Chapter 27

10 0 0
                                    

3rd Person's POV.

"Ang mga lalaki ko" naiiyak sa tuwang turan ni Novianna.

Napalingon ang magkayakap na mag-ama at sabay silang napatayo nang mapagtantong nagkamalay na si Novianna.

"Mama!" 

"Mahal!"

Sabay na tawag nina Alzen at Synric kay Novianna at sabay ring lumapit dito. Pumwesto sa kanang bahagi ng kama si Synric habang si Alzen naman ang nasa kaliwa ni Novianna.

Akala mo ay magkarugtong utak nina Alzen at Synric dahil sabay rin nilang niyakap nang mahigpit si Novianna.

Hindi mapigilang mapangiti ni Novianna dahil sa tuwang nararamdaman. Parehas niyang hinawakan ang pisngi ng mag-ama. "Pasensya na kayong dalawa"

"I'm sorry rin, mahal. Wala kang katuwang nung pinagbubuntis at pinalaki mo si Synric" malungkot na saad ni Alzen.

Agad itong inilingan ni Novianna at binigyan ng matamis na ngiti. "Wala ka namang alam eh. Hindi mo alam so you don't have to be sorry"

"But still--"

"Pscaro" may pagbabantang turan ni Novianna. Ibang usapan na kapag 'Pscaro' na ang tawag sa kaniya ni Novianna. Isa pa ay ayaw talaga nitong humihingi ng tawad ang isang tao lalo na't alam niyang walang kasalanan.

Napatawa si Synric dahil sa nakitang pagtiklop ng kaniyang ama, narinig ito ni Alzen kaya naman sinamaan niya ito ng tingin.

"Mahal, can you tell me what happened? Like, when did I get you pregnant? Or how did you manage to hide him from me?" Mausisang tanong ni Alzen.

Humugot muna si Novianna ng malalim na hininga bago sagutin ang tanong ng asawa. "It happened when I was Giselle, your fifth wife. Remember when I went out and never came back?" Tanging tango lang ang sinagot ni Alzen at inabangan ang susunod na sasabihin ni Novianna.

"That's also the time na nalaman kong buntis ako kay Synric. Natakot ako na baka ayawan mo ang anak natin kasi nung paulit-ulit kitang tinatanong ayaw mo talaga. Kaya tumakas ako at pinilit kong buhayin mag-isa si Synric" mahabang litanya ni Novianna. Pinaglaruan niya ang buhok ng anak na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa kaniya.

"Pero limang taon lang si Synric noon nung kailangan ko siyang iwan. Ayaw ko pang iwan si Synric no'n dahil sobrang bata niya pa pero wala akong nagawa" saglit na tumigil sa pagsasalita si Novianna upang pakalmahin ang sarili at bago pa man tuluyang makaagos ang kaniyang luha ay pinunasan niya na ito agad.

"Kaya nung sixth life ko, yung buhay ko na hindi ako nagpakita sa'yo, hinanap ko no'n si Synric. 45 years old na siya no'n. Hinanap ko siya sa pinag-iwanan ko sa kaniya, malayo 'yon sa siyudad dahil nga tinatago ko sayo pero hindi ko siya nakita. Nahanap ko siya malapit sayo, dito sa siyudad at baron na. No'ng una ay pinilit ko siyang palayuin ulit pero hindi ko talaga napigilan at gusto niya talagang mapalapit sayo. Ta's ayon na, sa sunod kong buhay pinagseselosan mo na anak mo" natatawang kwento ni Novianna kay Alzen.

Napangiti si Alzen sa kwento ni Novianna at saglit na tinignan ang anak. Nananatili itong nakayakap kay Novianna at halatang inaantok dahil sa pagpungay ng mata.

"Can you give me more information about him?" -Alzen

"His name is Synric Azen. Hindi ko naisunod ang Eldevione dahil alam kong malaman mo" magsasalita pa sana si Novianna nang sumingit si Alzen.

Immortal's 9th WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon