Chapter 21

13 0 0
                                    

Novi's POV.

Kinaumagahan paggising ko ay nasa ganoon pa rin akong posisyon. Nakabaluktot at yakap-yakap ang maliit na teddy bear. Mga nakakalat na larawan at papel ay naroon pa rin sa kama ko.

Ang sakit ng ulo at lalamunan ay nandito pa rin. Pati ang mga nakalimutang alaala ay nandito na rin.

Ako si Novianna pero ako rin si Lirica, the one and only wife of Duke Eldevione.

Napangiti akong saglit dahil sa gaan ng pakiramdam ko. Inayos ko ang mga nakakalat na gamit at tinago ito sa kung saan.

Naligo ako saglit at nag-ayos. Lalayas muna ako sa bahay bibili ako ng ibibigay sa asawa ko.

Masyado ko siyang nasaktan, masyado kong nabaliwala at naiwan nang matagal na panahon. Madamdamin pa naman 'yon.

Pagkalabas ko ng kwarto ay parang nakakita ng multo ang mga tao roon. Sino ba naman kasing hindi, ilang araw nakakulong sabay makikita mong lumabas at nakagayak.

Hindi ko na sila pinansin at nagmadaling maglakad palabas ng dukado. Bago pa man ako makaapak ng labasan ay napigilan na ako ni Fabian.

"I greet the Duchess of North" bati nito sa akin na tinanguan ko lang. Muli na sanang maglalakad palabas nang magsalita na naman siya.

Babatukan ko na itong si tanda, ayaw bilisan kitang nagmamadali ako eh. 'Pag sinumpong ang misis este mister ko itong si Fabian ang ipapalapa ko roon.

"Sa tingin niyo po sa'kin ngayon ay mukhang may alam na kayo. Hinihintay po kayo ni Duke Eldevione sa kwarto ninyo" magalang na saad nito.

Bahagya ko itong tinanguan. "I know, I know"

"Nasaan pala yung haliparot?" Napakunot ang noo ni Fabian at halatang pilit hinahanap kung sino ang haliparot na tinutukoy ko.

"Ah, umalis na po si Countess Jeisene" tugon nito nang mapagtanto kung sinong tinutukoy ang ko.

"Ah, okay. Labas lang ako saglit"

Hindi ko na inantay pa ang sasabihin niya at pumunta sa banko.

Nag-iipon talaga ako dahil may sinusustentuhan akong lalaki. Ta's yung isa mas magastos pa sa akin.

Matapos kong makuha ang pera ko ay dumaretso ako sa dangwa upang bumili ng singkwentang pulang rosas. Talagang may bilang 'yon dahil may topak si Alzen.

Tanda ko pa yung sinabi niya na kapag mag so-sorry raw ako ay dapat 50 roses ang ibigay ko sa kaniya, 'pag anniversary naman namin ay dapat 100 roses. Ewan ko ano dahilan niya pero ang hula ko ay trip niya lang.

Nang makuha ko na ang bulaklak ay pumunta ako sa cosmetics shop para bumili ng paborito niyang liptint at lipgloss. Naalala ko kasing patago niyang sinisimot yung dati kong regalo sa kaniyang lipgloss. Buti na lang imortal 'yon hindi malalason, isang daang taon na yung lipgloss na 'yon ayaw pa bumili ng bago.

Pinabalot ko ito sa magandang box, sa pink box ko pinalagay kasi favorite niya 'yon.

Dali-dali akong umuwi ng bahay upang simulan nang manuyo ng asawa.

Nang malaman kong nasa kwarto pa rin ito ay dumaretso na ako roon para katukin siya.

Hindi siya sumasagot sa katok ko kaya naman nagsalita na ako. "Mahal, can you please open the door?"

Immortal's 9th WifeМесто, где живут истории. Откройте их для себя