EPISODE 4/2

134 16 0
                                    

HOLY FATHER CALLON'S POINT OF VIEW

Nasa labas ako ng Ruendroy Queendom Palace, nakaupo sa mga bleachers Nakatingin ako ngayon sa mga naglalakihang screen at pinapanood si Quinn at ang mga kasamahan nito. Naka-suot ako ngayon ng camouflage cloak, kaya walang makakakilala sakin. Kasama ko rin pala si Sister Feline dahil hindi raw ito mapalagay sa kakaisip kung kumusta na ang alaga niyang si Arod.

"Your Hol—" Tinakpan ko ang bibig ni Sister Feline na pumutol sa sasabihin niya.

"Fel, sinabi kong tawagin mo akon Lon, para hindi tayo makilala ng ibang mga nilalang," Sabi ko. Katapos ay binitawan ko ang bibig niya, "Alam ko Fel, nasira na ni Quinn ang nilagay kong seal." Dagdag ko pa.

"Marahil ngayon ay may galit nang namumuo sa puso ni Quinn sa iyo, Lon," Sabi ni Sister Feline. Napabuga naman ako ng hangin at sumagi sa isip ko ang araw na kinupkop ko si Quinn...

Flash Back

(Eighteen years ago nang hindi pa si Callon Alighieri ang Holy Father at isa pa lang siyang Conclave o isa sa mga napiling humabol bilang Holy Father kung mamatay ang kasalukuyang Holy Father...)

"Lucio, talaga bang iiwan mo sakin ang anak mo para lang pumunta ng Solaria Mystery Land? Wala ka na bang ibang iisipin kung hindi ang sarili mo?!" Galit na sagot ko kay Lucio. Lumingon naman ang papaalis na noong si Lucio sakin na may mapait na ngiti sa labi.

"Hindi ito para sa sarili ko lang, Callon. Alam kong alam mo ang pangako natin kay Yuwhe na ayaw kong mabali. Gustong-gusto kong hagkan ang anak ko, pero wala akong magagawa dahil sa isang pangakong maaaring magpaganda sa future ni Quinn at nang buong Mundus Dominorum. Gustong-gusto kong nasa tabi ko lang si Quinn pero lubhang mapanganib lalo pa hinahabol parin tayo ng mga kalaban natin, ayaw ko namang isaalang-alang ang kaligtasan ni Quinn," Lintaya ni Lucio. Napatango-tango naman ako at napahinga ng sobrang lalim.

"Sige na, umalis ka na. Ako na ang mag-aalaga kay Quinn," Sabi ko. Nginitian naman ako ni Lucio.

"Wala ba akong goodbye kiss?" Tanong niya na nagpahulog ng aking panga.

"What the, Lucio alam kong may nakaraan tayo, pero as a respect sakin bilang isang Conclave ay huwag mo akong biruin ng ganyan," Seryosong sabi ko. Tinawanan naman ako nito at lumapit.

"Pasensya na, Your Holiness," Pang-uuyam niya. Tinaasan ko naman siya ng kilay, kaya ginulo niya ang aking buhok, "I-seal mo ang kapangyarihan ni Quinn, Callon. Hindi pwedeng malaman ni Quinn ang tunay niyang League haggang hindi ako nakakabalik." Dagdag pa ni Lucio na pinagtaka ko.

"Bakit naman?" Tanong ko.

"Dilekado, baka matulad siya sa kanyang ina," Sagot naman nito. Katapos ay kinuha ang nakasabit na payong sakanyang likuran. Nagulat naman ako nang makita ito.

"The Umbrella of Gahena? Kay Yuwhe ito ah, saan mo nakita ito?" Tanong ko.

"Basta, ang dami mong tanong," Sabi niya at saka tumawa. Kaya pinitik ko ang noo niya na nagpangiwi sakanya, "Aray! Pero kidding aside, itabi mo sakanya lagi ito para maaalala niyang may nagmamahal sakanyang pamilya niya. Hindi ba mas maganda na lagi niyang katabi ang Weapon slash Adjunctus Home ng kanyang ina?" Tanong nito. Kaya napabuntong-hininga ako at tumango-tango.

"Sige na, umalis ka na at malapit na ang Praying Hours namin," Sabi ko. Hinalikan niya sa noo si Quinn at nagulat naman ako nang halikan niya rin ako sa noo at saka tumakbo na nagpa-irita sakin.

"Paalam Quinn at Callon. Isa pa pala, sabihin mo patay na ang kanyang ama kung magtanong siya tungkol sakin!" Sigaw niya habang tumatakbo palayo. Kaya hindi ko na natanong ang rason. Bigla namang tumawa ang sanggol na si Quinn na nagpangiti sakin...

THE ADVENTURE OF THE HERETICAL SANE SUMMONER (BXB)Where stories live. Discover now