Chapter 1

54 2 0
                                    

Someone's POV.

"Sebel!"

Bago pa man ako makalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon ay isang lumilipad na tsinelas ang lumagapak sa mukha ko.

Agad kong sinapo ang mukhang natamaan at inis na sininghalan ang lalaking prenteng nakasandal sa pintuan ng kwarto ko. "Anak ka ng tokwa, Havier! Ano bang kailangan mo?"

"Hulaan mo" malokong turan nito at ngumisi pa si tanga. Sa inis ko ay akmang tatayo na ako upang batukan ito nang pigilan niya ako. "Kalma ka muna bhe, pero totoo hulaan mo. Clue, birthday wish mo 'to last year"

Nangunot ang kilay ko sa sinabi niya pero sinubukan ko pa ring hulaan. "Sugar daddy?" Nawala ang ngisi sa mukha nito at napalitan ng 'di makapaniwalang tingin.

"Sugar daddy na may malubhang sakit at malapit ng mamatay?" Dugtong ko sa sagot ko. Baka kasi kulang ang sagot ko kaya hindi siya makapaniwala.

"Malandutay ka talaga eh no?" Ngiwing sambit nito at may inilabas sa kaniyang bulsa. Papel na nakatiklop. "Yung kontrata mo. May pirma na. P'wede ka ng pumasok mamaya" masungit na saad nito na ikinapalakpak ng tenga ko.

Tuwang-tuwa kong kinuha sa kamay ni Havi ang kontrata ngunit nawala ang ngiti sa mukha ko nang mabasa ang pangalang nakalagay.

'Novianna Saibil'

Nakalagay na pangalan sa kontrata. Walang apelyido dahil ganoon talaga pag orphan at mahirap. Bago kasi magkaroon ng full name ay binibili muna ang apelyido rito sa Luanosenia. King inang hari kasi yan masyadong sugapa sa pera. Hindi na lang intindihin yung ulo niyang may sariling araw. Matandang panot.

"Parang bobo ka naman bhe, ilang taon na tayong nagpa-plastikan tas gan'tong spelling ihaharap mo sakin? S-E-I-B-E-L-L-E. Novianna Seibelle. Ganda-ganda ng pangalan ko binabastos mo" singhal ko sa ewan ko kung hayop ba 'to o tao na nasa harap ko.

"Tama na yan bhe, dami mong dada. Basta paalala lang. Ang costumer ay costumer ha? Wag mong i-judge 'di ka part ng judiciary" tumigil s'ya sa pagsasalita at tinignan ang maganda kong mukha. "Sa mukha mo pa lang nga ngayon mukhang nilalait mo na ako eh. Wag mo i-apply yan sa customer ah? Bawasan ang tabas ng dila" Taas kilay na sambit nito. Akmang aalis na sana ito ng kwarto ko nang bigla akong nagsalita.

"Dati bang plantita nanay mo?" Taka itong napatingin dahil sa sagot ko at bahagya pang naigilid ang ulo.

"Bakit?" -Havier.

"Mukha ka kasing natuyong ugat" walang prenong sagot ko at agad sinara ang pinto, wala akong pake kung matamaan ang mukha niya, baka mukha ko kasi madali 'pag 'di ko pa sinara agad eh.

Tama nga ang hula ko, dahil rinig ko ang pag-aalburoto niya mula sa likod ng aking pintuan. Pinagsawalang bahala ko na lang ito at pabagsak na nahiga sa kama.

Tinignan ko muli ang kontratang hawak-hawak ko at itinaas ito sa ere. Ilang segundo matapos kong titigan ang kontrata ay napabuntong hininga ako sa rami ng isipin. Dagdag pa itong bwakanang ugali na meron ako. 'Di ko kasi talaga mapigilan ang bunganga ko sige na lang ang bira, palagi tuloy akong natatanggal sa trabaho dahil dito. Siguro nga ay dapat ko ng bawasan ang tabas ng dila ko.

Hindi naman kasi akong puwedeng palagi na lang matatanggal sa trabaho at nakakahiya na sa pamilya ni Havier. Sila kasi ang tumutulong sa akin lalo na't ngayong walang-wala ako.

Immortal's 9th WifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang