EPISODE 6/2

125 17 4
                                    

QUINN'S POINT OF VIEW

Nakita kong nilunok ng isa sa mga ulo ng bulate si Arod na nagpakaba sakin.

"Woah! Mukhang mababawasan na ang kupunan ng ating Malevolent Phoenix!" Sigaw ng prinsepe na nagpabahala sakin lalo. Kaya tumingin ako kay Calin.

"Tulungan natin siya!" Sigaw ko. Pero hindi kumikibo si Calin. Kaya hinila ko siya. Pero dahil sa bigat niya ay hindi ko magawa.

"But wait sister! Look at the team of the mysterious Centaur, nakikilaban sila ngayon sa Sphinx ng bugtungan. Lumipat muna tayo roon dahil ito ang inaabangan ng lahat!" Sigaw naman ng Prinsepe.

"Invera, tara, ikaw na lang tumulong sakin," Sabi ko. Pero umiling siya.

"No, we can't," Sagot naman ni Invera. Kaya napatingin ako sakanya.

"Anong, no we can't, mamatay si Arod! Kita mo ba iyong mga pangil ng Adjunctus na iyon, uh?! Ginagamit mo lang ba si Arod para sa sexual needs mo at wala ka ng pakialam sakanya after ka niyang mapasaya, bakit ka ganyan?!" Galit na sigaw ko sakanya. Tumingin naman siya ng seryoso sakin at sinampal ako na naging dahilan naman para lumapit si Calin.

"You don't know how much I love Arod. You don't have any rights to question my feelings for him, Quinn. I'm just respecting his wish to not to meddle with his battle against the killer of his brother. So, if you can't respect that, go on, meddle with them!" Galit na sigaw sakin ni Invera. Napatulala naman ako dahil doon at napaluhod. Sunod naman ang pagbagsak ng luha ko. Naramdaman ko namang hinagod ni Calin ang ulo ko para kumalma.

"I'm not done yet!" Dinig kong sigaw ni Arod kasabay non ang pagsabog ng ulo ng higanteng bulate. Tumigil naman ako sa pag-iyak at napatayo nang makita si Arod na buhay.

"H-How?" Nauutal na tanong ni Thana habang takot na takot na nakatingin kay Arod.

"Simple, natutunaw ng Phoenix Fire na isa nang Mature-Grade, Tier 23 ang mga ngipin ng Adjunctus mo," Sabi ni Arod. At saka naman into pinatama ang mga kutsilyo niya sa katawan higanteng bulate ng ilang ulit na nagdahilan sa sunod-sunod na pagsabog sa iba't ibang parte ng katawan ng Adjunctus na nagpatumba dito. Katapos ay binalutan ni Arod ng berdeng apoy ang putol na braso niya para tumigil sa pagdurugo.

"My baby!" Sigaw naman ni Thana habang umiiyak na nakatingin sa Adjunctus. Nginisian naman siya ni Arod at sumugod sakanya. Kinontrol naman ni Thana ang mga natira niyang undead para protektahan ang sarili niya. Ngunit, sa bawat pagtama ng maliit na punyal ni Arod ay sumasabog lang ang mga ito.

"Go Arod! Kaya mo yan!" Sigaw ko naman. Tumingin naman ito sakin at kumindat. Kaya tumingin ako sa gilid ko para kumpirmahin kung ako nga, pero nakita kong kumakaway din si Vera. Kaya naman nawala ang ngiti ko. Naramdaman ko naman ang pagtapik ni Calin sa balikat ko.

"May nararamdaman ka parin sakanya, Quinn?" Tanong ni Calin. Sasagutin ko sana siya nang may mas malakas na pagsabog akong narinig. Kaya napatingin ako sa gawi ni Arod at nakitang nakasaksak lang ang kutsilyo niya sa tiyan ni Thana at hindi binunot ito. Kaya tuloy-tuloy ang pagsabog na nangyayari sa katawan ni Thana ngayon na dahilan para hindi na marinig ang pagsigaw niya.

"Sige, damhin mo ang sakit! Iyan ang kabayaran mo sa pagpatay sa kuya ko!" Sigaw ni Arod at saka niya binunot ang ang kutsilyo na naging dahilan naman para mahati sa dalawa si Thana. Pero matibay ang babae dahil nakatayo parin ito gamit ang kanyang dalawang kamay kahit wala na ang kalahating katawan niya.

"H-Hindi pa ito ang katapusan ko!" Nauutal na sigaw ni Thana.

"Mamatay ka na!" Sigaw naman ni Arod at ibinato ang kanyang Chained-knife kay Thana. Pero nagulat kami nang itaas ni Thana ang kanyang Conjole.

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Where stories live. Discover now