EPISODE 2/1

181 21 0
                                    

—MAYHEM IN THE LABYRINTH—

QUINN'S POINT OF VIEW

Nagising ako sa pagdampi ng napakalamig na tubig saking balat, at sa pagbukas ng mga mata ko ay nakita ko ang mga nakapaligid saking mga elves. Hindi, hindi sila Elves, mukha silang Elves, pero may violet silang balat.

"Drow, Dark Elves," Nasabi ko na lang.

"Tayo!" Sigaw ng isa sakanila at itinayo ako, pagkatapos ay ibinato kari Calin at Arod. Nasalo naman nila ako. Kita ko namang may nabuong barrier sa harapan namin.

"Nasaan tayo, Arod, Calin?" Tanong ko sakanila.

"Nasa Treacherous Labyrinth kayo at kasama kayo ngayon sa Annual Mayhem ng mga Drow," Sabi ng bumalibag sakin. Nagdikit naman ang mga kilay nila Calin at Arod.

"Labyrinth ito, hindi ito ang Mayhem Stage para sa labanan!" Sigaw ni Calin. Bigla namang may boses na nag-echo sa buong paligid.

"Bad evening everyone, My name is Prince Loroi, Prince of Ruendroy Queendom! I hope you feel down right now as all of you are forced to join this Annual Mayhem to celebrate the Foundation Day of Ruendroy Queendom and for the Birthday of our Queen, Dark Queen Ginevra Kiera Silhouette! This is not an ordinary Mayhem as the event held here, to the most dangerous Labyrinth in the whole Elderian Fatherland! Also, you will get bonus benefits here, like you can capture Adjunctuses ranging from Mature-grade to Grey-grade. Though it is not easy to capture them as you may die!" Sigaw ni Prince Loroi at saka tumawa ng malakas. May narinig naman kaming parang may kumalampag na nagpawala sa tawa ng prinsepe.

"Sorry for the laughs of my brother, good evening, my name is Princess Olivary," Magalang na sabi ng isang boses pa na nagpakilalang si Princess Olivary, "So to continue the introduction. This is the Annual Mayhem of Ruendroy Queendom, where, if you manage to go the 100th floor and find the exit, you will get rewards like the emblem of Ruendroy Queendom, one million Dorum Cres, a Hoary-grade Adjunctus, and marry one of my eighty-nine siblings if you want." Sabi ng prinsesa at tumikham. Pero nakatulala parin ako sa sinabi niyang eighty-nine silang magkakapatid.

"Yoh, your mama has the most active sex hormones." Sabi ni Arod habang tumatawa-tawa pa.

"And to complete the introduction, there are a total of fifty forced and not forced players inside this Labyrinth, which we scattered around the first floor. So, to make this Mayhem more exciting, you can kill your co-players and rob them, there're neither rules nor regulations, just be sure to survive and be the winner. That's all, let the Ruendroy Queendom Mayhem begin!" Sigaw ng prinsesa. Bigla namang lumapit sakin ang dalawa.

"Kahit anong mangyari huwag kayong humiwalay sakin," Sabi ni Calin. Tinanguan ko naman siya bilang sagot.

"Meron ka bang Espiritus na medyo maliit ang size pero kayang lumaban? Hindi ko kase malalabas dito ang mga Feral Adjunctus ko dahil masyado silang malaki at madali tayong matutunton ng mga co-players natin," Sabi ni Arod. Tinanguan naman siya ni Calin at inilibas nito aang salamin niya.

"Boss Christ, may tatlong binatilyo dito!" Dinig ko naman ang isang boses sa likuran ko. Kaya napatingin ako doon at napalingon din naman ang dalawa at kita namin ang isang Dwarf na lalaki medyo may katandaan at nasa hanggang tuhod ko lang ang laki na nakaturo samin. Napabilib naman ako dahil ito ang first time ko na makakita ng Dwarf.

"Woah! Ganito pala ang itsura ng isang Dwarf." Sabi ko na may malapad na ngiti. Bigla naman akong dinikitan ng dalawa, at bigla namang lumitaw ang napakagwapong lalaki na may kulay bluish na balat, kasing tangkad ito ni Calin, at nakasuot ng cloak na kulay blue. Tinitigan niya naman ang mga kamay namin isa-isa, at bigla naman siyang napangiwi nang mapadpad ang mga mata niya saking kamay.

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon