Chapter 17

15 1 0
                                    

Novi's POV.

"Let's hurry and catch up, Ali"

Parang binalugbugan ang puso ko nang sumama si Alzen. Hindi ko masabi kung sumama ba talaga siya o napilitan lang dahil hinihila siya ni babaita pero iba pa rin ang dating sa puso ko.

Pansin kong lilingon pa sana sa akin si Alzen nang hawakan ni Zavira ang pisngi nito at iharap sa kaniya. "I have pasalubong pala sayo"

Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko.

Pinagpasyahan kong palagpasin ito dahil baka importante lang talaga ang pag-uusapan nila.

Akmang kukunin ko na ang mga gamit namin nang pigilan ako ni Fabian. "Ako na po, Duchess Eldevione" pinabayaan ko na lang itong kunin ang mga gamit dahil wala akong ganang makipag-usap ngayon.

Dumaretso ako sa kwarto namin ni Alzen. Pasalamat na lang talaga ako at wala sila rito. Hindi na ako nagpalit ng damit at humiga na lang sa kama. Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatitig sa ding-ding pero 'di kalaunan ay biglang bumigat ang talukap ng mata ko. Hinayaan ko lang ito at nagpalamon sa kadiliman.

Nagising ako ng alas otso ng gabi. Saglit akong naligo at lumabas ng kwarto para hanapin si Alzen. Sasabay sana akong kumain.

Masyado ata akong naging masaya noong mga nakaraang apat na araw kaya heto ako ngayon, iniiwasan ng kasayahan. Sinong sasaya 'pag may nakasalubong kang haliparot? Wala pa naman siyang ginagawang masama pero kumukulo na ang dugo ko sa kaniya.

Pero siguro okay na rin na nakasalubong ko siya. Maitatanong ko kung nasaan si Alzen. Total siya naman huli kong nakitang kasama niya.

"Countess Jeisene, si Alzen?" Natigilan ito sa paglalakad nglang magtanong ako.  Kahit anong kaplastikan ilagay niya sa mukha ay hindi nakatakas sa akin ang ngiwi sa mukha niya.

"Ah, hindi niya ba nasabi sa'yo? Hinihintay niya ako sa labas. Magdinner date kami sa labas" ngiting-ngiting tugon nito.

Hindi niya na ako inantay magsalita, ni hindi nga siya nagpaalam basta umalis na lang siya.

Bagsak ang balikat kong bumalik sa kwarto namin, papasaan pa at hanapin ko siya? May date pala siya hindi man lang nagpaalam.

Nawala na rin ang gutom ko dahil sa narinig, nakakawala ng gana pagganon maririnig at makikita mo eh.

Sa nararamdaman kong ito, sigurado na akong hindi ko lang siya gusto. Mahal ko na ang gagong 'yon. Kung kailan naman malalim na ang nararamdaman ko sa kaniya tsaka siya magkakaganito. Hindi man lang bumalik at magpaalam sa aking lalandi pala siya.

Muli akong nagpasakop sa kama at pinilit na bumalik sa tulog. Ayoko nang intindihin yung mga iniisip ko eh.

Sinag ng araw ang siyang gumising sa akin. Kinapa ko ang katabing espasyo, umaasang naroon ang asawa. Pero anak ng kagang, wala siya. 

Huwag ko lang talagang malalaman na hindi siya umuwi kagabi at tuluyan na siyang nakipaglandian sa kondesa na 'yon. Talagang igigisa ko sila nang sabay.

Dahil sa naisip ko ay biglang kumalam ang sikmura ko. Ang huling kain ko kasi ay yung kain pa namin nila Syn doon sa isang bahay.

Naglinis ako ng katawan at nagpasyang pumunta sa silid kainan.

Bago pa man ako makapasok ay nakakarinding hagikhikan na ang sumalubong sa'kin.

Base sa malalim na boses at sa malanding tawa, si Alzen at Zavira ito.

Immortal's 9th WifeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant