Chapter 14

19 1 0
                                    

Novi's POV.

Agad akong napabalikwas nang mapagtanto ang mga nangyayari. Kahit nahihilo ay inupo ko ang sarili.

"Ikakasal po ako? Ngayon agad?" Gulantang kong tanong sa kaniya.

"Opo" magalang nitong sagot sa akin. Parang biglang naglaho yung masungit na head maid na una kong nakilala.

"Bakit hindi niyo po sinabi sa'kin?" 

Jusko naman ikakasal na pala agad ako hindi ko pa alam. Biglaang asawa na nga biglaang kasal din.

Pa'no na ako tatakas nito? Mas mahihirapan ako dahil matatali na ako sa duke. Mahirap pa namang ipasawalang bisa ang kasal gayong mahirap ako at ang kalaban ko eh ang duke.

"Hindi po namin nasabi sa inyo dahil sa dami ng nangyari kahapon. Sabi naman ni Duke Eldevione ay siya na lang daw po ang magsasabi sa inyo. Hindi po ba nasabi?" Magalang na tanong nito.

Malamang sa malamang hindi. May isa kasing gaga na maarte, tumakas ba naman. Gulantang tuloy siya sa mga nangyayari ngayon.

Hinila na ako patayo ni Miss Sulvira at pinaderetso sa banyo upang makaligo.

Nang makatapos ay samu't-saring kamay ang dumapo sa katawan ko. Ang iba ay nagme-make up habang ang iba naman ay abala sa buhok ko.

Sa sobrang pagmamadali nila ay ilang oras lang at naayusan na ako. Suot-suot ko na ang mahaba at makinang na wedding dress.

Talagang masasabi mong mamahalin ito. Itapat mo lang ako sa araw ay mapapansin na ako ng lahat dahil puno ito ng makikinang na dyamante at perlas.

Pano kung itakbo ko na lang sarili ko? Ta's ibenta ko.

Kaso 'wag, sa estado ng duke tiyak palabas pa lang ako eh nahanap niya na'ko.

Pero sa totoo lang, hanggang ngayon ay nagdadalawang isip pa rin ako kung itutuloy ko ba ito. 

Bigyan lang sana ako ng Diyos ng sign lalayas ako rito.

Gising ang Diyos, totoo ang Diyos.

Dahil ang bilis dumating ng sign na hinihingi ko.

May bigla kasing kumatok sa bintana na ng kwartong kinaroroonan ko.

Si Baron, para talagang eksperto sa akyat-bahay. Sanay na sanay.

Pasalamat na lang talaga ako at iniwan ako saglit ng mga bantay ko, babalik na lang daw sila 'pag magsisimula na ang kasal.

Halatang nahihirapan na ang baron sa lagay niya at maya-maya na ang katok. Sinesenyasan ako na buksan ko raw kaya naman tumayo na ako at binuksan ang bintana.

Nang mabuksan ko ay agad itong pumasok sa kwarto, parang batang nagtatatalon na lumapit sa akin. 

Dinamba ako nito ng yakap na agad ko ring sinuklian.

Ewan ko ba kung bakit hindi ako na iilang sa taong to para ko na siyang nakakabatang kapatid. Pero mas matanda sa'kin?

"Namiss kita madam!" Masayang turan nito habang nakayakap pa rin sa akin.

Ako ang unang humiwalay sa yakap at pinitik ang tenga nito. "Baron ba't ka naman kung makaakyat ka ng bahay ay para kang sanay na sanay? Pano kung nahulog ka ron?" Paninita ko rito na siyang ikinahaba ng nguso niya. Ang cute para talagang bata.

"Gamay ko naman na 'yon. Tsaka sabi ko Syn na lang tawag mo sakin eh" 

"Edi 'wag mo akong tawaging madam kung gusto mong Syn ang itawag ko sayo. Novianna Seibelle ang pangalan ko ikaw na mamili kung aniyng itatawag mo" sabi ko rito. 

Immortal's 9th WifeWhere stories live. Discover now