EPISODE 1/4

198 17 0
                                    

QUINN'S POINT OF VIEW

"Susuko kayo o lalabanan niyo ang mga Adjunctus namin?" Tanong nito. Umatras din naman si Arod papunta samin dahil sa bigla ring

"Ano, Calin? Susugurin na ba natin mga to?" Tanong ni Arod.

"Hindi natin sila kay, Rod. Isa pa walang poprotekta kay Quinn," Sagot ni Calin. Napa-iling naman si Arod at nag-tiim bagang pa ito.

"Sige, ikaw na muna magbantay ulit kay Quinn. Lalabanan ko sila," Sabai ni Arod. Napa-rolyo naman ako ng mata at pinitik ang mga naglalakihang braso nila, dahil sa hindi ko abot ang noo nila.

"Ano ba, parang pinapamukha niyo saking napakahina ko ah. Sige na, iwan niyo ako poprotektahan ako ni Mush," Galit na sabi ko sakanila. Natawa naman sila at ginulo ang buhok ko.

"Sige na nga, pero huwag mong kalilimutan na Sane Summoner ka lang, Quinn. Mag-iingat ka parin ah?" Sabi ni Arod. Binigyan ko naman siya ng malapad na ngiti at tango bilang sagot.

"Roll in, Lornt of Water!" Sigaw ni Calin at itinutok ang salamin sa itaas, may lumabas na kulay blue na magic circle at lumabas mula doon ang isang nilalang na parang tubig na may korteng tao at may hawak itong spear na gawa din sa tubig, "Lornt, I command you to do the Morphine!" Sigaw pa ni Calin. Kaya ibinuka niya ang kanyang bisig, may kulay green na magic circle ang lumabas at pumasok doon si Lornt. Umilaw ng kulay blue ang katawan ni Calin at ilanag saglit pa ay lumitaw si Calin na may kulay blue ng armor, may head-gear na gawa sa corals, at spear na gawa sa tubig. Itinutok naman sakin ni Calin ang spear at bigla na lang nabuo ang bilog na tubig sa paligid ko at nginitian ako ni Calin.

"Sugod na!" Sigaw ni Arod. Kaya tumalon sila sa ere.

"Sugurin sila, huwag papatayin, order ang mga yan ng high-payer client natin!" Sigaw naman ng lalaki. Lumitaw naman ang mga kasamahan niya na mas marami pala sa inaasahan namin. Nasa isang daan sila, pero di gaya niya ay may green na cloak na suot ang mga ito.

"Mag-ingat kayo, Calin at Arod!" Sigaw ko. Tinanguan naman nila ako at sinugod na ang mga kalaban, at sinugod din namam sila. May sumugod din sakin, pero dahil sa shield na ginawa ni Calin. Dinig nga ngayon ang kalaksingan ng mga weapon nila Calin at Arod sa mga kuko at pangil ng mga agresibong Adjunctus.

"Bakit parang hindi normal ang lakas nila." Sabi ni Arod na hinaharangan ngayon ang limang Adjunctus na umaatake sakanya. Kaya tinutok ko sa paligid ang Ring of League ko at lumitaw naman ang informations ng mga Adjunctus at nakitamg Infant-grade, Tier 3 lang halos sila at may mangilan-ngilang Tier 9 lang.

"Oo, wala pang Juvenile-grade sakanila, nakakapagtaka," Sabi ko naman. Tumawa naman ang lalaki at tinaas ang isang maliit na bote na may lamang kulay itim na likido. Bigla namang nag-iba ang itsura nila Arod at Calin na para bang nagalit ang dalawa.

"Dahil dito, ang Agrebooster, na kung saan kapag itunurok ito sa isang Adjunctus, lalo na sa mga Infant-grade Adjunctus ay magkakaroon ito ng lakas ng isang Mature-grade Adjunctus," Sabi ng lalaki. Sumigaw naman si Arod at Calin at bigla na lang tumilapon lahat ng nakasugod sakanila.

"Alam mo ba ang side effect niyan sa mga Adjunctus na tinurukan niyo? Katapos ng duration ng booster ay mamatay na lang ang mga Adjunctus na ito dahil sa dinidrain niyo ang sarili nilang Magmus!" Galit na sigaw ni Calin.

"Kaya naman naming humanap ng bagong mga Adjunctus," Kaswal na sagot ng lalaki. Nagalit naman lalo doon sila Arod at Calin. Susugurin sana nila ang lalaki ng bigla na lang ay nabasag ang Water Shield na pumoprotekta sakin. Kaya napatigil sila. Kita ko naman ang sabay-sabay na pagsugod sa akin ng mga agresibong Adjunctus.

"Mush!" Sigaw naman ni Mush at bigla na lang may kulay black magic circle na lumabas sa harapan ko at pumasok mula roon si Mush. Naramdaman ko naman parang may kung ano sa loob ko ang hindi mapakali. Umilaw ng pula ang katawan ko at ilang saglit pa nga nang tignan ko ang balat ko ay may mga spot na ako ng kulay red, at nang kapain ko naman ang ulo ko dahil sa parang mabigat ito ay may nakapa akong hat ng ka-shale ng ulo ni Mush.

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Where stories live. Discover now