EPISODE 1/2

237 22 4
                                    

QUINN'S POINT OF VIEW

Dahil sa narinig ay nandito ako ngayon, nakakulong sa kwarto kasama si Mush at umiiyak. Dinig ko naman ang mga katok na nanggagaling sa labas, pero ayaw ko itong sagutin.

"Quinn, mag-usap tayo ng maayos. Buksan mo ito!" Dinig kong sigaw ni Holiness. Hindi ko naman siya pinakinggan at tinakpan ko ang tainga ko gamit ang unan.

"N-Nagsinungaling po kayo sakin, Holiness. A-Ang sinabi niyo nung tinanong ko kung nasan ang aking mga magulang ang sinagot niyo ay patay na sila at ginawa niyo silang abo, katapos ay itinapon niyo sa para tangayin ng hangin. P-Pero ngayon, may ama pa pala ako? Ang sakit lang, kay tagal kong nangungulila sa mga magulang ko!" Humahagulgol na sigaw ko. Niyakap naman ako ni Mush at saka pinupunasan ang mga luha ko. Dinig ko namang huminga ng malalim si Holiness.

"Sige pababayaan muna kitang mag-isa riyan. Basta huwag mong pabayaang humina ang pananalig mo sa ating diyos. Hinhintayin kita bukas sa Prying room," Sabi niya. Dinig ko naman ang mga hakbang niya na unti-unting nawala. Kaya tumayo ako at iniharap sakin si Mush.

"Ikaw, si Calin, at si Arod na lang talaga ang pagkakatiwalaan ko," Sabi ko. Nginitian niya naman ako at niyakap ulit sa mukha.

"Mush! Mush! Mush!" Sigaw ni Mush. Bigla namang may malakas na kalabog sa may cabinet ko ang nagpagulat samin ni Mush. Kaya unti-unti naman ay lumapit kami ni Mush para buksan ang cabinet ko. Mas kumalabog naman ito ng malakas. Kaya medyo napaatras kami. Nagkatitigan kami ni Mush at sabay tumango. Agad ko namang binuksan ang cabinet ko at nakita ko ang kulay black na payong na ibinigay daw kay Holy Father Callon ng aking ama bago daw ito mamatay at ipinabinigay sakin. And turns out, hindi pa patay ang tatay ko. Bigla namang bumukas ang payong at may lumitaw na hologram ng isang lalaki mula rito. Medyo bata-bata pa siya na mga nasa thirty's, may kulay puti na buhok, may matipunong katawan, at kamukhang-kamukha ko siya.

"Hello anak, ako ito ang iyong ama, Lucio Kreim Amelghourd. Siguro kung makikita mo ito at hindi pa tayo magkasama ay nasa hustong edad kana ngayon, habang ako ay nasa Solaria Mystery Land parin. Pero, kahit anong mangyari ay tatandaan mong mahal na mahal kita, iyon lang. Paalam!" Sabi niya at saka naman naglaho ang hologram. Napaiyak naman ako dahil doon at nabuo sa loob ko ang isang kagustuhan, at iyon ay ang makita ko muli ang aking ama.

"Susundan kita diyan, tay." Sabi ko at saka kinuha ang payong, nagpunas ng luha, binuhat si Mush, at binuksan ang pinto. Lumakad ako papunta sa Praying Room at kumatok. Binuksan naman ito ni Sister Feline.

"Your Holiness, nandito po si Quinn," Sabi ni Sister Feline.

"Let him in," Sagot ni Holiness. Kaya binuksan ni Sister Tessy ang pinto ng maluwag at pumasok ako. Nagulat naman ako na bukod kay Holiness ay nandito rin pala ang Order of Cathedral na binubuo ng mga Cardinal, Arch Bishops, at Priest. Nakatalikod ngayon si Holy Father Callon at nananalangin, habang ang mga Order of Cathedral naman ay nakatingin ng masama sakin na gaya ng dati pa nila ginagawa kapag nakikita ako.

"Holiness, I just want to ask permission about something," Panimula ko. Tumango naman si Holiness.

"Spit it out." Sabi niya at saka tumayo at tinanggal ang kanyang hood na nagpakita sa kanyang hugis-itlog na mukha na napakabatang tignan kahit na ang edad niya ay one-hundred-thirthy-six na, may mahabang puting buhok, at matulis na tenga rin ito, dahil isa siyang Elf.  Mayroon din siyang hugis nubian na ilong, at manipis na labi. Maputi ang balat niya. Tinaaas naman nito ang kaliwang siko niya at dumapo ang isang may kalakihang purong puting kwago na may matang ka-kulay ng kristal na nakakabit sa mukha ni Holiness. Bulag si Holiness kaya ang itaas na bahagi ng kanyang mukha ay natatakpan ng isang maskara na may malaking kulay asul na kristal na konektado sa kanyang sariling laman at mga ugat, kaya may parehong kulay ng kristal na nakakabit kay Holiness ang mga mata ni Troy, dahil kapag dumapo siya kay Holiness ay nagkakaroon ng temporaryong paningin si Holiness.

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Where stories live. Discover now