Chapter 18

16 1 1
                                    

Novi's POV.

Natigil ako sa pag-iisip nang may maamoy akong masangsang na haliparot. "What are you doing here? Don't you know that no one is allowed to come here?" 

Lumapit ito sa akin at humalukipkip. Isang salita pa nito bubusalan ko bibig nito eh. Charot lang baka magsumbong.

"Eh bat nandito ka?" Halatang natigilan siya sa sinabi ko pero binigyan niya ako ng napakaplastik na ngiti.

"Novianna, I know may galit ka sakin 'cause we're super close ng asawa mo. Pero I just want to let you know na kung may feelings ka na kay Ali, you should stop it right away" seryosong sabi nito na ikinataas ng kilay ko.

"Sino ka para utusan ako?"

"Novianna, concern lang ako sayo. Matagal ko ng kilala si Ali. Kung may naririnig ka mang rumors about sa kaniya, totoo ang sinabi nilang pinapatay niya ang mga wife niya. Obsessed siya sa different eye color at white streak hair dahil sa first wife niya" akala mo kung sino talaga siyang concern dahil sa ekpresyon ng mukha niya.

Kung ako yung dating Novi ay baka nanginginig na ako sa takot at plinano ko na ulit tumakas. Pero hindi, ako na si Novianna Seibelle Eldevione ngayon, si Novianna na nakita ang totoong pagkatao ni Alzen. 

Sa kilos baby girl ni Alzen mukha ba siyang papatay ng asawa?

"Ayaw lang kitang masaktan Novianna. Kung iniisip mong mahal ka ni Ali ay nagkakamali ka. Mahal niya yung mukha mo Novianna, dahil kamukha mo yung first wife niya. So if I were you, I'll distance myself from him" dagdag pa nito na mas lalong nagpakulo ng dugo ko.

'Mahal niya yung mukha mo Novianna, dahil kamukha mo yung first wife niya' paulit-ulit bumoses sa utak ko ang sinabi niyang iyan.

Pero masyado na ata akong hulog sa taong iyon at wala na akong iniisip ngayon kundi ang pagkatiwalaan ang asawa. Alam kong tunay akong mahal ni Alzen, alam kong hindi niya ako papatayin dahil iyon ang pinaparamdam niya sa'kin.

"Salamat sa awa mo pero hindi mo ako madidiktahan, Zavira

"That's Countess Jeisene for you, Novianna

"Then, it's Duchess Eldevione for you, countess" pagbabalik ko sa kaniya.

Hindi ko alam kung sino ang sumapi sa akin at lumabas ang ingles ko. Marunong akong umintindi ng ingles pero hindi pa ako nakakasalita ng ingles, ngayon pa lang ewan ko kung paano. Baka dahil sa gigil sa kaharap ko.

Ang kapal naman kasi niyang humingi ng respeto sa akin eh ako nga hindi niya magawang respetuhin.

Akmang magsasalita na ito nang muli akong nagsalita. "What are you doing?" Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. 

Mukhang naguluhan siya sa sinabi ko kaya naman tinuloy ko ang sasabihin. "Pay some respect. Di ba uso sa'yo yon? Kung kay Alzen okay lang na hindi mo binabati p'wes sakin hindi dahil hindi tayo magkaibigan" halata ang pagkagulat sa mukha niya at ilang beses siyang napalunok. "Come on, greet me. Show some respect" pag-uulit ko.

Immortal's 9th WifeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang