Chapter 4

17 1 0
                                    

TW: attempted rape, human trafficking

Novi's POV.

'What: Duchess Selection

Who: A lady with different colors of eyes and a white streak in her hair

Where: Dukedom

When: June 15, 2023 (tomorrow)'

Muli akong pumulot ng iba pang papel, ngunit pare-parehas lang ito ng laman. Anunsyo patungkol sa paghahanap ng dukesa.

Hindi ko alam kung pupuntahan ko ba ito, dahil base sa hinahanap nila ay parang inilalarawan ako.

Pero hindi kasi maganda ang naririnig ko sa duke namin. May chismis kasi na kumalat dati na walang swerte ang duke sa asawa. Lahat ng asawa nito ay maagang namamatay. Ni-isa ay walang umabot ng trenta, ilang taon lang din nila ito makitang lumalabas at pagkatapos non ay wala na; mababalitaan na lang na patay na pala ang dukesa. Hula pa ng iba ay ang duke mismo ang pumapatay sa asawa dahil sawa na ito. 

Madalang lang magpakita ang duke, nakikita lang ito ng mga tao kapag pauwi na ito galing ng digmaan. Maski ako ay hindi ko pa ito nakikita. Pero bulong-bulungan na nakakatakot daw ang presensya ng duke. Isang daan lang nito ay tumatayo na ang balahibo ng lahat, karamihan ay nakakalimutan pang huminga dahil sa takot na maagaw nila ang pansin ng duke.

Pati nga akong hindi pa nakikita ang duke ay nangingilabot na. 

Tinapon ko ang mga papel na kinolekta ko. Buo na ang disesyon ko. Gusto ko ng marangyang buhay pero medyo mahal ko pa naman ang buhay ko, kaya hindi, hindi ako haharap don bukas.

Siguro naman ay marami kaming may gan'tong sitwasyon. Doon na lang siya mamili.

Dahil sa kuryosidad ko ay nakalimutan kong nagugutom nga pala ako. Nagwawala na ang alaga ko sa tyan eh, nangangatok na siya.

Lumiko ako sa isang eskinita dahil alam kong ang dulo no'n ay bilihan talaga ng mga kung ano-ano. Madalim at masikip ang eskinitang ito kaya naman kada dadaan ako rito ng dis-oras ng gabi ay lagi akong kinikilabutan. Pakiramdam ko nga ay may nakatingin sa akin ngayon.

Hindi ko na inintindi ang takot dahil nananaig ang kagutuman sa katawan ko. Laking tuwa ang naramdaman ko nang unti-unti ko nang nasisilayan ang liwanag sa kabilang dulo. Naririnig ko na rin ang mga ingay ng nagtitinda.

Pero kung minamalas ka nga naman may biglang humigit sa'kin at alam ko na ang kasunod nito. Delubyo.

Ang kaninang kamay na nakahawak sa akin sa braso ay mabilis na nilipat sa bibig ko nang mahigit ako nito papalapit sa kaniya. Napapikit ako nang mariin dahil sa sobrang higpit ng pagkakatakip niya sa bibig ko.

Pinilit kong manglaban at pumiglas ngunit hindi ito gumana. Masyadong malakas at malaki ang katawan ng demonyong 'to, dagdag pa na sadyang mahina ako ngayon dahil pagod sa trabaho at gutom. Kaya ang huling pag-asa ko na lang ay ang kagatin siya na agad ko rin naman pinagsisihan.

Lumuwag ang pagkakakapit niya sakin dahil sa ininda niyang sakit kaya naman agad akong nakawala rito. Agad akong humarap sa kanya at tinandyakan ang bola-bola niya. Gaya ng inaasahan ko ay  napahiga at namilipit siya sa sakit.

Dinuraan ko ang lalaking nakahilata sa lapag at pinunasan ang aking labi. "Tanginang daliri yan. Sinawsaw mo ba yan sa lupang may asin? Ang alat na mabuhangin ang puta" mapanglait kong sambit at dumura pa ulit ng ilang beses. Maalat kasi talaga.

Tuluyan na sana akong tatakas nang paglingon ko sa likod ay may isa pang demonyo ang pumigil sakin. "Babae na lang yan Bernie, di mo pa maisahan? Mahina" natatawang sambit nito habang kala mo'y ahas na dumidila, tinitignan ako nang may pagnamasa mula ulo hanggang paa.

Immortal's 9th WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon