EPISODE 2/4

145 11 0
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

Nasibat na nga ng Centaur ang tatlong nilalang na nahanap niya. Kaya nawalan na agad ng buhay ang tatlo.

"Limbo Baby, kainin mo ang tatlong ito!" Utos niya sakanyang Adjunctus at ibinato ang tatlo sa ere at sununggaban naman nito ng Adjunctus niya.

"Salamat mommy." Sabi ng Adjunctus habang nginunguya ang laman at mga buto ng tatlo.

"Tara na at kailangan pa nating makarating sa ikatlong palapag agad." Sabi naman ng Centaur at nagpati-unang naglakad.

"Yes, Ate B—" Hindi natuloy ng isa niyang kasama ang pagbanggit sa pangalan niya dahil sa napakasamang tingin ang ipinukol ng leader sakanya.

"Huwag na huwag niyong babanggitin ang pangalan ko habang narito tayo sa loob ng Labyrinth!" Galit na sigaw nito. Kaya naman nanginginig na tumango naman ang dalawa.

"Ikaw kase," Sabi ng isa pa nilang kasama sabay siko sa muntik makapagsabi sa pangalan ng leader nila. Lumakad na nga sila hanggang sa makalayo sa lugar...

"Haist, buti naman at nakalayo na sila." Sabi ni Quin na nakahinga ng maluwag.

"Buti kamo at may nagtatago din pa lang isang grupo sa may lilim malapit satin," Sabi ni Calin. Nag-tango-tango naman sila Arod at Quinn.

"Pero kawawa naman sila at napatay sila," Malungkot na sabi ni Quinn. Napabuga naman ng hangin si Calin at hinagod ang likuran ni Quinn.

"Nalulungkot ako sa nangyari sakanila, pero nagpapasalamat din akong hindi tayo ang nakita ng isang yon. Habang naka-steady siya kanina ay inanalyze ko ang level niya gamit ang Ring of League ko at nakitang Master-Sumus na siya," Sabi ni Arod. Napatingin naman sakanya si Quinn na mukhang nabibilib.

"Woah! Ngayon ko lang nalaman na pwede mo rin pa lang malaman ang level ng isang Master ng Adjunctus kapag itinutok mo ito sakanya?" Tanong ni Quinn. Natawa naman si Arod at ginulo ang buhok nito.

"Ang cute mo talaga kapag gumaganyan ka, Quinn." Sabi nito sabay pisil sa pisngi ni Quinn. Natulak naman ng kaunti ni Quinn si Arod dahil sa nakaramdam siya ng spark dito.

"S-Sorry," Nahihiyang sabi ni Quinn. Kaya nginitian siya ulit ni Arod at ginulo ang buhok. Palihim namang tumitingin ng masama si Calin sakanila.

"Quinn, bakit nga pala may dala-dala kang payong?" Tanong naman ni Calin para mabasag ang pag-uusap nila Quinn at Arod. Kaya kinuha naman ni Quinn ang nakasabit niyang payong sa kanyang likuran.

"Bigay daw ng tatay ko sabi ng Holiness bago daw sila namatay nila mama. Pero, it turns out na buhay pa pala ang tatay ko at nasa Solaria Mystery Land siya ngayon," Sagot niya. Tumango-tango naman sila.

"Kung ganon ay hindi simpleng summoner ang tatay mo, Quinn. Kase alam mo naman siguro ang mga kailangan para mahanap ang Solaria di ba? Ano kayang League ang tatay mo, anong level na kaya siya, at anong level na ang mga Adjunctuses niya ano?" Tuloy-tuloy na tanong ni Arod sakanya. Binigyan naman siya ng mapait na ngiti ni Quinn.

"Iyan din ang gusto kong malalman kaya gusto ko rin siyang makita at mayakap," Sagot naman ni Quinn. Tumayo naman si Calin at inoffer ang kanyang kamay.

"Edi kung ganon, tara na at magmadali na tayong makalabas dito," Sabi naman ni Calin. Napatawa naman si Quin at inabot ang kamay niya, sinuportahan naman siya ni Calin sa pagtayo.

"Salamat," Sabi ni Quinn. Isinabit niya naman sa likuran niya ang payong.

"Hoy tulungan mo rin akong tumayo," Sabi ni Arod. Tinaasan naman siya ng middle finger ni Calin.

"Kapag patay kana sige doon kita tutulungan tumayo," Sabi ni Calin. Inis na tumayo nasan si Arod at nangagalaiting sumugod kay Calin. Inawat naman sila ni Quinn.

"Hep, hep, hep. Tama na muna ang awayan na yan. Maghunos dili muna kayo at may mga floors pa tayong kailangang puntahan," Sabi ni Quinn. Kaya lumayo naman ang dalawa sa isa't isa at nagtuloy na sa paglalakad sa mga likod ng bato para siguraduhin ang kanilang kaligtasan...

...

QUINN'S POINT OF VIEW

"Wait, may mga Adjunctus na pumapatay ng mga co-players natin." Sabi ni Calin na nagpatigil samin sa paglalakad. Sumilip naman ako ng kaunti at nakita ang karumaldumal na nangyari sa mga co-players namin dahil sa nakatasak ngayon ang malaking karayom na nakakonekta sa higanting kulay yellow na bubuyog, at kasalukuyang sinisipsip nila ngayon ang dugo ng mga co-players namin. Natutuyo naman sila na para bang pinigang basahan sila ngayon. Pero may isang magandang babae na may pointed ding tainga pero kulay violet ang balat; isang Drow ang nakatayo sa harapan ng mga higanteng bubuyog at sinusugod siya ngayon.

"Uy, tulungan natin siya," Sabi ko kay Calin. Umiling-iling naman si Calin, pero lumabas si Arod at tumalon papunta sa babae. Binuhat niya ito at tumalon para iwasan ang pag-atake ng bubuyog. Tumakbo naman kami papunta kay Arod nang maka-landing na ito sa may batong malapit samin.

"Wala ka ba sa katinuan, Rod?!" Galit na sigaw ni  Calin. Hindi naman siya pinansin ni Rod at tumingin lang sa babae.

"Ayos ka lang ba, miss?" Tanong ni Arod. Tumango naman ang babae, kaya binaba siya ni Arod. Linapitan ko naman ang babae.

"Hello, ayos ka lang ba? May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong ko. Umiling naman ito at binigyan ako ng malapad na ngiti.

"Ayos naman ako, salamat," Sagot nito.

"Sino ka at bakit mag-isa ka lang dito?" Tanong ni Calin. Kaya napunta sakanya ang tingin ng babae.

"Ako si Invera Houte, isa akong Pesterborde, napatay ng mga Blood Bee ang mga kasama ko at balak ko sanang i-tame ang Queen Blood Bee para mapasaakin din ang mga Worker Blood Bee niya at magamit papunta doon, sa door ng Third Floor." Sabi ni Invera habang nakaturo sa pinaka-ceiling ng floor at mula doon ay kita nga ang kulay black na pinto na may nakapintang number three.

"Gusto mo bang maging ka-grupo ka namin at bilang pang-welcome ay tutulungan ka naming matalo ang mga Blood Bees," Sabi naman ni Arod. Nabigla naman kami ni Calin dahil doon.

"Ah? Bakit parang ambilis mo namang magtiwala, Rod?" Inis na tanong ni Calin. Nginisian naman siya nito, tumayo, at hinigit kaming dalawa ni Calin gamit ang mga braso niya.

"Ewan ko ba pero parang na-aattract ako sa ganda niya, isa pa mukha siyang mabait," Sabi ni Arod. Bigla namang kumirot ang puso ko nang marinig ko iyon. Gusto ko siyang pigilan, magalit, at sigawan siya, pero mas pinili ko na lang ang manahimik dahil anong karapatan ko na gawin iyon? Kaibigan ko lang siya.

"Sure, sige lang. Makatutulong din ang isang Pesterborde satin, payag na ako. Ikaw ba Quinn?" Tanong sakin ni Calin. Kaya binigyan ko sila ng pekeng ngiti at bumuga ng hangin.

"Y-Yup, okay lang sakin. Sige tara kausapin na natin siya," Sagot ko naman. Kaya lumapit naman kami kay Invera, inilahad ko naman ang kamay ko sakanya at inabot niya rin naman.

"You're now part of our team, Invera," Sabi ko...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Where stories live. Discover now