Chapter 19

13 1 1
                                    

Novi's POV.

"Sei, gabi na ah? Saan ka galing?" Nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at nakita si Synric na papalapit sa akin.

"Diyan lang sa tabi-tabi. Binisita ko lang yung kaibigan ko. Ikaw pala? Gabi na ba't pakalat-kalat ka pa rito?" Pagbabalik ko sa kaniya ng tanong.

"Trabaho. Kailangan kong magreport eh. Tara sabay na tayo pumasok" pag-aya nito sa akin.

Wala naman sigurong masama kung sasabay ako sa kaniya 'no? Hindi naman siguro magseselos si Alzen. Malamang 'yan dahil busy pa siya sa haliparot niya.

Salungat na naman sa'kin ang kapayapaan at nakasalubong namin si Zavira habang naka-angkla ang braso niya kay Alzen.

Sinalubong ako ni Alzen ng matamis na ngiti ngunit agad na nawala nang makita kung sino ang kasama ko.

Madilim ang mukha ni Alzen at halata ang selos sa mukha niya. Magpapaliwanag na sana ako upang hindi na humaba pa ito pero mas pinaliyab pa ni gaga. "I told you, Ali. May kasama siyang lalaki

"Siya ba yung kasama mo Novianna kaya hindi mo man lang mapansin yung tawag ko?"

'Novianna'? asan na yung mahal? 

Para akong sinipa ng sampung kabayo sa puso dahil sa lamig ng pakikiusap niya sakin.

"Nakasalubong ko lang siya r'yan sa labas

"You don't have to lie Nov-- duchess, mas lalo lang magagalit si Ali sayo" wika ni Zariva na akala mo sinong concern eh halata namang mas ginagalit si Alzen.

"Oh, nar'yan ka pala countess may pasalubong ako sayo" binigyan ko ito ng pekeng ngiti at inabot ang dalawang box ng tinapay na dala ko.

Masaya niya itong tinanggap at sinilip. "Omo! Thanks! What's this?" Takang tanong niya.

"Naalala kasi kita nung nakita ko 'yan sa labas. Alembong at pokpok yan" ngising sambit ko rito at talagang diniinan ang salitang 'alembong at pokpok'

"A-ah, putok ata yung i-isa Sei. Wala namang tinapay na pokpok" nauutal na pagtatama ni Syn dahil sa pagpipigil niya ng tawa.

Para namang sinipa ng kabayo sa mukha si Zavira dahil sa mukha niyang namumula dahil sa hiya. Himala't hindi siya nakipagtalo, sa halip ay peke lang itong ngumiti at nagpasalamat.

Nabaling kay Alzen ang atensyon ko nang bigla itong kumapit sa akin at hinigit ako sa pulsuhan. "Let's talk, Novianna" Hinila niya ako palayo sa dalawa.

Sa kwarto namin niya ako dinala at pabagsak na sinara ang pinto. 

"Novianna, ilang beses kitang tinawagan, hindi mo sinasagot. Alalang-alala ako sayo dahil hating gabi na. Ta's uuwi ka kasama yung lalaking yon?" Kahit hindi siya sumigaw ay halata ang galit at panggigigil sa boses niya.

Immortal's 9th WifeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora