Chapter 8

18 1 0
                                    

Novi's POV.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko, imbes na tumakbo ako palayo ay naglalakad ako ngayon papalapit sa lalaking nasa harap ko.

Nang medyo papalapit na ako ay t'yaka ko naaninag nang maayos ang kaniyang mukha.

Deretso ang tingin sa akin ng asul na asul nitong kanang mata habang ang kaliwang mata naman nito ay natatakpan ng itim na bagay. Akala mo pirata sa SpongeBob.

Makinis ang kutis nito, at ang kulay niya ay katulad ng kapeng nahaluan ng maraming gatas.

Gwapo sana ang lalaking 'to kung hindi lang dahil sa buhok niyang mukhang malutong at dinilaan ng kalabaw. Plakdang-plakda kasi ang buhok sa tuktok ng ulo niya. 

Natigil ako sa pag-inspeksyon ng mukha niya nang bigla itong magsalita. "Hi!" Masiglang bati nito habang cute na cute na ngumiti sa'kin.

Sige na nga, gwapo rin pala 'tong taong ito, 'wag na lang tumingin sa buhok.

"Hello" pabalik kong bati rito at kumaway pa.

Wala na talaga siguro akong alam. Noong una hindi ko alam bakit ako lumapit sa lalaking ito ngayon naman ay hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sa kaniya. Wirdo.

"Kasali ka sa duchess selection?" Umupo ito sa ilalim ng lilim ng puno, pinagpag niya ang tabi nito upang paupuin ako.

Walang pagdadalawang isip na umupo ako sa tabi niya bago sumagot. "Oo, bakit?"

Hindi nito sinagot ang tanong ko at nagtanong ng panibago. "Ilang taon ka na?" 

Hindi ko na lang pinansin ang pag-ilag niya sa tanong ko at sinagot na lang din ang tanong niya. Bored na ako eh. Okay na 'to atlis may kausap ako.

"Bente kwatro"

Tinignan ko ito nang maramdaman ang katahimikan niya. Hindi ko alam kung pinaglalaruan lang ba ako ng mata ko o sadyang may lungkot lang talaga sa mata niya.

"Ikaw ilang taon ka na?"

Subukan niya lang 'wag sumagot, papatayuin ko 'yang pagod niyang buhok. Ako naman didila pero patayo na ang ayos.

Ihahanda ko na sana ang kamay ko para batukan ito nang bigla siyang sumagot. "1,874" 

Literal na napanganga ako na may halong panlalaki ng mata dahil sa sagot niya. "Imortal ka?" Mahina ngunit pasigaw kong tanong dito.

Bahagya itong natawa at humarap sa akin. Tinanguan ako nito upang sagutin ang tanong ko.

"Kapatid mo ba yung..." Lumingon-lingon pa ako sa paligid bago ituloy ang sasabihin. Baka kasi may makakitang pinagchi-chismisan namin ang duke eh. 

Lumapit ako saglit dito upang bumulong. "Yung duke?" 

Nangunot ang noo nito sa aking tanong. "No, he's not my brother. Bakit mo pala nasabi na magkapatid kami?"

"Magkahawig kasi kayo eh"

"Does it mean I look handsome in your eyes? Gwapo raw si duke sabi nila" ngising sambit nito at kinindatan ako.

Hindi ko alam kung masaya siya dahil nahalintulad sa duke o masaya lang siyang naiinis ako. Basta ang alam ko lang ay masaya siya dahil umaliwalas ang mukha niya at makinang ang mata.

Immortal's 9th WifeWhere stories live. Discover now