Chapter 16

17 1 0
                                    

Novi's POV.

"Sei! Duke Eldevione! Tao pooo!" Pagtawag nito at muling kumatok.

Nang mabosesan ang taong iyon ay nawala ang inis ko at parang biglang pumalakpak ang tainga ko. 

Agad kong tinanggal ang isang kamay ni Alzen na nakahawak pa rin sa likod ko at inayos ang sarili.

Mabilis kong binuksan ang pinto at ngiting sinalubong ang lalaki. "Hi, Syn!" Masayang bati ko rito at niyakap siya. Niyakap rin ako nito pabalik at mas hinigpitan ang yakap.

Hindi ko mapagkakailang na-miss ko nga ang taong ito.

Nahiwalay kami sa yakapan nang biglang may tumikhim sa tabi ko. Nilingon ko ito at nakita ang asawang nakapamulsa at samang-sama ang tingin sa aming dalawa.

Iniiwas nito ang tingin sa akin at nilipat kay Syn. Madilim pa rin ang ekspresyon nito. "What are you doing here?" Taas kilay niyang tanong.

"Alzen papasukin mo muna ang bisita bago mo kwestyonin. Halata namang pagod at galing byahe" pagsingit ko sa dalawa.

Hindi naman na umimik si Alzen at tumalikod na sa amin. Hudyat na iyon na papasukin ko si Syn kaya naman hinila ko na ito at pinaupo sa upuan na katapat ng duke.

Dumeretso ako sa kusina para kuhaan ng tubig si Syn. 

"You have to go back home, duke, marami ng mission ang nakapila. Nakauwi na rin pala si Countess Jeisene and she wants to meet with you" hindi naman malayo ang kusina namin kaya rinig na rinig ko pa rin ang usapan nila.

Bumalik ako sa kinaroroonan nila at binigyan sila ng inumin. Umupo ako sa tabi ni Alzen at nakinig sa mga usapan nila.

"Why don't you just call me? Ba't kailangan mo pa talagang pumunta rito para sabihin lang yan?" Mataray na sambit ng asawa ko.

Nakadekwatro ito ata at nakahalukipkip na inantay ang sagot ni Syn.

Katarayan talaga ng taong 'to umaarangkada.

"Well, you left your phone in the dukedom so how can I call you?" Pabalang na sagot ni Syn at kinuha ang kinuha kong tubig para sa kaniya. Napagod ata sa byahe.

"Kung 'yan lang ang sasabihin mo, you can now leave. We will leave tomorrow, don't worry." masungit na saad ng duke at akmang tatayo na nang ako naman ang nagsalita.

"Dito ka na matulog Syn, sabay na tayong tatlo umalis bukas. Teka, Lalabasan kita ng kumot at unan" papunta na ako ng kwarto namin nang biglang magsalita si Alzen.

"Ba't dito mo patutulugin yan mahal? Eh may sarili naman 'yang bahay" kahit 'di ko lingunin ay halata ang asar sa tono ng boses niya.

"Gabi na Alzen, tsaka malayo ang byahe. Delikado pa sa labas, baka kung ano pang mangyari r'yan" pinal na sambit ko at hindi na hinintay ang angal niya.

Dumaretso na ako sa kwarto upang kunin ang unan at kumot na gagamitin ni Syn. Sa sofa ko na lang 'yon patutulugin.

Ito na nga ba ang sinasabi ko eh, kailangan na naming umuwi. Nakakalungkot man pero naroon ang buhay ni Alzen. 

Immortal's 9th WifeWhere stories live. Discover now