Chapter 2

32 1 0
                                    

Novi's POV.

Nandito na kami sa loob ng kwarto ko ngayon. Inihiga ko na rin siya sa kama ko at nagmadaling kumuha ng maluwag kong damit at short.

Malas niya at cute na terno lang ang pinakamaluwag kong damit.

Nang makabalik ako sa kinaroroonan nung lalaki ay parang gusto ko na lang ulit tumalikod. Ngayon ko lang napagtanto kung anong sunod na dapat kong gawin.

Susmaryosep! Ang birhen kong mata paano na?

Sa ngayon ay hindi ko malaman kung anong pipiliin ko. Ang dignidad ba o ang kalandi--- ang pagmamagandang loob ba.

Natigil ang pagdadalawang isip ko nang biglang gumalaw yung lalaki at parang batang namaluktot. Nanginginig na ito sa lamig ngunit nananatiling tulog.

Napailing na lang ako sa sitwasyon ko ngayon at ipinasa Diyos ang lahat. Pinatay ko ang ilaw upang hindi masyadong mahalay ang makikita ko.

Kaya ayan ang bobo, kadiliman lang ang nakikita ko. Saglit akong naghintay upang makapag-adjust ang mata ko sa dilim bago nilapitan ang lalaki.

Marahan ko munang tinanggal ang cloak na suot niya at sinunod ang damit niya. Pero may pagkahalay akong nagawa at hindi ko sinasadyang mag dampi ang balat naming dalawa. Matigas siya at mainit. Teka, mainit?

Dali-dali kong sinapo ang noo niya at napagtantong inaapoy na ng lagnat ang lalaking ito.

'Susko po, ano ba itong pinasok ko?' nabanggit na lang sa sarili dahil nararamdaman ko na ang puyatan na magaganap. Kailangan kong alagaan ang lalaking ito, 'yan lang ang pilit pumapasok sa isip ko.

Wala na akong inaksayang oras at binilisan na ang pagpapalit dito. Nang matapos ay kinumutan ko muna ito at saglit na umalis para kumuha ng malamig na tubig at panyo.

Pagkakuha ko ng mga kailangan ay inilapag ko na ito sa may cabinet sa tabi ng kama ko. Binuksan ko muna ulit ang ilaw upang makita ko nang maayos ang ginagawa ko. Baka mamaya kung saan-saan ko madapi yung panyo at matuklaw pa ako.

Pagkalingon ko sa inaalagaan ko ay bahagya akong natigilan. Para kasi akong nakakita ng diwata. Hindi sa pagmamalabis, pero para talagang diwata ang lalaking ito dahil sa pisikal niyang itsura. Maputlang kutis, mahabang itim na buhok na sa palagay ko ay aabot sa baywang niya kung nakatayo ito, mapulang labi na kahit hindi ko dampian ay mukhang malambot, at mahahaba nitong pilik-mata. Dagdag mo pa ang maamo nitong mukha at matipuno nitong katawan.

Kung gagawa man ang Diyos ng perpektong itsura, baka itong lalaki na iyon.

Nakadagdag sa kagwapuhan niya yung basang-basa niya pang buhok. Ang hot.

"Shit! Oo nga pala. Hot nga"

Natataranta akong lumapit dito at ipinunas ang panyong binasa ko sa malamig na tubig. Napapailing na lang ako sa sarili ko at wala sa sariling binatukan ang sarili.

"Inuna kasi kahalayan kaysa sa bisitang may lagnat eh" mahinang sambit ko sa sarili.

Pinabayaan ko muna ang kabastusan ng sarili ko at nagpokus sa taong nasa harapan ko. Muli kong kinuha ang panyong nakapatong sa noo nito upang basain ulit.

Piniga ko ang panyo at akmang ipupunas na ulit ito sa mabato nitong braso nang bigla itong nag salita. "M-mahal...wag mo 'kong iwan. A-ako naman L-lirica" pahinang-pahinang wika nung lalaki habang nananatiling nakatikom ang mata nito, hudyat na tulog pa rin.

Muntikan na akong magkasala, hindi ko alam na nang-aakit na pala ako ng taong may asawa. Buti na lang at na titigil pa ang kalandian ko.

Pero susko, minsan na nga lang ako magkagusto, minsan na nga lang makakita ng gwapo mukhang magiging sabit pa ako. Kung kayang gumawa ng Diyos ng gan'tong kagwapong nilalang sana may isa.

Immortal's 9th WifeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant