EPISODE 6/3

133 12 3
                                    

THIRD PERSON'S POINT OF VIEW

"By the power of God that has been bestowed on me, you are going to be under investigation until the claim will be proven." Paghahatol ng Holiness kay Cardinal Alkaldre sa Court of Cathedral — ang room na ito ay nasa west side sa labas ng Cathedral na tanging ang Order of Cathedral lang ang nakakapasok.

"D*amn it!" Bulong ng Cardinal. Pinosasan naman siya ng mga Holy Knights at inilabas na sa Court of Cathedral.

"Holy Father Callon, sino naman ang sources niyo na nagsabing nagsusugal si Cardinal Alkaldre sa kareynahan ng mga makasalanang Drows?" Tanong ni Cardinal Aprotski. Bumaba naman sa kinauupuan niya ang Holiness.

"Isang pribadong tao iyon, at hindi ko muna siya ipapaalam hangga't hindi pa nagsasalita ang mga Priests na nadakip sa may Ruendroy Queendom," Sagot naman ni Holy Father Callon. Naglakad naman na ito palabas at sinalubong namam siya ni Sister Feline. Lumapit na nga ito sa Holy Father at binulungan ito.

"Your Holiness, bakit po pala hindi niyo sinabi tayo mismo ang nakakita sa Cardinal at nakadakip sa mga Priests na kasama niya?" Tanong ni Sister Feline.

"Dahil, pati tayo ay ma-uunder custodial investigation. Alam mong maraming naghahangad na matanggal ako sa pwesto para sila ang pumalit, kaya kapag mangyaring madawit tayo sa issue na tulad nito ay easy na lang para sakanila na magbayad ng kung sino para tumistigo sa mga habing karagdagang impormasyon ng pagpunta natin doon," Sagot naman ng Holiness. Nag-tango-tango naman si Sister Feline dahil doon.

"Oo nga, mismong mga Cardinal na kasama niyo ay naghahangad sa pwesto niyo at gusto kayong mamatay o mapababa. Mainipin pa naman sila, at bilang pinakabatang Holy Father at pinakamalakas na Lightbound Devotee sa Elderian Fatherland ay sobra na ang pagka-inip nila sayo, Your Holiness," Sabi naman ni Sister Feline. Kaya napatigil si Holiness at tumingin sakanya.

"Sister Feline, may gusto sana akong silipin, pwede mo ba akong samahan?" Tanong ng Holiness kay Sister Feline. Tango lang naman ang sinagot ng madre. Nagpati-una na mga ang Holiness sa paglalakad papasok ng Cathedral habang nakasunod naman sakanya si Sister Feline. Ilang saglit pa ng paglalakad nila ay napunta na sila sa harapang napakalaking pinto ng Holy Chamber — ang room na tanging ang Holy Father at ang may permiso lamang niya ang maaaring pumasok.

"Holy Father, bakit tayo narito sa Holy Chamber?" Tanong ni Sister Feline. Hindi naman siya sinagot nito at lumakad naman papunta sa may hugis cross na lock si Holiness at hinawakan ito.

"Ég er heilagleikinn, ég býð þér að opna þig eins og ég sagði!" Sigaw ng Holiness. Bigla ay naputol sa dalawa ang lock at nabuksan ng kaunti ang pinto na naglabas naman ng itim na Magmus essence.

"Y-Your Holiness, what is this sinisterly essence?" Nauutal na tanong ni Sister Feline. Humarap naman sakanya si Holiness at inalok ang kamay niya.

"Are you ready to know the Cathedral's deepest secret?" Tanong ni Holiness. Umiling-iling naman si Sister Feline.

"Pero, hindi po ako karapat-dapat sa prebilehiyong ito," Sagot naman ni Sister Feline. Umiling-iling naman ang Holy Father.

"No, you are worth it, Sister Feline. Let's go inside now," Sabi ni Holy Father Callon. Kaya inabot na ng madre ang kamay ng pari at sabay silang pumasok. Nagsara naman ang pinto at biglang bumukas ang mga ilaw sa loob. Doon ay nakita ng madre ang napakalaking hawla na may kulay itim na triangular-shaped na diamond ang nasa loob nito at nababalutan ng mga sealing scriptures ang paligid ng hawla.

"A-Ano ito, Your Holiness?" Takang tanong ng madre.

"Ito ang kulungan ng Adjunctus na muntik sumira sa buong Elderian Father Land, at ang gumawa ng pinsala sa mukha ko," Sabi ni Holy Father Callon. At bigla naman ay may itim na apoy ang lumabas mula sa diamond at unti-unting nabuo ang pigura ng isang napakalaking ibon. Nang tuluyang mabuo ito ay nakita ng madre ang isang napakaliking ipon na may dalawang sungay, pulang mga mata, white diamond na tuka at kuko, ang katawan at pakpak nito ay gawa sa kulay itim na apoy, at naglalabas ng usok na nagiging dark magmus essence ang katawan nito. Napahawak naman sa bibig niya si Sister Feline dahil sa gulat.

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon