Chapter 23

12 0 0
                                    

Novi's POV.

"Dante, where's my son?" Tanong ko rito. Hindi ko na ito binalingan ng tingin at nagmamadaling pumasok. Inikot ko ang mata ko upang hanapin si Synric.

Sana ay hindi pa ako huli.

"I greet the Duchess of North" mabilisang bati nito.

"Nasa room niya po si Baron Aze" sagot nito sa akin. Kaya naman dali-dali akong naglakad sa kwarto ni Synric.

"Ahhhh!!" Malakas na sigaw mula sa pangalawang palapag. Mahahalata ang sakit at paghihirap sa sigaw ng taong ito

Pero mukhang na-late pa rin ako. Kahit papalapit pa lang ako ay rinig ko na agad ang malalakas na sigaw ni Synric. 

Parang pinipiga na naman ang puso ko dahil sa paghihirap ni Synric. Alam kong deserve ko itong sakit na nararamdman ko dahil ako ang dahilan kung bakit parehas nasasaktan ang mag-ama ko.

Nang makalapit ako sa kwarto ni Synric ay agad kong binuksan ang pintuan. Buti na lang at hindi nagla-lock ng pinto itong batang 'to.

Agad ko itong nilapitan nang makita siyang nakasalampak sa sahig at namimilipit sa sakit. Basang-basa ang mukha nito dahil sa magkahalong pawis at luha na kumakalat sa mukha niya.

"Ah! Arghh!" nahihirapan muli niyang daing habang mahigpit na nakahawak sa dibdib niya.

"Upo ka saglit, 'nak" Dahan-dahan ko siyang inupo at isinandal sa gilid ng kama niya. 

Kinuha ko ang maliit na kutsilyo na ginamit ko kanina. Dinala ko ito dahil alam kong gagamitin ko rin naman ngayon.

Muli kong sinugatan ang palad ko at nang makitang tumutulo na ang dugo ay dinampi ko ito sa bibig ni Synric. Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko at mas dinikit sa bibig niya. Nilasahan niya ang dugo ko at mga ilang segundo ay bumitaw na siya sa kamay ko. Bumalik na rin sa normal ang paghinga niya.

Nanghihina itong bumagsak sa dibdib ko. Kaya agad ko siyang sinalo at niyakap.

"M-mama" nanghihina at mahinang tawag ni Synric ngunit sapat na para marinig ko.

Agad ko itong inalo at hinagod ang likod. "Nandito na si mama, anak. I'm sorry na-late ako"

Binalik nito ang yakap sa akin at maya-maya ay naramdaman ko ang pagbaba at pagtaas ng balikat niya. Habang tumatagal ay mas palakas nang palakas ang hikbi nito hanggang sa ma-uwi ito sa paghagulgol na parang bata.

Ang bawat hikbi niya ay parang kutsilyong tumutusok sa puso ko. Hindi ko na rin napigilan ang sarili at hinayaan na lang na dumaloy ang luha.

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nasa ganoong posisyon pero nang maramdamang kong kumalma na ito ay agad kong sinilip ang mukha niya. 

Nakatulala lang ito sa kawalan habang may mga takas pa ring luha na dumadaloy sa pisngi niya.

"Ayos ka na ba, anak?" Kinuha ko ang panyo sa aking bulsa at pinunasan ang mukha ni Synric. Tanging tango lang ang natanggap ko rito at muling bumalik sa pagkatulala.

"Syn, lipat ka sa kama mo para makapag pahinga ka" akmang tatanggalin ko na ang pagkakayakap niya sa'kin nang mas hinigpitan niya ang yakap na parang ayaw na ako pakawalan.

"Hmm, ayaw" parang bata itong umiiling habang nakapikit.

Bahagya naman akong napatawa sa tinuran ni Synric dahil kuhang-kuha niya ang pagka-isip bata ng tatay niya. Lalo na kapag nagkakasakit sumosobra ang pagkaisip bata nila.

Immortal's 9th WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon