EPISODE 3/1

144 17 0
                                    

THE THIRD FLOOR

QUINN'S POINT OF VIEW

"Quinn, pumunta ka sa harap para makita ka ng mga Worker Blood Bees, tapos kapag malapit na sila ay saka naman kami susugod ni Arod. Ikaw naman, Invera, pumwesto ka mamayang ma-distract sila ni Quin sa may batong iyon, talon ka lang makakasakay ka na sa likod ng Queen Blood Bee." Sabi ni Calin. Tumango naman kaming lahat bilang sagot at pumunta na sa sinabing pwesto ni Calin. Pumunta na nga ako sa harapan ng bato na tinataguan namin kanina.

"Hoy! Dito, sisipsipin niyo ang dugo ko!" Sigaw ko. Kaya napatingin sakin ang nasa sampong Worker Blood Bees at bigla na lang  silang sumugod sakin. Nanginginig naman ako sa takot, pero hindi ako umalis sa kinatatayuan ko dahil iyon ang instructions ni Calin.

"Drakra, lava blast!" Sigaw ni Calin at direkta namang tumama ang atake niya sa mga Blood Bees na pasugod sakin. Ngunit kita ko ang isa na naka-iwas at ilang pulgada na lang ang layo ay matatamaan niya na ako. Kaya pinikit ko naman ang mata ko dahil sa takot.

"Julia, beak slash!" Dinig kong sigaw ni Arod. Napamulat ako at nakitang nahati sa dalawa ang blood bees dahil sa atake ng kanyang Adjunctus. Kaya tumingin ako sakanya at binigyan siya ng ngiti ng pasasalamat.

"Done!" Sigaw naman si Invera. Napatingin kami sakanya at nakitang hinugot ang puso ng reyna mula sa likod at kinain ito na pinagtaka ko naman.

"B-Bakit niya kinain ang puso ng Queen Blood Bee?" Takang tanong ko.

"Ganyan mag-tame ng Adjunctus and mga Pesterborde," Sagot naman ni Calin.

"Paano naman niyan natin magagamit ang Queen Blood Bee kung pinatay niya na?" Tanong ko naman. Hindi na ako sinagot ni Calin dahil malapit na samin si Invera.

"Thank you guys sa tulong. Tara pumanhik na tayo sa third floor," Sabi niya. Sabay buka ng bibig niya, nagulat naman ako sa biglang pagkalas ng panga niya at naging kalebel ngayon ng baba niya ang tiyan niya. Para siyang ahas na sumusubo ng mas malaking biktima niya ngayon. Kita ko namang unti-unting lumalabas ang mamasa-masa pang kamukhang-kamukha ng Queen Blood Bee mula sa loob ng bibig niya. Ilang saglit pa ay nakalabas naman ito at pinagpag ang likido na bumabalot sa katawan niya at nag-umpisa ng ipagaspas ang mga pakpak nito. Nang tumingin naman ako kay Invera ay nakita kong bumalik na sa dati ang bibig niya at nagpupunas na ng laway na tumutulo sa bibig niya.

"How's that happened?" Tanong ko na nagpahagikgik naman kay Invera.

"Kaming mga Pesterborde ay may kakayahan i-dislocate ang aming panga para mas mapalaki ang espasyo nito at may natural kaming extra muscle sa pisngi na pweng mag-stretch ng thirty five inches," Sagot naman nito. Nginitian niya kami at saka sumakay sakanyang Adjunctus.

"Tara, sakay na!" Sigaw nito. Tumalon naman si Arod, samantalang kinarga naman ako ni Calin at tumalon na rin. Medyo nasaktan lang ako dahil dati si Arod ang gumagawa nito, ngayon parang wala na siyang pakialam. Nakasakay na nga kami sa Queen Blood Bee at palipad na sa pinto.

"Calin, paano na-summon ni Invera ito?" Tanong ko.

"Ang mga Pesterborde ay may kakayahang gumawa ng itlog ng gusto nilamg i-tame sa loob ng tiyan nila, ngunit kailangan munang kainin nila ang puso ng mga tinatame nila," Sagot naman ni Calin. Nag-tango-tango naman ako at medyo napangiwi dahil sa medyo gruesome ang way ng pag-tatame ng mga Pesterborde.

"Pero ang galing nila ah, isipin mong parang may sariling bahay ang mga Adjunctus nila sa loob ng katawan nila," Sabi ko naman.

"Medyo nahihirapan din sila dahil sa nangangailangan sila ng napakalaking amount ng Magmus para lang mapalabas nila ang kanilang Adjunctus. Kase itlog pa talaga ang mga ito sa tiyan at habang palabas sila mula sa tiyan hanggang mapunta sa bibig ay sumisipsip sila ng Magmus mula sa katawan ng Master nila," Sagot naman ni Calin. Mukhang narinig naman kami ni Invera at nakangiting lumingon samin.

"Totoo yun, isa pa maralas ay pinandidirihan kami dahil sa way namin paano i-tame ang aming mga Adjunctus at dahil din sa itsura ng loob ng tiyan namin," Sabi rin naman niya. Napa-simangot naman ako dahil doon.

"Ah, sa ganda kong iyan? I beg to disagree," Sabat namannni Arod. Napatawa naman ng mahina si Invera at himpas ng mahina ang dibdib ni Arod na nagpatawa dito. Nag-rolyo naman ako ng mata dahil doon.

"Sorry to hear that. Pero ano ba ang itsura ng loob ng tiyan mo?" Tanong ko.

"Nakakita ka na ba ng hive ng bees?" Tanong niya. Kaya napatango ako bilang sagot, "Ganon ang itsura ng loob ng tiyan ko at imaginin mo na napakarami nitong itlog na nakalagay sa bawat butas ng hive. Kaya Hive din ang tawag sa loob ng tiyan namin dahil doon." Sabi niya pa na nakapagpangiwi sakin. Nakita ko naman siyang humagikgik.

"Pasensya na, hindi ko sadyang maging ganon ang reaksyon ko," Pagpapasensya ko. Umiling-iling naman siya.

"It's okay, sanay na ako." Sabi niya habang tumatawa-tawa pa.

"Nandito na tayo, ilapit mo akong kaunti sa may pinto, Invera," Utos ni Arod. Sinunod naman siya ni Inverta.

"Queen, mag-side kang kaunti," Utos nito. Kaya naman nag-side ang Adjunctus at doon naman inabot ni Arod ang pinto at binukas ito.

"Tara, pasok na!" Excited na sigaw ni Arod na nagpalapad naman ng ngiti naming lahat.

"Queen, pasok na," Utos ulit ni Invera sa Adjunctus. Kaya pumasok na ang bubuyog. Para namang may liwanag na sumalubong samin kaya naman napapikit kaming lahat.

"Mga mahal naming manonood, isang himala ang nangyari, nakaligtas sa second floor ang grupo ng Heretical Sane Summoner!" Dinig ko na nagpabukas ng mga mata ko at nakita ang isang malawak na damuhan na may isang araw na nagpapaliwanag dito.

"Nasa ibang dimension ba tayo? At sino ang mga nagsasalita?" Tanong ko. Pero wala ni isa ang sumagot at nakatingin lang din sa paligid.

"Nakarating narin sa ikatlong palapag ang total of twenty three groups out of fifty groups kanina. Welcome sa Third Floor also known as Peaceful Life Floor!" Sigaw ng isang lalaki na hindi ko alam saan nagmumula...

"Mukhang kagaya sa First Floor ay gumagamit parin sila ng Open Speaker Fly at nasa ibang lugar ang mga nagsasalita," Sabi naman ni Invera. Napatingin naman ako sakanya.

"Anong Open Speaker Fly?" Tanong ko naman. Tumuro naman siya sa may kaliwa.

"Tignan mo ang mga maliliit na insektong iyan, mga Open Speaker Fly, Pester type ang mga iyan kung saan kaya nilang maka-receive ng boses sa ibang tao papunta sa ibang lugar kagaya nito at sa tulong din ng pandinig ng masters nila. Kung ano kase naririnig ng master nila ay siya namang nilalabas ng bibig nila at kaparehas na kaparehas pa ang boses o tunog ng naririnig ng master nila," Paliwanag naman niya. Napanganga naman ako dahil sa kakayahan ng mga Open Speaker Fly.

"Maghanada kayo," Sabi ni Arod. Kaya natigil kami sa pag-uusap ni Invera at napatingin sa tinitignan ni Arot at nakita ang nasa pitong grupo na papalapit samin at may ngisi sa labi ang bawat isa sakanila.

"Oh! Tignan niyo mga mahal naming manonood, mukhang magkakaroon tayo ng unang Riot para sa Ruendroy Queendom Mayhem!" Sigaw ng boses ng lalaki.

"F*ck masama ito, magiging center tayo ng Riot na kung saan ang pitong grupo na ito ay sa atin lang ang focus sa laban at pilit tayong papatayin," Sabi ni Calin. Kinabahan naman ako at napayakap na naman sa leeg ko si Mush dahil doon. Kaya pinakalma ko siya.

"May announcement ang Dark Queen! Kapag daw nahanap niyo ang palutang-lutang na kulay gintong pinto ay automatic na dadalhin daw kayo non sa fourtieth floor! At isang grupo lang daw ang may chance para makapasok doon!" Sigaw naman ng isang babae gamit ang mga Open Speaker Fly.

"Kailangan talaga namin kayong patayin, katapos ay ang ibang grupo naman," Sabi ng isang lalaking may kulay green na kaliskis sa katawan na nagpatakot sakin...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Where stories live. Discover now