Chapter 20

17 1 2
                                    

Novi's POV.

"Kasi utos mo sa'kin" sagot niya na mas nagpagulo ng utak ko.

"Ha? Anong utos ko? Eh nung tinanong mo ako no'n eh yun ang una nating pagkiki---" natigilan ako sa sinasabi ko nang may mapagtanto.

Iisa lang ang bawat pahiwatig ng kwento nina Alzen at Synric. Ako at ang dating niyang mga asawa ay iisa.

"Nung inutos mo sa'kin iyon, ikaw si Shantel, eighth wife ng duke. Pinakiusap mo sa'kin na kung sakaling magkita man kayo ng duke ay ilayo kita sa kaniya dahil last life mo na 'to. Ayaw mong makitang masaktan ulit si Duke Eldevione dahil alam mong mas magiging masakit iyon para sa kaniya dahil nga... huling buhay mo na 'to" papahinang sambit niya lalo na nang sabihin niya ang 'huling buhay'.

"Syn, nahihirapan na ako. Pilit kong iniintindi ang kwento niyo, pilit kong inaalala ang nakaraan ko. Pero kahit anong gawin ko ay wala, hindi ko talaga kilala ang sarili ko" hindi ko na mapigilang maglabas ng hinanakit kay Synric. Sobra-sobra na kasi ang nararamdaman ko baka hindi ko na kayanin.

Naramdaman ko ang paglapit ni Synric. Hinawakan niya ang ulo ko at inihilig sa dibdib niya. Niyakap niya ako nang mahigpit. "Maaalala mo rin ang lahat, tutulungan kita"

Alam kong dapat lumayo ako sa taong 'to, dapat kong ikalas ang yakap niya sakin dahil ikakaselos ito ng asawa ko. Pero hindi ko magawa, masyadong mainit ang yakap niya, napakapamilyar at nakakakalma. "Ano ba talaga kita, Syn?" Hindi ko maiwasang itanong.

"Ako? Ano mo ako dati?" 

"Oo"

"Kabit mo 'ko" agad akong napahiwalay sa yakap niya at agad gumalaw ang kamay ko para batukan siya.

"Gago ka!" Pagmumura ko rito na ikinahalakhak niya. "Ano nga?"

"Mas maganda kung ikaw na mismo ang makaalala. For sure, dadagdag lang 'yon sa isipin mo and you will be more confused" tanging sambit na lang nito at binigyan ako ng ngiti, ngiting alam mong may halong lungkot.

"Tapos ka na ba kumain? Balik mo na sa'kin tupperware ko. Lagot, ako kay mama" pabirong sambit nito na ikinatawa ko.

Tinakpan ko na ang tupperware na hawak ko at inabot ito sa kaniya. Tinanggap niya naman ito at nilagay sa bag niya. Paglabas ng kamay niya ay kasama ang box na binalot na ng katandaan.

"Ano yan?" Curious kong tanong.

"Bold" pabalang niyang sagot at inabot iyon sa akin. Tinanggap ko naman ito agad at tsaka tinuktok sa kaniya.

"Ayusin mo nga sagot mo" naaasar kong wika sa kaniya, ang baliw pinanghabaan lang ako ng nguso.

"Gamit mo yan, iniwan mo sa'kin. Sabi mo bigay ko sayo 'pag nagkita ulit tayo" pagkukwento niya habang sapo-sapo ang ulong tinuktukan ko.

Immortal's 9th WifeWhere stories live. Discover now