Chapter 32

13 0 0
                                    

Novi's POV.



Parang gumuho ang mundo ko at para akong nabibingi nang marinig ko ang hiling ni Alzen.

Tuluyan na ngang nagpira-piraso ang puso kong ilang araw ko ng inaayos. Tapos ngayon...ngayon tinuluyan niya na akong sirain. Tuluyan niya na akong iniwan.

'di ko man sila tignan ay alam kong napunta sa akin ang daan-daang pares ng mata ng mga tao. Tinitignan ang magiging ekspresyon ko, hinihintay kung anong gagawin ko.

Gusto kong tumakbo palayo dahil sa kahihiyan. Pero para akong estatwa na tinanggalan ng karapatan gumalaw. Para akong sinukuan ng utak ko dahil hindi ko magawa ang gusto kong gawin.

Nanatili lang akong nakatayo sa gitna ng maraming tao na hinuhusgahan at halatang patago akong pinagtatawanan.

Pasalamat na lang talaga ako at dumating si Synric at hinila ako palayo sa lugar na 'yon.

"Mama, umiiyak ka na naman ba?" Binaling ko ang tingin kay Synric na ngayon ay nakatingin din sa akin at halata ang lungkot sa mata.

Nandito na kami ngayon sa dukado at nagpapahinga ako sa kama ni Synric. 

Simula nang makarating kami rito ay wala ng humpay sa pag-agos ang luha ko. Wala ng tigil sa pagsigaw ang puso kong na-pino. Nawalan na ako ng kontrol sa sarili ko.

"Mama" muling pagtawag sa akin ni Synric. Ngunit hindi ko ito sinagot dahil nawalan na ako ng gana sa lahat; pati sa sarili ko.

Sabay kaming napatingin ni Synric sa pinto nang bigla itong bumukas at niluwa si Alzen. 

"Mahal" parang bigla akong nabuhayan at biglang napatayo. Hindi ko na ininda kahit pa ilang ulit akong muntikang matumba dahil sa panghihina. Basta makalapit lang ako sa kaniya agad ay ginawa ko ang lahat.

Bago pa man ako makalapit kay Alzen ay sumulpot sa likod nito si Elora at humarang sa harap ko.

"Don't come near my fiancé and stop calling her that stinky endearment" mataray na saad ni Elora at tinignan ako nang may pandidiri sa mukha.

Hindi ko siya pinansin at binaling ang tingin kay Alzen.

"Mahal....bakit? Bakit kailangan mo 'kong iwan? May nagawa ba akong mali? Nagkulang ba ako?" Sunod na sunod na tanong at ang mga luha ko ay nagpaunahan na naman sa pagbagsak.

Tinignan ako ni Alzen nang deretso sa mata at sa mata niya ay walang mababakas na kahit anong ekspresyon. Yung dating tingin niya sa'kin na parang ako na ang pinakamahalagang tao sa mundo ay nawala. Wala na sa mata niya, para na lang akong isang estranghero kung tignan niya.

"H-hindi mo na ba ako mahal?" Finally. Natanong ko na rin ang kinatatakutan kong tanong simula nang mag-iba ang kilos ni Alzen.

Parang anytime kasi ay kaya niyang sabihin sa'kin nang harap-harapan iyon nang walang pag-aalinlangan. Tho, pinaparamdam niya na sa'kin sadyang nagbubulag-bulagan lang ako.

"Yeah, I don't love you anymore, Novianna" Hindi man lang siya nautal sa sinabi niya at nanatiling deretso ang tingin sa mata ko. Ang kaninang pira-pirasong puso ko ay parang biglang napino ng parang buhangin. 

Totoo nga sigurong hindi niya na ako mahal, pero bakit parang ang bilis? Ayokong paniwalaan.

"Paano Alzen?! Paanong nangyari nang gano'n kabilis?!" Hindi ko na napigilan ang sarili na magtaas ng boses dahil sa labis na galit at sakit na nararamdaman. Hinawakan na rin ako ni Synric sa braso upang pakalmahin at pigilan ako na gumawa ng kung ano.

Immortal's 9th WifeOnde histórias criam vida. Descubra agora