Chapter 33

46 3 3
                                    

Novi's POV.




Hindi ako pinagpaliwanag ng pulis. Dineretso agad nila ako sa kulungan at mamaya na agad ang hatol ko. Ni-hindi nga ako pinayagang kumausap at kumuha ng abogado



Napaghahalataan tuloy na plinano 'to lahat ni Elora. Dahil sino ba namang walang'ya ang gagawa sa'kin nito? Natatakot atang madikitan ko si Alzen at maagaw sa kaniya.

'King inang kamalasan 'yan ayaw ako layuan' naiiling kong sambit sa isipan.

Kasalukuyan akong nakaupo ngayon sa kama ng kulungan at nakaharap sa labas ng rehas. 

Natigil ang pagmumuni-muni ko nang may makita akong pamilyar na taong papalapit sa seldang kinaroroonan ko.

Si Alzen.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman ngayomg nakikita ko na siya sa harap ko. Galit, pagkamuhi, sakit at kung ano-ano pa ang nararamdman ko. Halo-halo na at hindi ko alam kung anong dapat unahin.

Pero kahit madami at halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko ay pansin ko pa rin ang katiting na pag-asang nandito siya para tulungan ako.

'Tutulungan niya nga ba ako?'

Nang makalapit siya sa selda ko ay tumayo ako para harapin siya kaya naman kitang-kita ko na ang mukha niya. Wala pa rin itong emosyon na siyang sumagot sa katanungan ko.

Wala. Wala siyang balak tulungan ako. Hindi siya nandito para tumulong.

"Alzen" alam kong natigilan siya nang tawagin ko ang pangalan niya dahil sa biglaang pagbabago ng ekspresyon nito. Agad siyang natauhan kaya mga ilang segundo lang ay bumalik sa walang emosyon ang mukha niya.

"Honestly, I don't wanna come here 'cause it's kinda filthy..." halata ang pandidiri sa tono ng pananalita nito habang iniikot ang tingin niya sa paligid ng kulungan. 

Alam ko namang hindi niya ako pinuntahan rito para tulungan o kahit bisitahin man lang. Pero masakit pa rin palang marinig 'yon galing mismo sa bibig niya.

"But Elora, my fiancee, want me to give this to you" inabot nito sa'kin ang eleganteng puting envelope na agad ko namang kinuha.

Babalik na sana ako sa kinauupuan ko dahil akala ko ay aalis na si Alzen at tapos ng ang pakay niya. Pero nanatili ito sa kinakatayuan niya kaya naman tinaasan ko ito ng kilay.

Tinignan nito ang hawak kong envelope at sinenyasan akong buksan ito.

Bagot ko namang binuksan ito at halos mapunit ang hawak kong papel. Napahigpit ang kapit ko rito dahil sa nabasa.

You are invite on Duke Pscaro Alzen Eldevione' and Princess Elora Aeisha Ferancci' wedding

August 8, 2023

"Be thankful kay Elora dahil ininvite ka niya. Tho, 'di ka makakapunta since nakakulong ka" parang mapanglait nitong sambit. Hindi nakatakas ang nakakainis na ngisi nito sa mukha bago ako tinalikuran at naglakad paalis.

Binalik ko ang tingin sa gusot na papel na hawak ko. Pinagdadasal na sana ay guni-guni ko lang ang nabasa ko kanina.

Pero gano'n pa rin. Ikakasal pa rin siya kay Elora.

Tuluyan kong nilukot ang invitation card at hinagis ito sa kung saan. Dahil sa inis ay napahawak ako sa ulo ko at hindi ko napigilang sabunutan ang sarili.

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Aug 11, 2023 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

Immortal's 9th WifeKde žijí příběhy. Začni objevovat