EPISODE 9/3

107 12 0
                                    

QUINN'S POINT OF VIEW

"M-Mush nasasaktan ako, please tumigil ka na, hindi kita kayang saktan!" Sigaw ko kay Mush. Nginisian lang ako nito at mas hinigpitan ang pagkasakal.

"I'm not Mush, Quinn. I am you and you are me!" Sigaw nito na nagpagulo sakin.

"M-Mush, t-tama na. M-Mush!" Nahihirapang sagot ko. Bigla namang gumamit ng shadow claws si Mush na nagpa-iyak na sakin. Pumikit naman ako at nginitian siya.

"S-Sige Mush, patayin mo na ako. H-Hindi kita kayang saktan talaga, mas maganda nang ako na lang ang patayin mo kesa ikaw ang mapatay ko." Humihikbing sabi ko habang nakapikit. Bigla namang lumuwag ang pagkakasakal niya na panagtakhan ko.

"M-Master, h-help me!" Sigaw naman bigla ni Mush. Kaya napamulat ako ng mata at nakita si Mush na mukhang hirap na hirap habang nakahawak pa sakanyang ulo.

"Mush!" Sigaw ko at saka siya yinakap ng mahigpit.

"M-Master, please lumayo kana sakin. I-Iwan mo muna ako," Nahihirapang sabi niya.

"Pero—"

"Master! N-Nakiki-usap ako, iwan mo muna ako!" Sigaw ni Mush na pumugil sa sasabihin ko. Kaya naman binitawan ko siya at tumakbo papaalis sa bato. Kita ko namang nilalabanan parin ng mga kasama ko ang mga high na mga Adjunctuses.

"Quinn bakit ka lumabas?!" Tanong ni Calin na pinipigilan ngayon ang dalawang Metallic Lizard sa pagsugod sakanya.

"M-May nangyayaring hindi maganda kya Mish, parang na-cocontrol siya ng iba at gusto akong patayin," Umiiyak na sabi ko. Buong lakas namang itinulak ni Calin ang dalawang kalaban niya at saka tumalon papunta sakin.

"Ah? Paanong na-ccontrol si Mush ng iba?" Naguguluhang tanong niya.

"H-Hindi ko rin alam, natatakot ako, Cal. Natatakot ako hindi sa kayang gawin ng kumukontrol ka Mush, pero baka mawala sakin si Mush at maagaw ng kumukontrol sakanya," Humihikbing sabi ko.

Yinakap naman ako ni Calin at hinagod-hagod ang aking likuran.

"Malalaglasan din ni Mush ito, ngayon ay kumapit ka ng mahigpit sa likuran ko." Sabi niya at pagkatapos ay binuhat niya ako at inilagay sa likod niya. Napayakap naman ako sa leeg niya.

"H-Hindi ba ako mabigat?" Tanong ko. Humagikgik naman ito.

"Ang gaan mo lang kaya, hawak kang mahigpit ah. Lalabanan ko pa ang mga ito para makalabas ma tayo agad!" Sigaw ni Calin at saka na sumigod sa mga Adjunctuses na kalaban niya kanina.

Tumalon si Arod at isinaksak ng buong lakas sa ulo ng isa sa mga Metallic Lizard ang kanyang espada. Pagtapos ay tumalin din doon sa isa at sinaksak naman ang Metallic Lizard sa mata na nagpasigaw dito sa sakit at sinaksak din ni Arod ito sa uluhan na nagpabagsak dito. May narinig naman kaming napakalakas na growl ma umagaw ng pansin naming lahat. Kita naman ang naging takot sa nga Adjunctuses. Sunod na mangyari ay bigla na lang kumalat ang itim na usok at ang nga nadadaanan nitong mga Adjunctuses ay nagsisitunba.

"Tumalon kayong lahat, delikado ang usok!" Sigaw ni Invera. Kaya naman nagsitalon kami. Ibinuka naman ni Invera ang kanyang bibig at may lumabas na napakalaking gagamba na purong itim, "Night Spider, Web binder!" Sigaw ni Invera habang nakaturo sa taas. Gumawa naman ng kulay itim na sapot sa taas ang gagamba.

"Kumapit tayo sa sapot, Calin!" Sigaw ni Arod. Kaya naman tumalon ng mas mataas si Calin para makatakas sa usok.

"A-Ano ito? B-Bakit napapatay nito ang mga enhanced Adjunctuses?" Nauutal na tanong ni Calin. Dumuro naman sa malayo si Invera. May nakita naman kaming pares ng pulang mata.

"Ayun ang Night Mighty Dragon. Kalahi ng isa sa mga kinakatakutang Adjunctuses ng reyna, pero paano siya napunta rito? At paano na niyan tayo? Paniguradong na-enhance din ng natural drugs na narito ang delikadong Shader na ito," Lintaya ni Invera. Napalunok naman kaming lahat dahil doon.

"Mukhang makakaharap na ng ating Malevolent Phoenix ang pinaka-delikadong Adjustus na pagala-gala dito sa loob ng Treacherous Labyrinth, ang Night Mighty Dragon, Shader, Grey-Grade, Tier 74!" Sigaw ni Prince Grety.

Napatingin naman ako sa ibaba at nakita ang batong pinagtaguan ko kanina at naalala ko bigla si Mush na naiwan doon.

"F*ck! Si Mush, kunin niyo si Mush!" Matatakot na sigaw ko. Pero kita ko nang napunta narin ang usok sa batong pinagtaguan namin kanina na nagpatulala sakin...

...

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"Hindi niyo pwedeng patayin si Quinn!" Sigaw naman ni Sister Feline na pumuslit at ginamit ang invisibility scroll spell para makasama ng palihim kari Holiness.

"Who's this Callon?!" Galit na tanong ni Commander Hesue. Bumalin naman si Holy Father sa madre.

"I can't believe that you allowed them to kill Quinn!" Galit na sigaw ni Sister Feline kay Holiness. Pagkatapos ay tinalunan niya ang nakalutang na si Clarine na dahilan para ma-distract siya.

"S-Sino otong babaeng ito?" Tanong ni Clarine habang nakahawak sa ulo niya.

"Ako lang naman ang nagpalaki kari Quinn at hindi ako papayag na saktan mo nag isa sakanila!" Sigaw ni Sister Feline at saka niya kinuha sa bulsa niya ang nullifying scroll at saka ito idinikit kay Clarine na naging dahilan para mag-disable ang Morphine nila ni Lilith.

"Pigilan niyo siya!" Sigaw ni Commander Hesue. Kaya tinapik ni Klonopin si Holiness.

"Tara, pigilan natin ang madre mo!" Sarkastikong sigaw ni Klonopin sa Holiness. Tinanguan naman ang Holiness at sakanila dinampot si Sister Feline.

"Bitawam niyo ako! Bitawan niyo ako!" Sigaw ng madre. Kinaladkad namam siya palabas nila Holiness. Nang makalabas na sila Optimum Assembly Hall ay dinuro naman ni Klonopin ang Holiness.

"Kausaoin mo iyang madre mo o mapipilitan akong i-suggest sa mga kasapi ng organisasyon ang pagbitay diyan!" Galit na sigaw ni Klonopin. Tinanguan naman siya ng Holiness. Kaya bumaling na ang Holiness kay Sister Feline na masama parin ang tingin sa Holiness.

"What is happening to you? Wala lang ba si Quinm sayo, Holy Father Callon? Bakit mo sila pinayagan na patayin siya?!" Galit na tanong ni Sister Feline. Hindi naman sumagot ang Holiness. Kaya bumuga na lang ng hangin ang madre at papasok pa sana ang madre nang higitin ang kamay niya ng Holy Father at isandal siya sa pader. Pagkatapos ay sinuntok nang Holiness ang pader ng ubod ng lakas na nagpatakot sa madre.

"Feline! You're my dear half sister, and I don't want to put you at risk. If I don't follow their orders, we won't have a companion in the upcoming war between Amelgieri, Holy Cathedral, and Ruendroy Queendom!" Galit na sigaw nang Holiness na nagpagulat kay Sister Feline.

"H-How did you know that, Bro- I mean Your Holiness?" Tanong ni Sister Feline.

"Yesterday, I came to Mother Nature's Shrine to visit my dear friend, Baleno. But he said I was no longer welcome in the territory, as he had already created a deal of unification between him and Ruendroy Queendom. So, I left, but before I left, he said Ginevra was planning to go to war with us. I can't sacrifice many lives for Quinn's, who is destined to ruin the whole universe." Sagot naman nang Holiness na lalong nagpabigla kay Sister Feline...

...

Don't forget to vote, comment, and share my story (These three things matter for the growth of my story and of myself personally.)°

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin