala sa kaniyang ina, nanginginig ang labi nito at mabilis ang paghinga. Kahit basa ang mukha ay halata rito ang pangingilid ng luha.

Immortal's 9th WifeWhere stories live. Discover now