Chapter 24

12 0 0
                                    

3rd Person's POV.

Akala mo ay tinakasan si Alzen ng lakas nang makitang tinalikuran siya ng asawa. Ngunit kahit gano'n ay pinilit niyang umupo at isigaw ang pangalan ni Novianna.

"Mahal!"

"LIRICAAAA!" Pangalawang tawag ngunit hindi pa rin siya nililingon.

"Lirica, mahal, balikan mo ako please!" Halos masira na ang lalamunan sa lakas ng sigaw nito. Pilit siyang nagmamakaawa, umaasang kapag narinig ito ni Novi ay lilingon siya at babalik sa kaniya.

"Novianna, kailangan din kita..." Papahinang turan ng lalaki. Tuluyan na siyang nawalan ng pag-asa nang mawala sa paningin niya si Novianna. Kahit isang lingon o matigilan man lang sa boses ni Alzen ay hindi nito nagawa.

Masakit ang lalamunan at ulo niya dahil sa kakasigaw pero mas nanaig ang sakit sa puso niya nang makita ang babaeng mahal na lumalayo sa kaniya upang piliin ang iba.

"Kailan mo ba ako pipiliin Lirica?" Tanong ni Alzen sa kawalan.

"Alam mo kung ano ang ayaw ko, alam mo kung anong makakasakit sa'kin pero bakit ginagawa mo pa rin? Bakit mas pinipili mo akong saktan para sa lalaking 'yon?" Sunod-sunod nitong tanong sa babaeng kanina pa lumisan.

Nanatili ang kaniyang paningin sa pintong nilabasan ni Novianna. "At tsaka bakit.... bakit hindi ko kayang magalit kay Synric?"

Maraming tanong ang bumabagabag sa utak ni Alzen. Samo't-saring emosyon na rin ang nararamdaman niya na halos ikasabog na ng puso niya. Ngunit ang tanging nagawa lang nito ay tumunganga sa kawalan.

Hinayaan niya ang sariling saglit na tumunganga hanggang sa napalingon si Alzen sa cabinet na nasa tabi niya, kung saan doon nakapatong ang basong may lamang dugo.

Inabot niya ito at pinagkatitigan; iniisip kung iinomin niya ba ito.

Buo na ang loob ni Alzen, wala na siyang pakialam kung tawagin man siyang tanga ng ibang tao.

Ang tanging nasa isip niya lang ay muling pabalikin ang asawa kahit pa makihati siya kay Synric.

Agad niyang tinungga ang laman ng baso. Pikit mata niyang nilunok ang dugo ng asawa. Halos manginig ang kalamnan niya nang maramdamang humagod ang dugo sa kaniyang lalamunan.

Ilang minuto ang nakalipas ay naramdaman niyang gumaan ang pakiramdam. Nawala ang sakit ng ulo niya at ang katawan niya ay bumalik sa normal temperature.

Isang bagay lang ang hindi napagaling ng dugo ni Novianna, 'yon ay ang puso ni Alzen na nananatiling sugatan. Hindi niya na inintindi ang pagdaramdam ng puso niya.

Kinuha ni Alzen ang selpon na nakapatong sa cabinet at agad niyang pinindot ang number ng asawa upang tawagan.

*Ring* *ring*

Inis na binato ni Alzen ang kaniyang selpon nang mapagtantong naiwan ni Novianna ang kaniyang selpon sa loob ng kwarto. "Ano ba yan mahal, bibili tayo ng selpon 'di naman nagagamit"

Dali-dali siyang bumaba at pumunta sa garahe ng dukado. Agad siyang sumakay sa kaniyang kotse at pinaharurot iyon papuntang Baron's Mansion.

Nang makarating siya sa bahay ni Synric ay sinalubong siya ng Butler nito na si Dante.

"I greet the Duke of North" bati sa kaniya ni Dante.

"Baron Aze and my wife, where are they?" Tanong nito kay Dante.

Immortal's 9th WifeWhere stories live. Discover now