Chapter 22

11 0 0
                                    

Novi's POV.

Ilang araw na ang nakalipas matapos bumalik ang alaala ko at sa ilang araw na iyon ay naging normal lang ang daloy ng araw namin pero hindi ngayong araw.

Pansin ko kasi ang pag-iwas ng asawa ko sa akin. Ang dahilan niya ay busy siya sa trabaho pero halata kong may problema ito at ayaw niya akong harapin.

Nang marinig kong naka-uwi na siya ay agad akong dumaretso sa kwarto namin pero wala siya roon kaya naman sinunod ko ng puntahan ang opisina niya.

Nakita ko siya roon, subsob sa trabaho. Sa sobrang busy niya ay hindi niya na napansin na nakapasok na ako sa opisina niya.

Buti na lang at hindi ako napansin kasi kaninang tanghali nakita niya akong papasok sa opisina niya, nilapitan niya ako agad at sinabihang busy siya. Tapos ayon ni-lock niya na ang pinto.

Nilapitan ko ito at umupo sa lamesa niya. Natigil siya sa sinusulat niya hudyat na napansin niya na ako. "Mahal, may problema ba tayo?" Tanong ko rito.

"Wala naman. Busy lang talaga ako" matabang na sagot nito sa akin. Ni-hindi nga ako tinitignan sa mata, sa palagay niya ay maniniwala ako?

Tumingala ito sa akin upang silayan ang mukha ko. Hindi na kasi ulit ako nagsalita, inoobserbahan ko lang ang galaw niya. "Mahal, kung wala ka ng sasabihin p'wedeng mamaya na ulit? Busy talaga ako eh" alanganing tanong niya.

"Mahal, you already know that we should talk if we have a problem right?" Malumanay kong sambit dito.

"Eh, wala nga kasi tayong problema? Anong pag-uusapan natin?" Tumaas na ang boses niya at mababakas doon ang pagkainis.

Pilit kong ikinalma ang sarili dahil mas hindi kami magkakaayos kung parehas kaming pangungunahan ng galit. Mariin kong ipinikit ang mata at napabuntong hininga. "Alzen" may pagbabanta sa boses ko.

"Okay, gusto mo malaman kung anong problema? Yung mga naririnig ko sa labas 'yun ang problema" napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Pilit kong iniintindi kung anong ibig niyang sabihin. "Lirica, usap-usapan kayo ni Synric sa labas. Narinig kong lumalabas daw kayo habang wala ako, totoo ba 'yon?" Pagkukumpirma niya.

Natigilan ako bigla dahil sa sinabi niya ngunit agad ko rin naman sinagot. "Oo, pero---"

"Lumalabas kayo habang wala ako at hindi mo man lang sinasabi sa'kin?!" Nangangalit na tanong niya.

"Mahal, sinubukan kong sabihin sa'yo 'yon pero masyadong hectic yung schedule mo. Sinubukan ko ring tawagan ka pero yung phone mo iniwan mo sa kwarto natin" pangangatwiran ko rito.

"Tsaka hindi ko naman siya sinamahan para mag gala kami. Sumama ako dahil naki-suyo siya sa akin" dagdag ko pa rito. Tinignan ko niya ako, at hindi ko gusto ang tingin niya sa'kin. Hindi niya ako pinapaniwalaan. Yung tingin niya ay parang nawawalan na siya ng tiwala sa akin.

'pasensya na, mahal hindi ko kayang sabihin sayo ang lahat'

Immortal's 9th WifeWhere stories live. Discover now